the prank

1.9K 238 83
                                    

from:  bella beauty

mission accomplished 😏

"dude we got a comfirmation"  ngiti ni mark ng makita ang text ng kaklase sabay abot ng telepono kay kris

napangisi din ang kaibigang si kris ng mabasa ang mensahe "nice one" at nakipag-appear pa ito kay mark

"dude ano kayang reaksyon ni faulkerson?"

"pare nakikini-kita ko na. nakakunot yung noo tapos tapos nagcacalculate yung utak nya ng probability" sabay tawa ni kris

"kingina kasi eh ang tyope! teka replayan ko muna si bella baby"

to: bella beauty

thanks! sagot na namin ang access mo sa guild buong sem!

"aray! anong problema mo? bakit ka ba nambabatok?" reklamo ni mark

"isa ka pa eh! kunwari ka pa dumidiskarte ka dyan kay bella no!"

"hindi nga! dude may jowa"

"pero type mo?"

"ang ganda kaya" balik naman ni mark "pero alam mo yang si faulkerson magpapasalamat sa tin yan bilang ka ng isang buwan"

"ay pare malabo yan! two weeks pre binata na yang si faulkerson" kontra naman ni kris

"hey guys!"

"uy tine" bati ni kris kay christine

"si rj?" tanong ng babae

"ay wala tulog umalis" sagot ni mark

"huh? ano?"

"kingina pre hindi ba nahahalata ng babaeng to na hindi siya type ni rj?" bulong ni mark kay kris

"ano yun mark?" tanong muli ni christine sabay taas ng kilay

"ahhh wala. ang sabi ni mark busy eh, may tutorial session kasi siya ngayon" depensa naman ni kris sabay siko kay mark

"ah ok. sige puntahan ko na lang sa condo nya. sige guys bye!" sabay talikod ni christine sa dalawa

bigla namang napatayo si kris at habol sa babae.

"ay tine. nga pala pwede bang pahiram muna yung notes mo sa philo?" dahilan ni kris

"huh? bukas na lang sa monday pa naman philo natin. puntahan ko muna si rj"

to the rescue naman si mark

"ay kasi tine kailangan kasi namin mag-advance study dun kasi may activity kami sa weekend. sige na alam mo naman na ikaw lang ang may pinakamaayos na note sa philo eh. sige na pahiram na muna kami mabilis lang"

at dahil medyo nadaan sa bola ng dalawa pinahiram naman ng babae ang kanyang lecture notes

"bilisan nyo lang ha kasi pupuntahan ko pa si rj"

"oo mabilis lang to" sabay ngiti ni kris sa dalaga

"kingina ka kris paninindigan talaga natin kopyahin tong notes nya? eh pang grade 2 lang to eh" inis na bulong naman ni mark

"eh gago ka pala eh! kung abutan nya si faulkerson dun at nandun pa si ms. singer? mapupurnada yung plano natin na ikaw ang nagpasimuno" gigil na sagot naman ni kris

"kunsabagay. nyeta kasi tong si faulkerson eh. nagbayad na nga sa pagrequest ng kanta hindi pa kinuha yung number ang torpe talaga" reklamo ni mark

"yaan mo na. alang-alang sa barkadahan hayaan mo pag nagbreak si bella at yung jowa nya ikaw naman gagawan namin ng paraan ni tisoy" sabay tapik nito sa kaibigan

photgraph revisitedWhere stories live. Discover now