[23] Lalaban

373 13 2
                                    

Chapter 23
Gelo's POV

Pabalik ako ngayon sa bahay nina Yvaughn. Kung pwede lang akong magteleport ngayon, ginawa ko na kanina pa. Halos liparin ko na ang kalsada ngayon sa tulin ng takbo ko.




Nanganganib si Yvaughn.




Naiinis ako. Pinalala pa niya ang kanyang sitwasyon. Masyado siyang focus sa trabaho niya...at kay Enzo. Hindi na niya pinapangalaan ang katawan niya.




Stage 2 na yung cancer ni Yvaughn.


Nagmadali akong bumaba sa bahay nila. Dali-dali agad akong pumunta sa kwarto niya. Buti na lang wala pa sina Tita. Hindi ko yata kayang sabihin sa kanila ngayon. Mamaya na lang siguro.




Kumuha ako ng mga damit ni Yvaughn sa cabinet niya at nilagay ito sa paperbag. Dali-dali akong bumaba at lumabas ng bahay nila.


"Gelo?"


Halos himatayin ako sa gulat sa nakikita ko ngayon.


Si Enzo. Nandito siya. Oo, hindi ako gutom. Siya talaga ang nasa harapan ko ngayon.


"Gelo? Kumusta siya?"



Wow. Ang kapal ng gagong 'to. Nanginginig ako sa sobrang galit at inis. Dali-dali kong pinalipad ang kamao ko sa mukha niya.

"GELO?!"


Kinuwelyuhan ko siya. Hindi siya nagtangkang gumanti sa'kin.

"Gelo please. Sa-sabihin mo." Nangangatal niyang sabi sa'kin. "Nasaan si Yvaughn? Gusto ko siyang makausap."


"Gago ka pre! Bakit ngayon ka lang?! Bakit mo ginawa yun kay Yvaughn?!" Nanggigil kong sabi sa kanya.

"Look Gelo, I'm sorry. I'm really sorry."

"Huwag ka sa'kin magsorry. Hindi tayo ang magsyota. Puntahan mo si Yvaughn. Kailangan ka niya ngayon." Sabi ko sa kanya. Wala. Nanaig sa'kin ang awa. Hindi ko na kayang itago sa kanya ang nangyayari kay Yvaughn ngayon. Karapatan niya pa ring malaman. After all, sila pa rin naman.


"Sumunod ka sa'kin."

Sabi ko sa kanya sabay pasok ko sa kotse ko. Doon siya sumakay sa kotse niya. Pinaharurot ko ito at nagmadaling pumunta sa hospital. Pinark ko ito sa basement, kinuha ang paperbag at pagkatapos ay bumaba na sa kotse.

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Enzo.

"Gusto mong makita si Yvaughn, hindi ba?"


Tahimik kaming naglalakad papunta sa room ni Yvaughn. Sobrang bigat ng lakad namin na maihahalintulad namin sa aming mga nararamdaman ngayon. Sinulyapan ko si Enzo. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Alam ko namang hindi magagawang saktan ni Enzo si Yvaughn. Nagkaroon lang siguro ng misunderstanding sa kanilang dalawa.


"Nandito na tayo." Sabi ko sa kanya sabay bukas sa kwarto ni Yvaughn.

Inilapag ko agad ang paperbag sa lamesa at pagkatapos ay lumapit kay Yvaughn.

"Yvaughn, may bisita ka."

Alam kong hindi niya ako rinig dahil mahimbing siyang natutulog. Kitang-kita mo sa mukha niya na pagod na pagod na siya.

"Ge-Gelo? A-anong nangyayari kay Yvaughn?" Nangangatal niyang sabi sa akin.


"May ovary cancer si Yvaughn. Stage two."


Napaluhod siya sa sinabi ko.

"Matagal na ba?"

"May katagalan na rin."

Kasalukuyang umiiyak si Enzo. (Walanghiyang kabading naman nare.) De, sa totoo lang, nakakapanghina naman talaga. Ikaw ba naman na hindi magkaayos ng girlfriend mo, tas makikipag-ayos ka na sana, kaso nalaman mong may cancer na pala.


"Enzo, hindi pa naman huli ang lahat. Magdasal ka lang at magtiwala. Magiging ayos ang lahat." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.



"Lalaban si Yvaughn."

-------------------------------------------------------------------
Happy birthday to Cindy. This is for you.

Are you Willing to Catch My Fall?Where stories live. Discover now