Chapter 11

6.4K 371 93
                                    

STARDUST AND THE SPACE WARRIOR

Chapter 11

“Hi Jules, yun nga palang ipinapabasa ni Ma’am Mercado may nakita ka na ba? Wala kasi akong mahanap online eh.” Bungad kong text message kay Julianne. Siguro naman mag rereply na sa akin ‘to dahil related naman sa klase namin ang itinatanong ko.

“Meron na akong link, ipasa ko sa’yo mamaya.” Reply niya at napangiti ako.

“Nice! Saan ka nakakuha?” Tanong ko sa kanya.

“Nahingi ko sa mga seniors namin sa department.” Reply ni Julianne.

Ayos ah, sige pahingi ako. Salamat!”

“Sure, you’re welcome.”

“Ano palang ginagawa mo ngayon?” Tanong ko sa kanya pampahaba ng usapan.

“Nagpapahinga, galing kami sa labas kanina eh, bakit?”

“Wala naman, curious lang ako. Saan kayo galing?”

“Nagsimba kami tapos may pinuntahan kami. Kayo ba, anong ginagawa niyo?”

“Nag iihaw ako rito sa labas, sila Esso nasa loob at nagtutuhog pa ng karne sa stick.”

“Wow, ang sarap naman n’on, lagi niyo bang ginagawa ‘yan?”

Napangiti ako sa reply niya. Nagtanong din siya  sa akin.

“Minsan lang kapag naisipan nila o di naman kaya ay kapag nakagusto sila na mag barbeque kami. Send ko sa’yo mamaya ang picture ng luto ko para lalo kang mainggit.”

“Haha grabe ka po, nang inggit ka pa.”

Tumatawa nga kaya siya? Na curious ako kung anong tono niya habang sinasabi ang mga ‘yon. Madali kong kinuha ang earphones ko sa kwarto at ikinonekta ko iyon sa aking cellphone. Huminga muna ako ng malalim at kumuha ng bwelo bago tumawag sa kanya. Habang nag r-ring ay noon ko napansing mahigpit pala ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.

“Hello?” Sagot niya at napalunok ako nang marinig ko ang boses niya.

“Hi.” Sabi ko. “Okay lang ba na tumawag ako?” Tanong ko.

“Bakit? May importante ka bang sasabihin?” Tanong niya.

“Ah wala naman, gusto ko lang kausapin ka.” Sabi ko.

“Nyek, mamaya na lang kasi baka nakakaabala pa ako sa’yo, masunog pa iyang iniihaw mo.” Sabi niya, teka, ako ang tumawag pero bakit siya ang nagsasabi ng baka makaabala siya? Baliktad yata.

“Hindi, okay lang naman kaya nga ako tumawag eh.” Sabi ko sa kanya.

“Eh may ginagawa ka pa, kung mag k-kwentuhan lang naman tayo eh kahit mamaya na, ayos lang naman.”

Napabuntong hininga ako at nahilot ko ang sintido ko.

“Sige, mamaya na lang.”

“Sure, sige matutulog muna ako ha.” Paalam niya at pinutol na namin ang tawag. Tangina, ito na naman iyong pakiramdam na frustrated ako.

Lumabas na sila Esso dala ang iba pang iihawin.

“Sinong kausap mo?” Tanong ni Esso sa’kin.

“Si Julianne, itinanong ko lang ‘yung sa project namin.” Sabi ko.

“Ang tanong ko lang ay kung sino, hindi kung bakit.” Sabi ni Esso at naka ngisi na siya kaagad.

“Sinasabi ko lang kaagad para nga di ka na rin magtanong ulit.” Sagot at tumingin sa iniihaw ko.

Stardust and the Space WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon