baby steps

1.7K 230 127
                                    


hi... ok lang kayo?

bungad ni maine sa lamesa nila rj

uy tapos ka na? uwi na tayo?

mabilis namang tumayo si rj sa tabi ng dalaga

ah oo. ikaw ba? pwede ka pa naman magstay with your friends

"ahem" papansin ni mark

si mark nga pala tsaka si kris. friends ko tsaka sa league din sila

nilahad naman ng dalaga ang kamay para makipagkilala sa dalawa

"hi ms. maine"

hi kris

"hello ms. maine. ang ganda po ng boses mo"

hala... salamat po.

let's go

sigurado ka? baka gusto mo pa sila makasama

buong araw ko ng kasama yang mga yan. besides may pasok ka pa bukas di ba? you need to get a good rest and bes—

ok na po gets ko na po tay sabay ngiti ni maine kay rj

hah? anong tay?

wala akong tatay pero mas tatay ka pa sa lolo ko kung magpaalala eh.

kamot naman sa batok si rj. sabi nila kris alagaan daw, anak ng! tatay pa magiging tingin sa kin... pambihira bulong ni rj sa sarili

ano yun?

ah wala. sabi ko uwi na tayo

hindi naman mapigil ng dalawa ang mapahagikgik.

"dude ang hirap din talaga pag guwapo ka eh. yung halos lahat ng babae may gusto sayo kaya hindi mo na kailangan manligaw tapos pag nakita mo na yung gusto mo hindi mo alam ang gagawin"

"sinabi mo pa. di runong eh. bukas ipaalala mo at bibigyan natin ng refresher" sagot ni kris

guys uwi na kami.

"ingat" paalam ni kris "ingat pre"

"bye ms. maine" kaway naman ni mark

kris, mark, alis na kami. salamat pala sa pagpunta

"next week ulit" sabay ngiti ni mark

bye po

inalalayan naman ni rj ang dalaga sa paglalakad.

ay rj sandali lang, kunin ko lang yung gitara ko sa may bar.

samahan na kita

palabas na sana sila matapos makuha ang gitara at bag ni maine ng may lumapit sa kanila

"hi maine. ahmm pauwi ka na?" bati ng isang lalaki

ay opo.

"gusto ko lang sana sabihin na ang ganda mo. tsaka ang galing mo kanina. ako nga pala si oliver. varsity ng basketball team" pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay at ngiti sa dalaga

medyo nagulat naman si maine. hindi kasi siya sanay sa malakas na personalidad gayunpaman nakipagkamay pa rin siya

hello po sir oliver.

"uy walang sir. second year lang ako. baka lang may time ka next week manood ng game" diretsong anyaya ng lalaki hindi napansin ang binatang nakasunod sa dalaga

ha? ahh... hin—

she's busy with her tutorials. with me pahayag ni rj napansin kasi nya na medyo uneasy na si maine

photgraph revisitedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora