XV. Long Distance Relationshit

1.8K 56 21
                                    

XV. Long Distance Relationshit / EmpanadaMan

Ano'ng tingin mo sa mga LDRs? Do you agree
na there's certainty sa ganung klase ng relationship given na hindi kayo kasal? Thanks xD

•••••

     Gagawin kong quote-based ang mga bagay-bagay para sa 'yo:

1. Masaya ako kasi mahal kita. Miss kita pero malayo ka. Kailangan kita pero wala ka. Inisip kong limutin ka at tumingin sa iba, pero hindi ko kaya. Mahal talaga kita.

     Kilig much. Ayos na ang ganyan reaksyon at side comment sa Facebook status kahit na in reality, hindi naman nila nararanasan ang gan'yang sitwasyon. Gaya ng isang hunghang na caller sa radio station na pinakikinggan ko noong bakasyon. LDR daw sila ng boyfriend niya dahil stay-in siya sa pinagtatrabahuhang bahay sa Quezon City, samantalang taga-Laguna ang karelasyon niyang nakilala niya sa Facebook. Wow. Ang sarap tuhugin ng barbeque stick na may betamax ang ngala-ngala at i-gantsilyo ang lamanloob ng haliparot.

     Ang ganitong klase ng setup ay usually matibay lang sa simula. Kumbaga sa pagkain, appetizer ang long distance relationship. It's all just in the beginning. In time ay mawawalan din kayo ng gana sa isa't isa. All because ayokong may nagiging masaya. Magpasakop tayo sa kalungkutan.

2. Distance between two hearts is not an obstacle, rather a beautiful reminder of just how strong true love can be. 

     Motto ng mga taong kumakapit sa longevity despite the distance kung hindi lang talaga malanding tunay ang other party. Ang ending, maiiwan ka sa ere. Mahal ka nang nasa Pilipinas pa pero may minahal siyang iba noong nasa Dubai na. Kapag tinanong mo kung bakit ka ipinagpalit:

Boy: Kasi malayo ka.
Girl: Tangina mong kupal ka! Ang layo-layo mo rin sa 'kin pero hindi ako naghanap ng kakamot sa kipay ko noong nangangati akong gago ka!

     See the choice of words at haba ng reply sa three-word breakup line mo? Deserve mo 'yan, kups.

     Hindi ako panatiko ng ganitong konsepto ng pag-ibig. Mas paborable para sa 'kin ang presensya ng taong mahal ko. Nahahawakan. Nayayakap. Nahahalikan. Hindi dahil sa pangangailangan ng katawan kundi dahil sa simpleng rasong nand'yan lang siya. Dahil ako 'yong taong nagva-value ng presence more than any material things.

     Pero ramdam na ramdam ko talaga sa mensahe mong ito, Miss Sabik, ang 'yong pananabik sa torjak. I know, who am I to judge, 'di ba? Pero please lang, huwag humanap ng init kay kumpare. Hindi siya rice cooker. Hindi siya microwave oven.

     Matutong magsarili. May mga daliri ka naman.

     Okay? Finger lickin' good, okay.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon