Chapter 25

6.8K 344 34
                                    

STARDUST AND THE SPACE WARRIOR

Chapter 25

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa tabing dagat. Bitbit ko ang tsinelas naming dalawa at dinadampian ng alon ang mga paa namin. Pinakikinggan din namin ang alon at hindi ko mapigilan ang nadaramang kasiyahan. Papalubog ang araw, nasa tabing dagat kasama ang taong mahal mo. Wala na, game over na ako.

May maliit na party sa isang area ng beach at nagpunta kami ni Julianne pagkatapos naming maghapunan.

May banda roon na hindi namin kilala pero maganda naman ang tugtugan nila. Naghiyawan pa ang mga tao nang i-cover nila ang isang kanta ng Tears for Fears.

There's a room where the light won't find you
Holding hands while the walls come tumbling down
When they do, I'll be right behind you

Nagsimulang magsayawan ang mga guests doon at gumaya naman kaming dalawa ni Julianne. Pareho kaming natatawa sa paa kong parehas kaliwa.

Umuugong ang tunog sa speakers at malakas din ang ingay mula sa mga taong sumasabay sa lyrics ng kanta.

“Hindi ko alam na magaling ka pa lang sumayaw.” Bulong ko sa kanya. Niyakap ko na lang siya dahil doon naman ako magaling.

“Hindi naman, palagi lang nag b-ballroom sila Mommy kaya natuto ako.” Sabi niya sa akin at ikinawit naman ang braso niya sa batok ko.

“Dapat siguro akong matuto rin para maisayaw ko ang Mommy mo.” Sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.

“I’ll teach you. Matutuwa sigurado si Mommy na may bago na siyang ka partner.”

-

Alas dose na kami bumalik sa kwarto namin at medyo tipsy na kaming pareho dahil sa nga drinks na ipinamimigay sa party. Parang saka pa lang nagsisimula ang mga tao r’on na mag party pero ayaw na namin ni Julianne dahil parami na ng parami ang mga tao.

“Hey, my baby.” Bulong ko at yumakap kay Julianne nang makapasok kami sa loob ng kwarto namin.

“Amoy alak na tayo pareho.” Sabi niya at ngumiti sa akin. Namumula ang mga pisngi niya at mahahalata mo na ang tama ng alak sa kanya.

“Hmm, anong gagawin ko?” Wala sa loob na tanong ko sa kanya.

“Go take a shower.” Utos niya sa akin pero hindi ako bumitaw sa kanya, bagkus ay lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

“Dali na, mag shower ka na.” Utos niya sa akin.

“Why don’t you join me?” Sabi ko sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay. “May tub sa loob ng banyo, pwede rin nating gamitin ‘yon.” Sabi ko pa na may halong panunukso.

“Tub, sa tub tayo.” Sabi niya at kumawala sa akin at nauna ng pumasok ng banyo. Nag echo naman sa loob ng kwarto ang halakhak ko at mabilis na sumunod sa kanya papasok sa loob.

-

Nakalublob siya sa tub habang nakatindig naman ako sa may pintuan ng banyo.

Namumula ang pisngi niya habang nakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko naman ang antisipasyon na lumubog na rin doon at sumalo sa kanya.

-

Napangiti ako nang magising ako kinaumagahan. Katulad nang plano ko ay talagang magdamag kong niromansa si Julianne. Nagsimula kami roon sa banyo at nakarating kami rito sa kama.

N’ung una ay nagtititigan lang kaming dalawa habang nakababad pareho sa tub hanggang sa hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanya.

Nagsimula lamang ako sa paghaplos ng balikat niya pababa sa braso niya hanggang sa kung saan saan na nakarating ang haplos ko.

Stardust and the Space WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon