A/N: Una sa lahat,gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagvolunteer para sa article na ito,maraming salamat talaga! Pangalawa,sa mga readers na sumusuporta sa mga paborito nilang writers sa pagbabasa ng interview article nila rito sa "Undiscovered" at para sa pagsisimula muli nito para sa pangalawang batch,isa sa mga nag-volunteer na mainterview ko ay si BabaengFragile na kung matatandaan ko ang username niya dati ay ayensdfghjkl pero dahil nagbago na nga,leave it there na lang. Hahahaha! Hindi ko na pahahabain ang AN na ito,eto na yung list ng questions na ipinasagot ko kay Miss Ayen Cuesta! ;)
1. Sino si babaengfragile?
Ako? Tulad ng username ko babaeng fragile talaga ako. May pagkamadaldal, magulo, makulit, approachable naman kahit madalas napagkakamalang masungit. Simpleng tao lang. Simpleng writer at blogger. Walang ganun kaspecial sakin. Hindi kasi ako siopao. *O*
2. Kamusta ka bilang isang writer?
Bilang writer? Siguro isa sa pinakatamad. Update lang kung kelan ko gusto. Towards my readers naman nakakausap naman nila ko. Madaming maling grammar. Hahaha. Aminado naman kasi akong hindi ako magaling mag English.
3. Masaya ka ba at tinahak mo ang mundo ng literature?
Oo. Somehow hindi. May time kasi na ang lakas ng pressure, lalo na kapag hindi ko alam anong takbo ng utak ng mga readers mo. Kahit kasi sabihin nating we write to express not to impress, may part pa din satin kaya tayo nagsusulat ay dahil sa mga readers. Kung wala ka bang readers malamang na malamang din tatamarin ka kahit anong inspired ka magsulat. Kaya mahirap pa ding maging writer.
4. Anong kwento ang isinusulat mo ngayon,maaari bang magbigay ka kahit isang linya mula rito?
Book 2 ng When Ms. Cuss meets Mr. Too Good, yung If Happy Ever After Exist. Siguro yung “Anong pwede kong gawin para mapasaya ka? Tam hindi ko na alam. Hindi ko alam anong nangyayare sa’yo. Don’t you get it? Nasasaktan ako pag nakikita kang nagkakaganyan.” Sabe ni Carl kay Ysh
5. Sa tanang buhay mo,ilang kwento na ang naisulat mo at ano ang pinakagusto mo sa lahat ng iyon?
Siguro may higit sampu na. Bukod kasi sa mga stories ko dito meron yung noon noon pa. Mga highschool pa ko noon pero hindi ko napublished yung mga yun kasi walang lakas ng loob hehe. Yung When Ms. Cuss meets Mr. Too Good forever favorite. May pinaghugutan kasi yung kwentong yun. May reason kung bakit ko siya naisulat, some parts kasi talaga dito totoong nangyare. Hango talaga siya sa totoong buhay na sobrang puyat naman talaga inabot ko diyan para matapos ko sa kotang sinet ko. Hahaha. Napakamadugo.
6. Anong genre ng stories ang madalas mong isulat? At bakit?
Love Stories, yung mga Teen Fiction. Kasi isa ko sa libu-libong babaeng naghahanap ng totoong pag-ibig. Chos. Dito ko kasi nailalabas yung parehong side ng lalaki’t-babae. Dito ko nagagawa yung mga bagay na gusto ko mangyare sakin. Lakas maka day dream ng mga kwento ko.
7. Saan ka kumukuha ng inspirasyon para magsulat?
Nung una akong nagsulat sa past relationships. Dun ko kasi hinugot ng kilig at sakit. Based on experiences din kasi talaga. Saka yung mga ideal kong mga bagay-bagay. Minsan sa readers din, kapag yung may mga eager magbasa ng UD, sinisipag ako magsulat.
8. Ano-anu ang mga inspiration materials mo para mapanatili mo ang sarili mo na nagsusulat?
Kanta number 1 talaga to kasi yung kapag malungkot ang sinusulat ko malungkot na music din pinapakinggan ko. Andun yung feeling na ramdam mo yung mga bagay-bagay. Nakakarelate ka sa gingawa mo.
YOU ARE READING
Undiscovered.
RandomCompilations of interviews with the undiscovered Wattpad writers. You want to discover a new good story and a new good author? Check this out!
