Chapter 5

7K 348 95
                                    

STARDUST AND THE SPACE WARRIOR

Chapter 5

Habang kumakain kami ni Julianne sa Tum’s ay nag ring ang cellphone ko. Alam kong sabay kaming napatingin sa screen nito dahil nakapatong ito sa ibabaw ng lamesa.

Nag alangan akong sagutin pero sinagot ko na rin.

“Hello, Claire?” Sagot ko, yumuko si Julianne at nagpatuloy sa pagkain pero alam kong nakikinig siya. “Oo, pupunta ako mamaya. Oo, alas sinco ng hapon. Sige, bye.” Agad ko ring pinutol ang tawag. Kasamahan namin si Claire sa internship at nagyaya siyang manuod ng sine.

“Uhm, tanong ko lang, hindi sa nakikialam ako pero kayo ni Riza diba?” Tanong ni Julianne sa akin. Expected ko ang tanong niya pero hindi ang klase ng expression na meron siya.

Punung puno ng pagtatanong ang mukha niya at halata ring naguguluhan siya at kita ko ang pag aalala r’on.

“Hindi kami ni Riza.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi pa kayo? Nanliligaw ka sa kanya, diba?” Tanong niya ulit at napabuntong hininga ako.

“Parang gan’on, pero gusto ko ang kaibigan mo.” Sabi ko at tumango siya.

“Kung gusto mo si Riza ay iwasan mo sanang gumawa ng bagay na makakasakit sa kanya.” Sabi niya at tumango naman ako.

“May isa pa sana akong tanong.” Dagdag niya.

“Sige, ano ‘yon?”

“Iyon bang tumawag sa’yo ngayon lang ay gusto mo rin?” Tanong niya. Diretso siyang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot. Sobrang hinahon ng tono niya at gusto kong kilabutan dahil doon.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Ang liit na tao nito pero nakaka intimidate tumingin.

“Ang sabi nila “Silence means yes”, ibig sabihin ba ay “Oo” ang sagot mo?” Dugtong niya, katulad sa nauna niyang tanong ay hindi rin ako nakasagot. “Ibig sabihin ay gusto mo rin si Claire. Ang dami mo namang gusto, mag papanggap akong wala akong alam, hindi kita binabalaan pero kung hindi ka rin naman seryoso sa kaibigan ko ay mas makakabuting h’wag mo siyang paasahin. Mabuting tao si Riza at alam kong nagugustuhan ka na rin niya pero habang maaga pa ay huwag na sanang lumalim pa iyon dahil mukhang hindi mo naman masusuklian iyon.” Sabi niya habang patuloy siyang kumakain.

Napalunok akong muli. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa sinabi niya. Hindi sa nilalaman niyon kundi sa paraan ng pagkakasabi niya. Talagang nakakakilabot, parang kutsilyo sa talim.

“H -hindi ko naman pinapaasa si Riza, wala akong pinapaasa.” Sabi ko, tangina, nautal na ako.

“Pero hindi lang si Riza ang gusto mo, sapat ng dahilan iyon. Mayroon ka pa bang ibang gusto?” Tanong niya at nang hindi ako ulit agad nakasagot ay naiiling na napabuntong hininga siya.

“Ano, hindi.” Sabi ko.

“Wala akong sasabihin kay Riza h’wag kang mag alala, hindi naman ako involve sa kung ano mang meron kayo dahil wala naman ako sa lugar para gawin iyon, kung may intindihan na rin naman kayo ay kayo na ang bahala. So kalimutan na lang din natin na nag usap tayo ng ganito. Pag isipan na lang muna natin kung ano ang ilalagay sa short story na kailangang ipasa  kay Ma’am Mercado.”

“Sige.” Iyon lang ang nasabi ko.

“Okay, mauuna na ako sa’yo ha, may klase pa kasi ako.” Sabi niya at ngumiti na siya sa akin.

“Sige.”

“Kita na lang ulit tayo sa Wednesday, maggawa ka na ha kahit draft lang, adventure ‘yung gawin nating genre ng story natin.” Sabi niya at nanatiling nakangiti sa akin. Pikit na halos sa kakangiti.

Stardust and the Space WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon