"Chapter 25"

1.4K 41 9
                                    


Chapter 25:My Thursday with Rayleigh

Zen's PoV,

Nagsusulat ako nang bigla nalang may tumakip sa mata ko.Kainis ah,

"Sino ba yan?"sabi ko at bahagyang tumingala kahit wala naman akong makikita.

"Hulaan mo..."sabi ng boses. Ohhkay..kilala ko na kung sino..Napafrown nalang ako

"Rayleigh,"sabi ko tsaka tinanggal na niya ang kamay niya sa mata ko at pumunta sa harap ko.Mukhang good mood siya dahil sa ngiti niyang sobrang laki.Literal.

"Hi beshie!Alam mo ba ano meron ngayon?"tanong niya.Napaisip ako sa sinabi niya wala naman akong alam na okasyon ngayon ah.. O kaya special day para sakin... Hayst,dapat magmemo plus na ako eh..Makabili nga sa susunod.

"Ano ba?"tanong ko bilang pagsuko.Wala na talaga akong ibang maisip eh.

"Ano ka ba,turn ko na ngayon!"sabi niya tsaka itinaas ang dalawa niyang kamay.

"Turn saan?"tanong ko ulit.Ano bang pinagsasasabi nito?Ang gulo niya ah,

"Turn ko na para masolo ka,"sabi niya tsaka kinindatan ako.Ay oo nga pala,yung kabaliwan nila.Hayy,bakit pa kasi ako napasok sa mga ganito...

"Oo nga pala,congrats?"sabi ko with sarcasm.

"Bes naman,Im sure hindi mo makakalimutan ang araw na ito,"sabi niya.Isinawalang bahala ko nalang siya.Hindi nga kaya?Ano bang trip niya today?


-------------------


"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko sa kanya pero di niya ako sinasagot at nakatingin lang sa daan habang nagdadrive.Kainis,snobber si bes.

"Ibaba mo na ako,"ayun.Napalingon ko siya.Gulat na gulat siya at halatang nagtataka pero hindi ako nagpatinag.

"Ha?Bakit naman?"tanong niya.

"Di mo naman ako pinapansin eh,kaya bababa nalang ako,"sabi ko tsaka nagpout.

"Si bes talaga,nagtatampo ka ba?"tanong niya tsaka napangiti.Lokong to,galit na nga ako nagawa pang ngumiti.

"Hindi ah!"sabi ko tsaka napaiwas ng tingin.

"Weh bes naman,wala ka bang tiwala sakin?"sabi niya.Alam kong nakatingin siya sakin dahil  nakikita ko iyon sa peripheral vision ko.

"Malay ko ba kung saan mo ako dalhin.."sabi ko.Narinig ko mahinang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit mo ako tinatawanan?"tanong ko sa kanya.

"Ang totoo kasi niyan....irerape kita.."sabi niya tsaka napangisi.Nanlaki ang mata ko sa narinig.A-ano daw?Rape?

"Ano bang sinasabi mo?!"gulat at takot kong tanong.Bigla siyang napatawa ng malakas.Malakas talaga ah,sabay hampas pa sa manibela.Gabe naman,ano bang nakakatawa?

"Joke lang yun!Hahaha!Kung nakita mo lang yung mukha mo!Priceless bes!"sabi niya habang tumatawa.And sa wakas,nagets ko narin siya.

"Ayoko na nga talaga sayo!"sabi ko tsaka akmang baba ng kotse nang pigilan niya ako.

"Secret nga...baka gutom lang yan..gusto mo kumain muna?"sabi iya.

"Sige na nga..."sabi ko tsaka umayos ng upo.


-----------------


"Mmmm!!!Ang sarap ng pagkain!!!"sabi ko habang kumakain.

"See?Umayos rin ang pakiramdam mo,"sabi niya habang kumakain.Napatingin ako sa kanya.

"So..asan nga ulit tayo pupunta?"sabi ko.

"Secret nga..ang kulit mo talaga"sabi niya tsaka pinisil ang pisngi ko.

"Ouch..pero gusto ko nga malaman e..."sabi ko 

"Malalaman mo mamaya..pag bilog na ang buwan.."sabi niya sa nakakatakot na boses.

"Eii..full moon mamaya?"tanong ko na medyo nakakatakot.

"Yup..May ipapakita ako sayo na siguradong ikatutuwa mo,"sabi niya tsaka napangisi.Seryoso?Ano ba kasi yuuun?!


---------------


"Ahhhhhh!!!!!Tama na!!!!Wag mo na iusog please!!!!"sigaw ko habang pilit tinatanggal ang kamay niya sa mga mata ko.

"Okay..sige,sige.."sabi niya tsaka unti-unting tinanggal ang kamay niya sa mata ko.Pagtingin ko sa baba...

"Wahhh!!! Rayleigh!!!Ilalaglag mo ba talaga ako?!"sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang siya na ikinainis ko.

"Tingin ka sa taas,"sabi niya habang nakatingin sa taas kaya no choice ako kundi tumingin sa taas.

Halong pagkagulat at pagkamangha ang naramdaman ko.Imposible...

"Ang regulus..."sabi ko.

"You forgot?August is when the Leo would rise"sabi ni Rayleigh pero hindi ko nagawang lumingon sa kanya.

"Ang ganda...."sabi ko pa habang manghang-manghang nakatingin sa bituin.

"Gusto mo tingnan sa telescope?"yaya niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay!"sabi ko tsaka nauna pang pumasok sa kanya sa loob.

------------------

Short update ulit..sorry kung hindi ako makapagupdate ng mabilis..nasira ang phone ko eh pero tinatry ko ang best ko to update this thanks for your understanding.And this chapter is dedicated to linzeyflownymetrillo thanks for reading!

next chapter:

Chapter 26:Band Practice

Please Read,Vote,Comment and Recommend narin!Thanks!

My Manliligaws and Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now