eh kasi nai-spoil mo na ko. sanay naman ako na dala ko lagi yang mga gamit ko noon

noon yun. nung wala ka pang rj.  

namula naman ang pisngi ng dalaga. konti na lang talaga ibubulsa ko na to eh sigaw ng isip nya

oo na ang dami mong alam

kinilig ka kaya

hindi noh! alis ka na nga!

napailing naman ang binata. this is his all time favorite, whenever he can catch her off-guard with his antics

oo na po. ubusin mo yang lunch mo ha

palagi naman. ang taba ko na nga oh  sabay hawak sa tiyan nya

kulang pa ng mga anim na bandehadong kanin.

ewan ko nga sayo! ikaw anong lunch mo?

pareho lang po ng sayo. sabay marahang kurot niya sa ilong ni maine

iiihhhhh.... sige na alis na. tatakbo ka na naman nyan eh

ok lang. sanay na

palagi kasing ganito. limang minuto bago ang klase nya tsaka lang niya iiwan ang dalaga at mabilis na tatakbo papunta sa klase nito. at sa maniwala po kayo at hindi, hindi pa naman po siya nadadapa sa nakaraang linggo.

hindi kasi yun. nababasa kasi ng pawis yung likod mo tapos papasok ka sa room, aircon. magkakasakit ka nyan eh sermon ni maine

sorry na. hindi na ko tatakbo. ang sarap naman mag-alaga ng future girlfriend ko

inirapan ni maine ang binata

go na wag ka ng himirit. see you later

see you love

namula ang pisngi ng dalaga kaya kumaway na lang ito sa binatang papalayo

araayy!!! bella ano ba

"may langgam! di mo ba nakita?" pilyang ngiti ni bella kay maine

ewan ko sayo! isa ka pa

"friend yung totoo! bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin yang manliligaw mo?"

ang bata pa namin bella tsaka napag-usapan naman na namin. ok naman kami

"yun ba talaga ang dahilan? o natatakot ka lang?"

nag-alangan si maine sa tanong ng kaibigan. partly totoo, natatakot ang dalaga. ganito rin kasi ang pagkaka-kwento ng nanay nya tungkol sa tatay nya. pero ng mabuntis ito bigla na lang naglaho na parang bula.

ayokong ma-disappoint si nanay. nagpapakapagod siya sa ibang bansa para maitaguyod ako at para makabangon kami sa utang tapos...

"maine naiintindihan naman kita, pero hindi naman ang tatay mo si rj"

pano kung magkamali ako? pano kung gamitin ko yung puso ko tapos sa huli ako pala ang talo?

"pano kung tama ang puso mo? eh di pinalampas mo na ang prince charming mo?"

ewan ko bella naguguluhan pa ako.

"ahhh mahal mo"

ano?

"si rj, mahal mo"

siguro... ewan baka... ang alam ko lang masaya ako pag kasama ko siya. masayang-masaya

"well desisyon mo naman yan. ang sa kin lang may isang girly na baka makasingit sayo"

huh?

"yung christine ba yun? ang dikit kaya kay tisoy. kaninang vacant period nakita ko tumabi na naman kay rj" inis na sumbong ni bella

pano mo naman nalaman?

"hello!!!! kaklase ko si mark di ba? pagkatapos ng college algebra nakita ko sila sa may org bench, parang magnet eh pagdating nya automatic kay rj agad ang lapit"

napatungo naman ang dalaga

kung... kung mas gusto nya kay tine wala naman akong magagawa. bagay naman sila eh

maine has a low self-esteem. she would always think less of herself and most of the time that's her defense mechanism, ayaw nya ng away at gulo so she would give in. kagaya nung elementary siya at kinuha nung kaklase nya yung eraser na niregalo ng nanay nya, para wala ng away binigay na lang niya.

she does not want any conflict. she does not want any confrontation either. so her instinct is always going to be getting out of the way.

"o sige bigay mo. parang laruan lang si rj ah. friend naman prince charming na yung pinamimigay mo oh!" kamot-ulong paliwanag ni bella

ano naman ang gusto mong gawin ko? eh kung gusto nya kay tine wala namang problema

"friend eto ha. si rj kung maka-effort ng panliligaw bongga eh as in achieve nya yung goal. kung si christine ang gusto nyan eh di sana nun pa siya nag-effort kasi mas nauna naman silang magkakilala. kaso friend hindi eh. sayo nag-effort si tisoy oh!"

she gets it. but she does not know how and what to do

so ano nga ang gagawin ko? eh hindi naman niya ako girlfriend.

"make a statement. yung passive statement pero mage-gets ng lahat na sorry i'm his girl ganun!"

what bella said made sense. still she does not know what to do

so pano nga?

"friend eto ha sinabi ko na sayo ang dapat mong gawin. ikaw naman na ang mag-isip kung paano mo gagawin kasi abuso na yun"  biro ni bella

eh hindi ko nga alam

"eh bakit di mo kaya daanin sa ano... uuhhmmm... yung bagay na kumportable kang gawin. ganun."

so ano nga ba ang bagay na kumportable siyang gawin?

she smiled. there's only one thing she feels comfortable with.

thanks bella. tara na baka ma-late tayo  yaya niya sa kaibigan

"nakaisip ka lang ng paraan iniwan mo na ko eh no! magaspang talaga ugali mo friend"  habol sa kanya ni bella

sorry na. alam mo naman ako bigla na lang lumilipad utak ko sorry na. pag-amo nito sa kaibigan

"so anong pasabog mo? share naman"

bumulong ang dalaga sa kaibigan na ikinangiti naman nito

"ay oh! gusto ko yan! ano kelan mo gagawin?"

mamaya kasi may meeting siya pero dadaanan nya si uno tsaka yung bag ko. meron pa siyang 30mins bago yung meeting nya

napapalakpak si bella

"friend sakto yan. kasi karamihan sa mga students pauwi na nun. ivi-video ko at ipo-post ko sa socmed!"

tingin mo ba ok lang?

"gorang-gora! shet ngayon pa lang kinikilig na ako!"

hhuuyy wag ka maingay baka may makarinig masira pa yung surprise ko kay rj

"so ano yung surprise mo sa kaibigan namin?"

******* diretso na po tayo sa susunod

              😇💕🙏

photgraph revisitedWhere stories live. Discover now