Chapter 3: Operation: Bring back what is ours

14K 357 6
                                    

*Raven's POV*

"Ang mga damit?" tanong ko.

"Check!"

"Rubber shoes?"

"Check!"

"Lubid?"

"Check!"

"Hair pins?"

"Check!"

"Gloves?"

"Check!"

"Flashlight?"

"Check!"

"Ear piece?"

"Check!

"Good." I said as a lopsided smile was playing on my lips. The big mission of our lives. A mission impossible. Everything is almost set. Almost?

Wait,

"Guys? What about the chocolates?" then all of them just face palm. "What?" minsan hindi ko maintindihan 'tong mga kabarkada ko. Tapos yun din ang ginawa nila. "Malay nyo, mawalan ako ng gana, maubusan ng energy o kaya magutom, diba? Diba?" pangungulit ko.

"Oo na, oo na, eto na." tapos nilagay ni Patty yung mga chocolates sa bag. Yehey!

Kung iniisip nyo po kung ano'ng MI-- I mean kalokohan ang gagawin namin, iyon ay ang "Operation: Bring back what is ours"

Dati na amin 'tong ginagawa. 'Pag may naconfiscate na gamit sa amin-- it's either pricey or has a sentimental value on us-- we are gonna steal, I mean get it back to us. Wala pang nakakahuli sa amin. Sa isang school year 3-5 times namin tong ginagawa, so sanay na rin kami. Pero hindi lahat kami magkakasama, mga lima o anim lang. At ang lagig present? Malamang ako! Pati na rin si AJ at JC-- which is ang may kailangan ngayon. Si Patty siguro mga isa o dalawang besses lang siya nakakasali, at dahil good boys sina JC at ZJ hindi din sila ganun ka-active, siguro kung gamit nila ang nacofiscate. Si PJ naman dahil masyado pang bata 'di din siya pwede at si Dezz na may strict parents, wala din.

"Ok, kita nalang tayo tonight 10 pm, sharp." sabi ko at kinuha ang mga gamit namin. Tutal nasa kanila na yung mga damit nila. Sa likod kami ng school magkikita. I went to the meeting place at hinanap yung pinagtataguan ko dati. Isa yung malalim na hukay kung saan ko nilalagay ang mga bankay ng guards na humuli sa amin dati. De joke lang! Dun ko lang nilalagay yung mga gamit namin para hindi hassle. Tapos bumalik din ako sa tambayan.

Napaisip tuloy ako, pagna-bulyaso 'to, mahuhuli kami, at hindi lang sunction ang aabutin ko ma-e-expelled pa ako. Pagna-expell na ako hindi ko na kasama ang barkada. Haay, ang hirap naman, pero bahala na basta matulungan ko ang tropa. Worth it naman.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" I was cut off with my train of thoughts when I heard somebody asked. Si ZJ pala. Paano kaya noh, kung kick-out na ako? I ignored the question in my head. "What? Ano'ng klaseng tanong yan? Malamang, oo." lakas loob ko'ng sinabi.

"One wrong move Ray and you're out." he said sadness was evident in his voice. He's right; one wrong move, one mistake and I'm out of the game.

But sometimes in life, sacrifices save you from mistakes.

"Yeah, and I won't make any wrong move." I wish, I won't.

~~~~~~~~~~~~~~

 Nandito ako sa kwarto, humahawak sa tanging sumusoporta sa buhay ko. 'Pag binitawan ko 'to, I'm dead. Joke!

Grabe naman, nandito lang ako sa bintana ng kwarto ko. I'm getting ready to jump out, and yes, tatakas ako. Binitiwan ko na ang window frame and...

I am running out of our backyard. Professional na ako dito. Nakasuot ako ng black jean, black tee tapos black hoodie and rubber shoes. Dapat talaga black lahat.

Nilakad ko lang ang daan papuntang school, ok lang naman kasi sa likod ako dadaan at hindi sa main gate. Pagpasok ko sa madilim na parte ng likod ng school, nakita ko silang lahat. I guess I'm late. I looked at my watch.

I'm not late, everyone are just too early.

Opo, maaga lang talaga sila, 9:54 palang kaya. "Okay, ready na?" agad naman silang tumango. I told them the plan and we started the night of action.

Inakyat ko ang mataas na pader ng school at tinulungan ang iba. Magaling na kami dito. Ang kasama ko ngayon ay ang kambal, si AJ, Patty and PJ. Natakas ni Patty si PJ. "Okay, guys, PJ, Patty and JD look out kayo dito sa baba, siguraduhin nyo na naka-on ang earpiece nyo," tumango naman sila at nilagay ang kanilang ear pieces. Nasa likod kami ng faculty room. Bale nasa second floor ito, kami naman ay nasa baba.

"Aakyat ako sa taas, tapos ihuhulog ko ang lubid, tas JC at AJ umakyat kayo." I said tumango naman sila. Hindi kami pwedeng umakyat lahat, baka may mga epliyado ngayon. Pumunta na ako sa staircase at inakyat iyon ng walang tunog.

Habang paakayat ako, pansin ko na walang mga guards na nagiikot. Dati kasi yan yung pinoproblema namin kaya ako lang mag-isa ang umaakyat. Pero ngayon wala ng katao-tao ang school. Nakita ko na ang pinto ng room. PInihit ko ito at lock nga. I picked the hair pins inside my bag. Kinulikot ko ang lock with the gloves, we don't want evidences right? Marunong ako nito nagpaturo ako sa gym instructor ko noong summer. Pero hindi po siya magnanakaw, marunong lang.

Click!

When I heard the sound, the door quikly open. Ayos! Pagpasok ko ang nakikita ko lang ay mga mesa na may mga papel at libro. Pumunta ako sa pinto sa likod at binuksan ito. Tinawid ko ang hallway at nakita ang mga nag-aabang kong kaibigan. Binaba ko yung lubid, mukhang walang nakapansin "Psst!" tawag ko tumingin sa taas si JD. Imba talaga ako sa lakas ng pandinig nito. Tinawag niya yung dalawa kong kasama at umakyat na. Marunong din naman sila, marami talaga kaming alam sa mga ganito.

Pinasok na ulit namin ang room. "Alin dito ang table niya?" tanong ko kay JC. nilabas na namin ang mga flash lights at naghanap. Masyadong madilim kaya hindi agad maalala ni JC kung saan ang table ng terror teacher nila.

"Ayun!" sigaw ni JC matapos ang ilang minuto. Mukhang masaya ang mokong. Tinapik ko siya sa balikat at sinabing, "Ipagdasal mo na hindi inuwi ng bruhang yun ang cp mo," mapangasar kong sinabi. Tinignan niya lang ako ng masama, narininig ko namang tumawa ng mahina si AJ. Hinalungkat namin yung table. Daming papel ni ma'am!

"Kita ko na!" Sigaw agad ni JD. Nagtatalon na. Sa sobrang talon niya may natamaan siya isang vase kabilang table at nabasag. Na-bato kami sa aming mga lugar. Tapos mayroong nagyari na hindi namin inaasahan.

"I told you man, don't touch that! Tenen-nen-nenen-nen-nen-nenen!" kumanta pa ang lokong AJ. Paano ba naman biglang may tumunog, alam niyo yung sa mga palabas na may nakatakas na preso tapos may biglang tunog na parang siren ng mga bumbero?

Dali-dali kaming nagligpit. "Ray! Lumabas na kami ng perimeter ng school, bilisan nyo may mga security!" sabi ni Patty sa earpiece ko-- konektado ito sa lahat-- na naghahabol ng hininga. Tapos doon ko lang napagtanto kung bakit walang nag-iikot na guard at hindi doble ang locks.

"The school has a security system!" sigaw ko sa dalawa.

"ANO?!" halatang gulat sila. "OO! Kaya bilisan nyo!" utos ko, sinuot na nila ang kanilang mga bag at pumunta sa likod ng pinto at sa hallway. Pagtingin namin sa baba...

"Ayun!" sigaw ng isang sekyu. Nakita nila yung lubid! Ang tanga ko ba't di ko yun inalis? "Bilis!" tapos pumunta nanaman kami sa main door pagbukas namin...

"Mr. Buenavista, Mr. Monteverde and Ms. Morgan, what the hell are you doing?!" asik ni Mr. G. Galit na nga. And worse?

"I'm gonna call your parents and guardians, now!" sigaw nya. Namamawis na yung mga kamay ko sa kaba. Tapos, ano daw? Parents? Gurdians? So tatawaga niya sila kuya? I'M DOOMED!

Pero hindi lang yun, "You know what we've talk about Ms. Morgan." he stated. I was frozen on my spot with my eyes wide open and jaw dropped on the floor.

@#$%^&*!

~*~*~*~*~*~*~*~

1,243 words

by: Raven Black

UNEDITED.

A Hundred Boys and A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon