Chapter 34

6.8K 314 60
                                    

STARDUST AND THE SPACE WARRIOR

Chapter 34

“Gago ka ba? Bakit ang dami mong message sa’kin?” Nakita ko sa screen ng phone kong text message galing kay Jacob. Inaano ko naman ‘to at ganito ang sinabi? Binuksan ko ang message niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa kanya pala napa-send lahat ng text ko para kay Julianne. Tangina! Paalibhasa nagkasunod ang pangalan nila sa contacts.

“Hindi ako ‘yan.” Excuse ko.

“Number mo ‘to tapos hindi ikaw? Adik ka ba?”

“Pare -pareho ng itsura ng mga cellphone natin, hindi ako ‘yan.” Mariing tanggi ko. Tangina eh, bakit ba kay Jacob pa nag send? Naduling na yata ako kagabi sa dami ng nainom namin.

“Ewan ko sa ‘yo, brad pero wala naman yatang kumuha ng cellphone mo kagabi.” Sabi ni Jacob. Hindi na ako nagreply dahil baka lalo lang isipin nitong ako nga ang nag message sa kanya.

Kaya naman pala walang nagrereply sa akin kagabi ay dahil iba naman pala ang mine-message ko.

Nag type ako ng message para kay Julianne.

“Hi Miss. Kumain ka na ba?”

“Hello, yes kumain na kami ni Mabel. Ikaw ba?”

Tangina, gustung gusto ko talaga ‘yung mga ganitong tanungan, kinikilig ako.

“Kumain na rin ako. Marami ba kayong client?” Tanong ko.

“Wala masyado kapag ganitong oras. Mamayang five dadami na naman sila.” Sagot niya.

“Coffee tayo?” Aya ko at tinanaw ko si Esso na nakatayo sa tabi ng telepono, parang di mapakali.

“Ngayon na ba?”

“Libre ka ba? Kung okay lang sana.”

“Sige, okay lang. Saan tayo pupunta?”

“May café malapit d’yan sa office niyo diba?”

“Yes, meron nga.”

“Sige, sunduin kita r’yan.”

“Okay.”

“Esso, labas lang ako saglit.” Paalam ko sa kanya at tumango naman siya. Nang palabas na ako ay parang di mapaanak na pusa si Esso, iniangat niya ang handset mula sa receiver at may tinawagan. Hindi ko na pinansin dahil may pupuntahan pa ako.

-

Bago pa ako makapasok ng building nila ay lumabas na si Julianne na nakangiti sa akin.

“Hi.” Bati niya sa akin.

“Let’s go?” Sabi ko sa kanya. Lumakad kami papunta sa café sa tapat ng Locklair.

“Hi!” Bati sa amin n’ung asawa nung Boss nila Jacob. May kalong siyang bata na kamukhang kamukha ni Boss Zac.

“Hello po, Ma’am.” Sabi ko. Magkakilala kami dahil lagi silang nag papa reserve ng table sa restaurant namin.

“Hello, Ms. Julianne.” Bati naman niya kay Julianne.

“Hello rin po.” Sagot naman ni Julianne.

“Wait, your names are the same.” Sabi niya bigla sa amin habang bahagyang nakakunot ang noo.

“Ah opo.” Sagot ko naman at ngumiti.

“Hindi ko alam na magkakilala pala kayo.” Sabi niya at ngumiti sa amin. Pinasunod naman niya kami sa kanya pinapwesto sa may kalapit ng bintana kung saan pinaka magandang pumwesto.

Stardust and the Space WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon