VII. Meralco: Nakasisiguro Gamot ay Laging Bago

2.7K 95 17
                                    

VII. Meralco: Nakasisiguro Gamot ay Laging Bago / EmpanadaMan

Ang madalas na rason ng Kuya ko kung bakit siya nakikipaghiwalay sa mga nagiging karelasyon niya ay dahil wala na raw sparks. Tama ba 'yon?

•••••

     Dear #MedyoPakialamerangBata,

     Sparks ba kamo?

     Pakisabi sa kuya mo, hindi dapat sino-syota ang poste ng Meralco. Pero kung talagang insulator ang tingin niya sa sarili ay pumunta siya sa isang open area at buong-pusong maghintay ng kulog at kidlat on broad daylight. Sumigaw kamo siya ng Volta—ngina ko. Dapat mga 3,000 decibells para mega intense at marinig ng heavens above. Pagkatapos niyang mangisay ay bayagan mo via shaolin super kick. 'Yong tipong lahat ng semilya niya ay magma-marathon paakyat ng kidneys.

     Pero #MedyoPakialamerangBata, hindi ko rin talaga masisisi ang kuya mo kung bakit gan'yan siya ka-impulsive pagdating sa pag-ibig. Hindi siya ang nag-iisang may malalang case ng kalandian sa mundo (see previous entries).

     Dahil kung mababaw na klase ng pag-ibig lang 'yan at walang matibay na foundation, sa oras talaga na hindi mo na makita kung ano man ang nagpahulog sa 'yo sa taong nagustuhan mo at some point ay iiwan at iiwan mo lang din talaga siya. Kahit gaano pang effort pahabain, kung maliit ay maliit lang talaga. Thank you, Confucius.

     Hayaan mo siyang mangisda nang mangisda ng mga babae. Itaga mo sa gamit na pustiso ni lola at pinaglumaang panty ni tita, makakahanap at makakahanap din ng katapat 'yang kuya mo.

     In God's perfect time.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon