21. Forgiven

14.8K 249 12
                                    

"NAKAKAINIS kayo! Sabi ng ayaw kong gumimik, eh! Akala ko ba, friends tayo? Bakit niyo ako pinipilit sa hindi ko gusto?!" mangiyak-ngiyak ng wika ni Karen nang mai-park ni Julianna ang kotse nito sa bar kung saan napili nitong gumimik. Paano ba naman kasi, sa lahat pa ng bar na pinuntahan nila ay doon pa sa bar kung saan sila unang nagkita ni Stock. At itong kinatatayuan pa ng kotse ni Julianna ay siyang lugar ang eksaktong lugar kung saan siya iniligtas nito mula kay Eric. Lalo tuloy lumala ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya.

Kanina pa siya ngawa nang ngawa sa mga ito dahil sa pilit na pinapagawa ng mga ito sa kanya. Pero dahil sa isa lamang siya at dalawa ang mga ito, palaging talo siya. Napuwersa siya ni Julianna na suotin ang damit nito at si Stacey naman ay puwersahan rin na inayusan siya para sumama ang mga ito. Halos kaladkarin pa siya ng mga ito papuntang kotse.

Kung kanina ay masaya siya na kahit inis na inis ang mga ito sa kanya ay dinadamayan pa rin siya, ngayon ay inis na inis na siya sa dalawa. Sinabihan niya na ang mga ito na huwag magalit kay Stock. Pumayag naman ang mga ito. Pero uso na nga yata talaga ang bipolar disorder sa panahon ngayon dahil sa gustong mangyari ng mga ito.

"Tumigil ka na, Karen. Nandito na tayo kaya huwag ka ng umangal diyan," binuksan ni Julianna ang pinto ng kotse nito at lumabas na doon.

"Bahala kayo! Dito lang ako. Hindi na ako babalik sa dating buhay ko. Burado na sa akin ang salitang paghihiganti," determinadong sabi niya. Dahil na rin sa mga nangyari sa kanya ay na-realize niyang mali ang maghiganti kaya kahit sinaktan siya ni Stock, hindi niya na muling gagawin ang paraang iyon. Marami iyong masasamang naidulot sa kanya.

Tinignan siya ni Stacey. "Ayaw mo talaga?"

"Ayaw na ayaw!" kuntodo iling pa siya.

Tumingin ito kay Julianna. "Hah! Kung ayaw niya, Stacey, 'wag na nating pilitin. Antayin mo na lang kami dito hanggang sa matapos kaming gumimik,"

Tumango siya. Mabuti naman at sa wakas ay tinigilan na siya ng dalawa. Nakahinga siya nang maluwag. Nagbabagong buhay na siya kaya naman hindi na siya papasok pa sa mga bars. Kalilimutan na niya kung ano ang buhay niya noon...

At pati rin ba si Stock ay kasama sa paglimot mong 'yun?

Napapikit siya nang maisip iyon. Ano nga ba ang mangyayari sa kanila ngayong alam na niya ang lahat? Kakalimutan na nga ba niya ito? O magpapaka-martyr pa rin siya at patuloy pa rin itong mamahalin kahit na alam niyang inutusan lang ito ng Daddy niya?

Kung sana nga lamang ay hindi totoo ang lahat ng nalaman ko.

Binuksan niya ang mata at nagulat siya nang makita niya mula sa windshield ng kotse ni Julianna na may limang taong na nakatayo sa labas at may hawak-hawak na lobo. Tig-iisa ang mga ito nang hawak na lobo at sa bawat lobo ay may tig-iisang letter na naka-print doon. "Sorry" ang word na nabuo mula sa lobong iyon.

"What the---" bago niya pa naipagpatuloy ang sasabihin niya ay noon niya lamang napansin na mga taong malalapit pala sa buhay niya ang may hawak ng mga lobo. Sina Julianna at Stacey ang may hawak ng letter "S" at "O". Ang Daddy at Mommy naman niya ang may hawak ng dalawang "R". At ang may hawak ng "Y" ay ang taong iniisip niya lamang kani-kanina.

"Stock..." kung kanina ay mangiyak-ngiyak pa lamang siya habang pinipigilan sina Julianna at Stacey sa ginagawa ng mga ito sa kanya, ngayon naman ay napaiyak na talaga siya dahil sa nakita niya. Lumabas siya ng kotse at tinignan ang mga ito. Unang lumapit sa kanya ang dalawang babaeng nagdala sa kanya doon.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockDonde viven las historias. Descúbrelo ahora