A/N: Second batch + Interview!

174 5 2
                                        

Guys! Pagkatapos ng successful interview with the first batch of authors,masaya po akong i-announce na magkakaroon ng second batch of interviewee. Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin akong naghahanap ng willing na mainterview para sa second batch,kung willing kayo na magpa-interview please click the external link at the right side > 

Naging masaya ang kinalabasan ng una kong try na maginterview ng mga authors & I hope ay natulungan ko sila na ipakilala ang kanilang mga sarili sa kanilang mga readers. Bagamat,hindi ko nakumpleto ang 10 authors na mainterview dahil nasa hiatus ang ika-sampung author,isa pa ring success para sa akin na nagawa ko yung ganitong bagay. At bilang reward sa aking sarili,gusto ko ring i-share sa inyo kung sino at ano ako bilang isang writer.

Kasabay ng Author's Note na ito ang aking interview sa aking sarili. Maraming salamat sa mga authors & readers na magkakaroon ng oras para basahin ito. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

1. Kailan ka nagsimulang magsulat? Ilang taon ka? At paano ka nahilig sa pagsusulat?

Nagsimula akong magsulat nung Grade 6 pa lang ako,11 years old yata ako nun. Isang sadya ang pagkahilig ko sa pagsusulat,isa sa mga kaklase ko noon ay mahilig isulat ang isang scene ng paborito niyang palabas noon sa Ch.11 (yata) at isa ako sa mga bumabasa nun. Pagkalipas ng ilang buwan napagplanuhan naming magbabarkada na gumawa ng isang kuwento at kung sino ang may pinakamagandang kwento,yun ang panalo. Natatandaan ko noon,isang alien lovestory yata ang ginawa ko? Ang lawak ng imagination ko nun. 


2. Sino ang nagtulak sayo o naging inspirasyon mo sa pagsusulat?

Tulad ng sinabi ko kanina,ang mga kaibigan ko nung Grade 6 ang nagtulak sa akin na magsulat. At ang pinakinspirasyon ko ngayon ay si @rizzamaruja at si @modernongmariaclara at ang lovestory ko. ♥


3. Hilig mo na ba talaga ang pagsusulat o may iba ka pang hilig/hobbies noon bago mo nakahiligan ang pagsusulat?

Bago ko makahiligan ang pagsusulat,dati rati na akong nagdodrawing ng sticks,I mean yung stick na tao. Pero pinaimprove ko lang yung version ko,if I can show you one kung anong itsura nung drawing ko,I would. Pero sa ngayon,hahanapin ko pa. Haha! Ang mga drawings na yun ang nagsisilbing story guideline ko. Puro drawing lang na stick at walang dialogue. 


4. Bago mo madiskubre ang Wattpad, ano ang naging materials mo sa pagsusulat?

Bago ako magkaron ng laptop at madiskubre ang Wattpad,I used the old traditional way,papel at lapis/ballpen. Yung mga luma kong notebook noon ang ginagamit ko.


5. Mahilig ka din bang magbasa ng libro? Kung Oo,ano ang paborito mong libro at sino ang paborito mong author nito?

Noon,mahilig akong magbasa ng mga textbooks ko na may mga stories. Hindi ako mahilig sa novel stories,short stories will do! Pero sa ngayon,I'm trying my best to read novel books. I hope I can get one vintage novel stories at Booksale.


6. Student or employee? Paano mo napagsasabay ang pagsusulat sa iba mo pang activities? 

Student. Nahihirapan ako sa ngayon na pagsabayin ang dalawa,sabi nga sa Bible,you cannot serve two masters. Pero nakakakuha naman ako ng free time minsan at talagang chinicheck ko ang WP account ko everytime na magreresearch ako for something.

7. Paano mo nalaman ang site na Wattpad? Kanino mo ito nalaman?

Si @rizzamaruja ang may kagagagawan! Hahaha,joke lang! Pero siya talaga ang nagbigay sa akin ng link ng Wattpad last year pa at super thankful ako sa kanya kasi kahit paano,nabuhay yung imagination ko sa world of literature. 

Undiscovered.Where stories live. Discover now