"Chapter 19"

1.4K 45 0
                                    


Chapter 19:The Star Part II

Zen's POV,

Pagkatigil ng kotse ni Rayleigh, agad niyang tinakpan ang mata ko ng panyo at iginuide sa kung saan man.

Sa katunayan,bago pa ako mablindfold,familiar na sakin ang place.

"Oh,mag-iingat ka,"sabi ni Rayleigh habang hawak ako sa kamay at balikat. Naramdaman ko namang parang hagdan ito kaya inangat ko ang paa ko.

Matapos ang paglalakad,tumigil na si Rayleigh at dahan-dahang tinanggal ang blindfold ko at dun ko nakita kung nasaan kami.

Nagulat ako dahil hindi ko akalaing dito ako dadalhin ni Rayleigh. Ang pinakapaborito kong lugar sa lahat.

Ang terrace nila Rayleigh.

Kaya pala familiar sakin. Dahil pala eto ang bahay ni Rayleigh.

Wala sila Tita at tito dito dahil nasa ibang bansa si tita at nasa ibang bahay si tito.Yup,hiwalay ang magulang ni Rayleigh. Pero dahil ayoko muna magkwento masyado tungkol sa past life niya, etong scenery nalang ang ikukwento ko.

"Sakto lang pala tayo,"sabi niya tsaka magkatabi kaming umupo at tiningnan ang magandang sunset.

Ngayon ko lang napansin na kahit nasa Manila ako,still,ang ganda ng sunset.Habang unti-unti siyang natatakpan ng mga nagtataasang buildings.

"Ang ganda,"nasabi ko nalang habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Namiss mo to?"tanong niya kaya napalingon ako sa tinuturo niya.Napangiti ako bigla.

"Oo naman,"naisagot ko nalang pero sa loob ko,gusto nang lumabas ng puso ko at subukan iyon

"Naalala mo ba ang favorite star mo?"tanong niya.

I smiled,"Makakalimutan ko ba yun?"

*Flashback...*

"Ray-ray!!!"tawag ko kay Rayleigh kaya agad-agad siyang lumapit.

"Ano iyon?"tanong niya nang makalapit sakin.

Hindi ko siya sinagot at sumilip lang sa telescope.

"Leo..."sabi ko na alam kong ikinataka niya.

"Leo?"tanong niya.Tumango ako at inalis ang mata ko sa telescope.

"Tingnan mo,"at ginawa naman niya ang sinabi ko.Tumingin siya sa telescope.

"Ang ganda ng star.."pagkamangha niyang sabi na ikinangiti ko.

"Yan ang Regulus.Ang brightest star sa constellation ng leo.Favorite ko ang leo dahil yun ang zodiac sign ni papa at ni mama,"sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"Ang ganda ng star..kasing ganda mo,"sabi ni Rayleigh na ikinapula ng pisngi ko.Mukhang hindi talaga napapansin ni Rayleigh na matagal ko na siyang crush.

"Zen!Bumaba ka na!Aalis na tayo!"sigaw ni mama kaya napatingin ako kay Rayleigh. Nakita ko ang lungkot sa mata niya.

"Aalis ka nanaman.."sabi niya tsaka napayuko.Napangiti lang ako tsaka niyakap siya.

"Ano ka ba,kahit ilang beses naman akong umalis alam mo namang babalik at babalik ako,kaya wag ka na malungkot huh,"sabi ko tsaka pinunasan ko ang luha niya.

"Zen!Ano ba!"sigaw ni mama

"Andyan na po!!"sigaw ko tsaka tumingin sa langit.

"Ang Regulus ang magiging bantay ko sa pagpunta sa Japan.At isipin mo na ako ang star na yan para maisip mo na lagi kitang binabantayan,"sabi ko tsaka tumakbo pero huminto ako sa pinto tsaka tumingin kay Rayleigh na papaiyak na.

"Sayonara(Goodbye)"sabi ko tsaka tuluyang umalis.

*End of Flashback...*

"Pitong taon na ang nakakalipas nang mangyari yun pero naaalala mo pa"pabiro kong sabi pero ngumiti lang siya at sumilip sa telescope.

"Ang Regulus..Matagal kong inisip na ikaw yan..Tuwing pagtulog ko yan ang tinitingnan ko..Iniisip na ikaw yan at binabantayan ako,"sabi niya habang nakatingin sa telescope.

"Ako rin..Ang Regulus ang gabay ko sa Japan.Tuwing nakikita ko yan,naaalala kita,"sabi ko.

Umalis siya sa telescope at tumingin sa akin.

"Gusto mong tingnan?"tanong niya.Tumango lang ako tsaka sumilip sa telescope.Nakafocus lang ito sa nag-iisang star na paborito ko.

"Regulus...."anas ko.

"Siya ang magiging saksi sa lahat ng mangyayari sa buhay mo Zen,"sabi ni Rayleigh kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo nang umuwi?"tanong niya at tumango lang ako.

"Lets have a car date habang pauwi,"sabi niya na ikinangiti ko.

"Just make sure may chocolate ah,"he smiled.

"Oo naman,"

-----

A/N:Yesh!!Tapos na!!For now,eto ang pinakamahirap na chapter kaya sana nagustuhan niyo.Next chapter:

Chapter 20:The Sleepover

Please Read,Vote,Comment and Recommend narin!Thanks!

My Manliligaws and Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now