A/N: Second batch + Interview!

Start from the beginning
                                        


8. Anong kwento ang una mong isinulat sa Wattpad? Naging hit ba ito o okay lang?

Anonymous Photographer. Una kong pinost yun sa facebook notes ko & mga friends and relatives ko lang ang nakakabasa and they liked it. When I had the chance to post that story here on Wattpad,first 100 reads ay sobrang natuwa na ako. Kahit ang votes na natanggap nito ay small lang,okay lang kasi at least,nakatapos ako ng isang story for my entire life! Okay lang ang fame na natanggap ng AP and it's okay with me,at least meron pa ring nagbasa,diba? :)


9. Ilang kwento na ang nagawa mo simula nang magsimula kang magsulat? Nasaan na ang mga ito?

Marami na din yun. Pero lahat ng yun ay nawala na,yung iba inanod ng baha at yung iba,hindi ko tinatapos at tinatapon ko na lang. Sa ngayon,wala talagang natira ni isang kuwento ko sa akin.


10. Writing is an art diba? Paano mo napapanatili ang sarili mong creative o artistic pagdating sa pagsusulat mong kwento lalo na at ipinapublish mo ito sa isang website?

Yes. Writing is an art. Sa totoo niyan,I badly need more inspiration para maforce ko yung sarili ko na magsulat,minsan tinatamaan kasi ako ng writer's block,yung talagang wala kang maisip na scene for your story. Sobrang hirap,lalo na ngayon na sumasabay pa yung college schedules ko.


11. Kadalasan ba sa sinusulat mong kwento ay base sa sarili mong karanasan o minsan ay kathang-isip lamang?

Yung iba,base sa sarili ko at yung iba naman ay base sa imahinasyon ko.


12. Anong genre ang madalas mong gawan ng kwento? Bakit?

Romance. Bakit? Simula nung mainlove ako,yun ang ginagamit kong inspiration para makapagsulat.


13. Ibinabase mo ba sa age mo o ka-edad mo ang ginagawa mong kwento?

Sa tingin ko parang hindi na oo. Medyo wala namang R-18 sa stories ko pero parang hindi related sa mga ka-edad ko. Hindi ko lang alam pero I'm trying my best na mairelate ito sa age bracket na kinabibilangan ko.

14. Kanino mo idinededicate ang mga kwento matapos mong magsulat ng isang Chapter o kwento?

Kadalasan,sa mga avid readers na mahilig magvote at magcomment sa bawat chapters ng stories ko. Naaappreciate ko sila sobra, para kasing nafefeel ko na may sumusuporta sa akin through them. 

15. Sa Wattpad,sino ang paborito mong author at anong kwento ang gustong gusto mo? Bakit?

@modernongmariaclara & @rizzamaruja 

Base sa dalawang author na yan,ang pinakapaborito kong story nila ay yung The 7th Thing,Ang Boyfriend Kong Artista,Kiss the Rain,September Night. Ang apat na kwento na yan ang nakacatch ng atensyon ko,siguro dahil sa plot ng stories at characters na ginamit ng dalawang author na yan. ♥

16. Kung Oo ang isinagot mo sa Question #5,mahilig ka din bang magbasa ng mgakwentong publish sa Wattpad o E-books?

Kung sa akin,tamad ako magbasa ng E-books,bukod sa masakit sa mata ay nakakahilo pa. Kaya madalas,gusto ko pa yung hard bound books. Pero kung sa Wattpad naman,no choice ako kasi dun lamang available yung stories lalo na kung walang soft copies yung author na dinidistribute. I choose to adjust the brightness of my computer para lang mabasa yung story without hurting my eyes.

17. Ano ang mas mahalaga sayo? Ang makapagsulat ka dahil gusto mo o ang bilang ng reads, votes, comments at fans na nakukuha mo sa Wattpad?

Ang makapagsulat ako dahil gusto ko. Exception na lang yung votes,comments & reads from fans kasi they give you chills and they inspire you to continue writing eh. So good help na din yun! :)


18. Gusto mo bang gawing career ang pagsusulat o hanggang hilig lang ito?

If I will be given a chance,then yes. Gusto kong makapagpublish ng book someday pero I know it would be impossible lalo na madalas akong tamaan ng writer's block. And as long as I'm studying,it will stick as a hobby.

19. Ano ang message mo sa mga taong babasa pa lang ng kwento mo?

Guys,I know your out there,checking out new authors and stories to read. Try to check out mine!  Gusto kong mag-thank you sa inyo by dropping on my stories & I hope magustuhan niyo yung stories ko na talagang pinaghirapan kong hagilapin sa imaginary world ko. And we can be friends! Approach me lang and wag kayong mahiya. I'm friendly online and we can be good friends (malay niyo) offline. ;)

20. At message mo din sa mga taong sumusuporta sayo? Pwede mo bang i-mention kung sino-sino sila?

Unang-una sa lahat,gusto kong pasalamatan si @rizzamaruja sa pagiging supportive friend. Thank you sa pag-introduce ng Watty world sa akin. Thank you so much din sa unang author na nagapproach sa akin na si @modernongmariaclara. Kahit minsan lang tayo magkausap-usap,I know you're still my friends! *hugsss* 

And of course,walang "whoknowsjhoanne" sa Watty kung wala ang mga fans & readers na sumusuporta sa akin. Sobrang thankful ko na nandiyan kayo kahit nahihiya akong iapproach kayo isa-isa. Pwede tayong maging friends,I'll tell you! :)

So yun lang. God Bless Us All & May we have a nice day! ♥

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Guys,I need your support again through out this new batch of interviewee. Maraming salamat ulit!

Cheers! xx

Undiscovered.Where stories live. Discover now