aftermath

1.8K 225 66
                                    


"kingina! nakita mo yung mukha ni tine?" sabay tawa ni mark

"pre EPIC!" sang-ayon ni kris na hindi mapigilan ang pagtawa

mga gagu kayo! kayo may pakana nung wanted flatmate noh?! aminin nyo!

"dude ngayon pa lang, YOU'RE WELCOME!" sabay gulo ni mark sa buhok ni rj

siraulo! ano bang naisip nyo at pati ako dinamay nyo pa sa mga kalokohan nyo?

"kingina ka tisoy wag kang magmalinis diyan! dinig na dinig namin, ikaw mismo nagsabi kay christine na flatmate mo si ms. singer!" banat ni mark sabay hagis dito ng unan "let me correct that FLATMATE KO!" medyo pasigaw na ulit nito

"oo nga! kung tutuusin pwede mo naman sabihin kay ms. singer na hindi ka naghahanap ng ka-flat share at higit sa lahat pwede mo naman sabihin na hindi sayo nanggaling yung advertisement na yun. oh bakit di mo ginawa?" bwelta pa ni kris

"ano? di ka makasagot?! hindi ba kaya ng quasi-experimental factor kalkulahin ang sagot?" tukso pa ni kris

"o baka naman kasi tama ang hypothesis namin?" segunda pa ni mark "brad uso na umamin ngayon! type mo si mendoza"

tumigil nga kayo! sabay sagi nito sa braso ni mark na nakaakbay sa kanya  dami nyong alam

"oh eh bakit nga di mo sinabi kay maine yung totoo?" hamon ni kris

kasi nga... kasi kailangan nya talaga ng bahay malapit dito sa school. madaling araw na natatapos yung gig nya delikado pag ganun ang uwi. babae yun. tsaka scholar siya, siya lang ang nagpapaaral sa sarili nya.

"hmmm... yun ba talaga?" dudang tanong ni kris

"hindi ba dahil ang ganda nya" dugtong ni mark

"o kaya hindi ba dahil ang ganda ng boses nya?" ayuda ni kris

"o baka na-realize mo na atleast hindi ka na kelangan magbayad ng dalawang libo para lang marinig mo siyang kumanta?" dagdag ni mark

"baka naman mas magandang dahilan yung hindi mo na kailangang bakuran kasi pumasok na sa teritoryo mo?!"

"BOOM! krisanto nadale mo!"

tumigil na nga kayong dalawa! ang gagu nyo lang talaga!

"dude ganito na lang ha. bibigyan ka namin ng dalawang linggo. pag hindi mo ipinagpasalamat ang ginawa namin, sagot ko yung pang-gas mo ng isang buwan, deal?" kampanteng tanong ni mark

"gawin mo ng dawalang buwan." banat ni kris

pati ako idadamay nyo pa sa mga kalokohan nyo. tumayo kayong dalawa diyan at samahan nyo akong linisin yung kwarto! singhal ni rj sabay talikod bilisan nyo jan! nakakahiya lilipat na bukas oh!

humahagikgik naman na sumunod ang dalawa

"kingina dude mukhang talo tayo pustahan?" bulong ni kris

"bakit naman tayo matatalo? tignan mo nga ipinapalinis pa yung kwarto" mahinang sagot ni mark

"yun na nga."

"anong yun na nga?" takang tanong ni mark

"hindi na aabot ng dalawang linggo"






^^^^^^








bella ano tama ba yung ginawa ko?

"alin ba? yung maki-flatshare sa hottest guy on campus? KABOG! ang dami mong magiging basher pagnagkataon bes"  kilig na sagot ni bella

photgraph revisitedWhere stories live. Discover now