Chapter 10

6.7K 374 72
                                    

STARDUST AND THE SPACE WARRIOR

Chapter 10

May meeting kami kay Dean, ipinatawag niya kaming lahat na graduating kaya nag half day na kami ni Esso sa OJT namin. Ilang buwan na lang kasi ay gagraduate na talaga kami.

“Ybañez, nakakapag submit ka naman ba ng lahat ng requirements ni Ma’am Mercado?” Tanong sa akin ni Dean ang malaki ang naging ngiti ko.

“Oo naman, Dean. Ako pa.” Sabi ko at napailing na lang sa akin si Dean.

“Siguraduhin mo lang iyan.”

“Sigurado po.” Sabi ko at nag thumbs up pa kay Dean.

“Itong si Arvesu na pogi? Mag pagupit ka bago mag graduation picture.” Sabi ni Dean. “Ikaw ay noon ko pa sinasabihan na nagpagupit pero hindi ka nakikinig.” Dagdag pa niya at pinigilan kong matawa. Nagtinginan naman sa aming dalawa iyong iba naming kaklase. Nag thumbs up sa amin iyong kaklase naming lalaki na si Roy nasa unahan. Okay din ‘tong si brad, support din.

-

Nang matapos ang meeting namin ay lumabas na kaagad kami ni Esso. Umaambon kaya nagmamadali kami ni Esso pero pinauna ko siya nang makita ko si Julianne na naglalakad sa kabilang corridor.

“Hi.” Bati ko kay Julianne.

“Uy, kumusta?” Tanong niya sa akin. “Anong ginagawa mo rito? Akala ko may OJT kayo?”

“Pinatawag kami ni Dean eh pero pauwi na rin ako, nauna lang si Esso sa’kin.” Sabi ko. “Ikaw? Pasaan ka?” Tanong ko sa kanya nang mapansin kong may hawak siyang payong.

“Sa kabilang building lang, may ibabalik lang akong libro sa library.” Sabi niya sa akin.

“Ah, gusto mo samahan kita?” Tanong ko sa kanya.

“Naku h’wag na, ang mabuti pa umuwi ka na rin bago pa lumakas ang ulan.” Sabi niya sa akin.

“Okay lang ‘yan.” Sabi ko pero hindi siya nagpatinag.

“H’wag na nga salamat na lang. Bye!” Sabi niya at binuksan ang payong niya, mabilis siyang tumakbo papalayo sa akin.

Napangiti na lang ako at tumakbo na rin palabas naman ng university para umuwi sa apartment. Inabot ko pa si Esso na mabagal maglakad, parang tanga, akala mo ay sa buwan naglalakad.

-

Pagdating namin sa bahay ay naligo ako dahil sabi ni Pipo ay maligo raw kami para hindi kami magkasakit. Si Esso ay pumasok rin sa banyo nang matapos ako.

Napansin ko na umiilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon kaagad.

Napabuntong hininga ako nang makita kong si Riza ang tumatawag. Nag isip ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi pero nagpasya akong gawin ang una.

“Hello?” Bati ko.

“Hi.”

“Bakit?” Tanong ko

“Uhm, ano, hindi sa nangungulit ako. Alam ko kung ano ang ibig sabihin natin sa huli nating pag uusap pero okay lang ba kung ituloy natin iyong panunuod ng sine?” Sabi niya sa akin. Napabuntong hininga akong muli na sa palagay ko ay narinig niya dahil nagsalita siya ulit. “Sayang kasi yung movie passes ko eh, don’t worry, manunuod lang tayo ng sine then tapos na. Tinanong ko kasi si Julianne kung pwede siya pero may lakad daw sila ng Mommy niya tapos may klase pa rin siya, may prior commitments na rin ang iba naming kaibigan so …” Paliwanag niya.

“Sige, sasamahan kita.” Sagot ko. Huli na naman ito kaya papayag na ako.

“Sige, thank you! I’ll see you on Saturday, three pm.”

Stardust and the Space WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon