20. Revenge

10.1K 173 15
                                    

NAPAGPASYAHAN ni Karen na tumuloy muna sa condominium unit ni Julianna para makapag-isip-isip dahil na rin sa kanyang nalaman. Nagpaalam siya sa magulang niya na may biglaang sleep over siya kasama ang ilan sa mga kaibigan niya noon. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil wala rin daw pala ang mga ito sa bahay ngayong gabi dahil may pupuntahan itong overnight party sa Batangas.

Kahapon pa siya roon at para sa kanya ay okay naman siya. Iyon nga lamang, parang mukhang sarili lang niya ang nagsasabing okay siya. Dahil kahit si Stacey na nakitulog na rin sa bahay nina Julianna nang dahil sa kanya ay mukhang inis na inis na sa kanya.

"Ano ka ba naman, Karen! Sasabihin mong malungkot ka dahil sa nalaman mo pero hindi mo naman sinisisi si Stock! Ang palagi mo na lang sinisisi ay 'yang sarili mo na sa totoo ay ang ikaw naman talaga ang biktima! Sabihin mo nga sa akin, ginayuma ka ba ni Stock at ganyan ang lagay ng utak mo?" nakapamaywang na sa inis si Stacey sa kanya.

Naisip niyang ang mga ito ang puntahan dahil wala naman siyang ibang ka-close na kaibigan noon kundi si Manel lamang. Nang mamatay ito, sina Julianna at Stacey lamang ang madalas na nakakausap niya kaya ang mga ito ang naisipan niyang paglabasan ng sama ng loob.

"This is my karma, Girls. Kaya lang naman ako lumapit sa inyo ay gusto ko lang talagang may makausap. But it doesn't mean na susundin ko ang lahat ng ipapayo niyo sa akin,"

Pinayuhan siya ng mga itong kausapin si Stock. Pero dahil sa tingin niya ay hindi niya pa kayang kausapin ito sa kabila ng lahat ay hindi niya ginagawa. Pinatay rin niya ang cellphone niya para hindi siya ma-contact nito dahil natatakot rin siya na malaman ang katotohanan mula sa bibig nito. Pero hindi ibig sabihin noon na galit siya rito. Sarili pa rin niya ang sinisisi niya sa mga nangyari. Iniisip niyang karma talaga ang nangyayari sa kanya. Isa pa, kahit iniisip niyang may kasalanan ito sa kanya, hindi niya pa rin makuhang magalit dito dahil kahit naman niloko siya nito, marami namang pina-realize sa kanya ang nangyari sa kanila...and she will admit, even if he fooled her, she enjoyed being with him. Sa madaling salita, kahit sinaktan siya nito ay pinasaya naman siya nito kaya may mabuting naidulot rin naman ito sa kanya kaya hindi niya magawang magalit dito.

"Naku, Stacey! Sinabi mo pa! Ang akala ko pa naman, si Karen iyong tipo ng makabagong babae. Iyong tipong kapag sinaktan ay world war three ang labanan! Pero tignan mo naman ngayon at dinaig pa si Mama Mary kung magpakamartir ngayon. Nasaan na ba ang dating Karen? Iyong fierce! Ilabas mo nga!"

"Alam kong sa ikabubuti ko ang mga sinasabi niyo. But I thank you for still being with me kahit hindi na ako ang Karen na nakilala niyo,"

"Well, I still consider you as a friend kahit minanang ka na ni Stock na 'yan kung manamit at hindi ka na rin niya pinapasama sa mga parties. Paano kasi kung hindi mo siya nakilala at ako ang napansin niya noong crush ko pa siya at ginanyan niya ako ay mukhang hindi ko kakayanin. Kaya thank you for saving me..." tumawa si Stacey. "Pero joke lang! 'Di talaga 'yun! Friend kita kasi kahit sandali lang tayong nagkasama ay nagustuhan kita. And kahit alam mong luka-luka ako ay nakipag-friend ka pa rin naman sa akin nang matagal and share some of your secrets,"

"Ganoon rin ako, Karen, kaya kahit na ba nakakainis ka ngayon ay pinagtitiyagaan pa rin kita," wika ni Julianna.

"Thank you girls," sabi niya saka yakap sa dalawa. She was lucky na nakahanap siya ng kahit mga gimikerang babae ay handa naman siyang tulungan ng mga ito. "Kaya pakiusap lang, ha? Huwag na kayong magalit kay Stock,"

"Haay, oo na! Ganyan yata talaga ang nagmamahal, hindi nakikita ang kasalanan ng lalaking minamahal," napa-roll eyes pa si Julianna nang sabihin 'yun nang biglang may tumawag sa cellphone nito. "O siya, teka tigil muna tayo ng moment at sasagutin ko lang ito, ha?"

Lumabas ito ng kuwarto upang sagutin ang tawag. Maya-maya pa ay narinig nilang mukhang naghihisterya ito sa kung sino man ang tumawag dito.

"Ang kapal ng---" naputol ang pagsisigaw nito sa kung sinumang kausap nito nang lumabas sila ng kuwarto para tignan ito.

"Sino 'yang kausap---"

"Si---" hindi nito naituloy ang sasabihin nang mapatingin siya kanina. "Pumasok ka nga muna sa kuwarto!"

"B-bakit?"

"Basta! Stacey ang kailangan ko dito. Pumasok ka muna at baka mag-init lang ang ulo mo,"

Sinunod niya ang utos nito kahit may hinala siya kung sino ang tumatawag. At dahil alam niyang mukhang mahirap pigilan ang mga ito sa kung anumang balak ng mga ito sa pagsagot ng tawag ng lalaking kanina lamang ay pinag-uusapan nila ay pumayag na siya sa gusto ng mga ito.

Mga nasa sampung minuto rin yata ang lumipas bago pumasok muli ang mga ito sa kuwarto. Dumiretso si Julianna sa closet nito at naglabas ng damit samantalang kinuha ni Stacey ang malaking make-up kit nito sa bag.

"Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Bakit niyo nilalabas ang mga 'yan? Gigimik ba kayo? Iiwan niyo ako dito?"

"Hindi ka namin iiwan. Sasama ka sa amin," may kinuhang damit si Julianna sa closet nito. "'Yan isuot mo yan,"

"Ha? Ayaw kong gumimik! Dito na lang tayo please. Ayaw ko ng bumalik sa dating ako. Ano ba ang gagawin niyo?"

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo ng bar. At gagantihan natin ang gago mong boyfriend," mahinahon pero puno ng awtoridad na sabi ni Stacey.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Ano?!"

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockWhere stories live. Discover now