"Chapter 20"

1.3K 37 1
                                    


Chapter 20:The Sleepover

Zen's POV,

"Zen!!!"sigaw ni Shin kaya medyo inilayo ko ang phone sa tenga ko.

"Bakit?"tanong ko.

"Asan ka?"tanong niya.

"Nasa bahay.Kauuwi lang namin,galing kami ni mommy sa simbahan eh,"sagot ko.

"Ganun ba?Basta ah,magready ka mamaya!!Pupunta rin sina Hannah,Jillianne at Marianne so pupunta ka ah,"sabi niya and i smiled

"Makakatanggi pa ba ako?Send mo nalang ang address mo ha,"sabi ko.

"Aye sir!"sabi niya tsaka ibinaba ang tawag.Dumiretso naman ako sa kwarto tsaka nag-ayos ng dadalhin.Hindi ko napansing bukas pala ang pinto kaya pumasok si mama at inusisa ako.

"Saan ka pupunta?"tanong niya habang nakacrossarms.

"Sa kaklase ko po..may sleepover kami,"sagot ko habang naglalagay ng ilang damit sa bag ko.

"Ganun ba?Wag kang magpapapuyat,naku baka magkaeyebags ka hindi ka na tanggapin ng manager mo,"panenermon sakin ni mama.

"Opo na po,hindi po promise!"sabi ko at itinaas pa ang kamay ko para makita ni mommy na sincere ako.

"Oh sya,mag-iingat ka mamaya. Ano pala nangyari kagabi?"tanong ni mama.Napatigil naman ako sa ginagawa ko tsaka napangiti.

"Nakita ko po ang pinakamagandang bagay sa mundo,"sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Regulus...

Nagulat naman si mommy sa sinabi ko. "Diyos ko!Hindi na virgin ang anak ko!"sabi ni mommy na ikinataka ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ma!Ano po bang sinasabi niyo?"tanong ko.

"Diyos ko!Ang bata-bata mo pa kumikerengkeng ka na!!"pagalit na sermon ni mommy. Saka ko lang narealize na namisunderstand ako ni mommy.

"Ma naman!Isang star ang tinutukoy ko!"sabi ko.

Dun naman parang kumalma si mommy tsaka nagtaka. "Star?"

"Opo.Star po.Yung brightest star ng constellation ng Leo,ang Regulus,"sabi ko at napahinga naman ng maluwang si mama.Napatawa nalang ako ng mahina.Ang green ng nanay ko.

"O sya sige,magluluto na muna ako,"sabi niya at dali-daling bumaba habang tinuloy ko naman ang pag-aayos ng gamit ko.

--------

Tiningnan ko ang number ng bahay para makumpirma kung eto nga ang bahay ni Shin at nang makumpirma,agad-agad akong bumaba at pinindot ang doorbell.Lumabas ang isang Shin na nakapantulog na.Isang long sleeve and pajamas na kulay gray sa kanya.Di pa pala ako nakapantulog,di bale may dala naman ako.

"Beshie!!!!"sigaw niya at dali-daling tumakbo at binukas ang pinto.

"Park mo nlang sa garage namin,"sabi niya nang makitang may dala-dala akong sasakyan.Agad naman akong tumango at pumasok sa sasakyan para ipark ang sasakyan ko.Matapos non,sinamahan ako ni Shin sa pagpasok sa bahay nila.

Malaki ang bahay nila Shin pero simple lang ito.Napakalinis at ang aliwalas lang tingnan ng bahay nila at di nakakasawang tingnan.Napansin ko naman na nakaupo lang at nanonood ng tv ang tatlo(Marianne,Jillianne and Hannah).

And guess kung anong pinanonood nila?

Anime.

Ewan ko kung anong title eh.Kahit kasi nasa Japan ako,hindi ako nakakanood ng ganyan dahil sa busy ko doon.

"Wahh!!Nanonood na kayo ng hindi ako kasama?Favorite ko pa naman ang K-On!!!"sabi niya tsaka agad-agad umupo sa sahig.

Nakakatuwa and nakakatawa yung story niya and nacatch up naman agad ang interest ko pagkapanood nun.Ang cute lang kasi..at their age,naisipan na nilang gumawa ng banda.

"Pwede rin natin silang gayahin!"sabi niya kaya napalingon kami.

"Marunong akong magpiano!!"pagmamalaki niya pa.

"A-ah bass guitar ako.."nahihiyang tugon ni Jillianne tsaka napayuko.

"Electric guitar ako,"sabi ni Hannah.

"Drums,"maikli at emotionless na sagot ni Marianne.

"So...ano ako?"tanong ko at nginitian lang ako ni Shin.

"Marunong kang mag electric guitar?"napatango lang ako.

"Eh kumanta?"tanong niya ulit kaya tumango lang ako.

"Ikaw ang magiging parang Yui!!!"tuwang-tuwang sabi ni Shin.

"Haha tara na nga nagugutom na ako eh,"sabi niya at tumayo na.

--------

A/N:No Comment muna lol,haha.And nasa taas ang pic ng K-On. Anyway po next chapter:

Chapter 21:The Sleepover Part II

Please Read,Vote,Comment and Recommend narin!Thanks!

My Manliligaws and Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now