[18] Promise

397 15 0
                                    

Chapter 18

Promise

Yvaughn's POV

Sabado ngayon at wala akong pasok. Tinext ko sina Reca at Petals. Today is Isaw Day. Ngayon ko na sila ililibre ng isaw nila.

Kumuha ako sa cabinet ng damit ko. Naalala ko yung nangyari kagabi. Wala. Ni hindi ako nakatanggap ng tawag/text galing sa kanya. Ano na kayang nangyari dun?

"Mama! Limang isaw."

"Sa'kin din, Yvaughn."

"Tas lima ding Betamax, tapos BBQ, tapos Adidas, tapos----"

"Oo na. Lahat na ng klase. Tigsasampu." Pagpipigil ko sa sasabihin ni Petals. Nandito na kami ngayon sa sikat na isawan sa bayan. Maraming bumibili dito at talaga namang dinadayo. Umorder na ako at umupo sa aming upuan.


"So, kamusta Diyosa? Anong nangyari sa pakeme mo kagabi?" Tanong ni Petals sabay taas ng isa niyang kilay.

"Hinalikan ka ba niya?" Panunukso sa'kin ni Reca

"Hindi. Wala." Natural ko namang sinabi. Wala naman talagang nangyari.


"Anong hindi? Anong wala?" Sabay sabi naman nilang dalawa.

"Kailangan magkasabay?" Napatigil ako. "Walang nangyari dahil hindi dumating si Enzo."


"ANOOOO?!" Napasigaw si Petals dahilan para magtinginan sa'min ang mga nakain. "Sorry peepz!" Sabi niya sa lahat. Loko talaga 'tong bading na 'to. Nagbalikan na ang mga tao sa pagkain nila.


"Magkwento ka. Anong nangyari?" Pinipilit ako ni Reca. Ikukwento ko pa ba?

"Dumating ako dun, wala si Enzo. Nagdecorate ako sa kwarto niya. Naghintay ako hanggang 12 pero wala pa ring Enzong dumadating."

"Aww Mama! Baka may big project din na ginagawa sa kumpanya nila. Baka busy. Baka nakisleep-over muna sa katrabaho niya!" Sabay hampas sa'kin ni Petals.

"Ha? Kung busy siya, dapat hindi niya malilimutan na monthsary nila kahapon. Si bading talaga." Ani ni Reca. Oo nga. May point si Reca dun.


Maya-maya'y dumating na ang nagseserve at binigay na sa'min ang aming order.

"Ang dami naman nito, Diyosa!" Sabay kuha ni Petals ng limang isaw.

"Ginusto mo 'yan eh! E di kainin mo!" Natatawa talaga ako kina Reca at Petals. Kanina pa silang parang aso't pusa.


Natahimik kaming lahat. Idinaan na lang namin sa pagkain. Sublimation.


"Sabihin niyo nga, pwede bang maghiwalay nang hindi niyo alam na naghiwalay na kayo?" Tanong ko sa kanila habang nasa bibig ko yung dalawang isaw. Nakakafrustrate na talaga. Malapit nang bumagsak ang mga luha ko.


"Huy Ateng! Dahan dahan naman. Mamaya mabilaukan ka sa pagsesenti mo diyan!" Inabutan ako ni Petals ng tubig.

"Tsaka, ano ka ba! Think positive! Mahal ka nun!" Binatukan naman ako ni Reca. Mga kaibigan ko talaga.

"Pero bakit ganun? Hindi man lang siya nagtetext o tumatawag sa'kin. Hindi na ba niya ako mahal?" Para na akong batang nagtatantrums dito.

"Alam mo Diyosa, umayos ayos ka diyan. Tutusukin kita mamaya ng stick pag di ka tumigil. Kumain ka na muna! Mamaya na natin problemahin si Fafa!" Sabay subo naman niya ng Adidas.

"Kadiri ka naman Petals. Kumakain ka pala niyan." Sabi ni Reca sa kanya. Maya-maya nama'y napatingin ito sa'kin. "Kumain ka na muna Yvaughn. Mamaya, tatawagan natin si Enzo. Cheer up." Then, she smiled.

"Thank you, Reca."

Pagkatapos nun, inubos namin lahat ng aming inorder. Kinain ko naman lahat maliban lang sa Adidas. Nadidiri kasi ako kapag nakikita ko yun.


"Thank you Diyosa sa treat mo. You're the best! Part I pa lang 'to kala mo." Sabay punas ni Petals ng tissue sa bibig niya.

"You're welcome. Ikaw na ang bahala sa Part II." Sagot ko sa kanya. "Una na ako. Babay! Ingat kayo."

"Babay guys! Labyu!" Pamamaalam naman ni Reca.


"Babay Mama! Ingat sila sa'yo! Huwag masyadong isipin si Enzo. Magiging lalaki ako kapag sinaktan ka nun." Ang laki talaga ng sayad ng bading na 'to sa ulo.

"Sira ka! Sige salamat!" Pagkatapos nun, umalis na ako. Kunwari.

Nagtagpo kami ni Reca sa isang lugar. Oo, kunyari umuwi na kami. Palabas lang namin yun kay Petals. Pupunta kasi kami ni Reca sa hospital. Magpapacheck-up ako. Girl talk 'to.

May nararamdaman kasi akong kakaiba for two months. Dalawang buwan na akong straight na meron. Hindi ko alam kung bakit. Nagpasama na ako kay Reca para magpacheck-up. Hindi ko din kasi naasikaso 'to noon dahil naging busy nga kami sa trabaho.

"Tara?"

Nagpunta na kami sa isang OB. Pagkatapos nun, sinabihan niya akong magpakuha ng mga ganitong test. Nagpakuha ako ng dugo at kung anu-ano pa. Hawak-hawak ni Reca ngayon ang kamay ko. Hindi ko alam. Nakakapanghina na din kasi.


"Miss Carreon. May abnormal bleeding ka. At base sa ultrasound mo, may kumakalat na mga cancer cells sa ovary mo. Kailangan mo 'tong maagapan. Huwag mong kalimutang uminom ng gamot." Inabutan ako ni Doc ng mga reseta na kailangan kong inumin. "Huwag kang mawalan ng pag-asa. Everything's gonna be alright. Huwag mong masyadong dibdibin." Sabi sa'kin ni Doc. Pagkatapos nun, umalis na kami sa room niya.


Napatingin sa'kin si Reca. Hindi ko alam kung anong irereact. Nanginginig ako ngayon. Ganito na ba akong naging pabaya sa'king katawan? Ni hindi ko man lang nalaman na may ganito na palang nangyayari sa'kin.

"Tawagan natin si Enzo?" Alok niya.

"Si-sige." Pumayag na ako.

"The number you've dialed is not yet in service. Please try your call later." Sabi ng cellphone ni Reca. Napatingin tuloy siya sa'kin.


"Huwag na." Sabi ko sa kanya. "Huwag mo nang sabihin." Binigyan ako ni Reca ng 'anong-ibig-mong-sabihin' look.

"Magpromise ka sa'kin, Reca. Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila. Dapat walang makakaalam kundi tayong dalawa lang."

"Kahit ka-kay Enzo?"


"Oo. Kahit kay Enzo. Promise?"

"Pero----"

"Promise?"

"Promise."

Are you Willing to Catch My Fall?Where stories live. Discover now