Paano Humithit ng UV Rays

1.4K 64 27
                                    

Paano Humithit ng UV Rays

     Sir, 12 po ako. At alam kong wala po kayong pake. Pero sana po matulungan niyo po ako. About po ito sa mga kabataan. Pashout-out po sa kanila... Pakisabing wag puro kagaslawan ang inaatupag nila, sir. Wala na kasi akong kalaro eh.. ni kasamang manood ng anime wala na. Sana po maintindihan niyo.. Marami po kaming in need hwehwehwe

***

     Hi Hwehwehwe! Una sa lahat, gusto kitang pasalamatan sa effort sa pagta-type ng hwehwehwe. Hanggang ngayon kasi bothered pa rin ako kung bakit may naglitawang letter "w" like they're some floating spirits na naghahanap ng kalinga.

     Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Dejk. Kapag naglalaro kami ng tumbang preso, sinasadya kong tamaan sa mukha 'yong kalaro kong ayaw ko sa ugali. Bata palang kami masyado na s'yang bossy. Alam mo 'yong naiiimagine mo s'yang lalabas na kontrabida o goon sa teleserye samantalang ikaw 'yong timid at mabait na bida. Ano, kailangan ba agad ng malalimang strategical analysis para mapatumba 'yong kawawang lata sa gitna ng bilog? Inakang control freak ka. Nagmamarunong kasi ampota kaya ayun. Hanggang ngayon hindi pa rin ako binabagabag ng konsensya ko dahil pakiramdam ko pati siya naniniwala sa pinaglalaban ko.

     Meron naman akong kalaro no'n ng jolens na alam kong inggit na inggit sa God-given hustlership ko sa boljakan. Alam ko namang gustung-gusto na n'ya akong hampasin ng dos por dos kasi kahit magkaibigan kami, hindi ako naaawa sa kanya. Isa s'yang living dipshit. Kursunada kasi no'n 'yong kapatid kong babae at ayokong magkaroon ng pamangkin at 10. Hindi pa nire-regla no'ng mga panahong 'yon 'yong kapatid ko. OA lang talaga ako.

     Pagkatapos ko namang maglaro sa labas ng bahay, it's anime time na! Oh yes! Paborito ko no'n 'yong Yu-Gi-Oh, Yakitate! Japan, Inu Yasha, Detective Conan, tapos 'yong isang anime na hindi ko na maalala 'yong title pero luto nang luto 'yong bida. 'Pag sa Hero Channel mo pinanood, pagkatapos siya ng Yakitate. Bata pa rin ako no'ng natuto akong mag-Pusoy Dos hanggang sa muntik nang ilaga ng tatay ko 'yong cards at ipainom sa 'kin 'yong sabaw like some sinigang in disguise.

     Pero iba na kultura ng mga kabataan ngayon eh 'no? Kaya ramdam kita, Hwehwehwe. Kapag sinabi mo kasing laro sa panahong ngayon, ang sagot sa'yo, Coc, Candy Crush, LOL, Dota, and others na masyadong magastos at high maintenance. Samantalang dati, ang puhunan mo lang para mag-enjoy eh tulog mula 1 hanggang 3, stamina para sa mahaba-habang takbuhan, at grasa dahil required kang maging marumi pag-uwi ng bahay para ipakita sa mga magulang mo na marami kang pinagdaanan sa araw na 'yon at hindi mo na kailangan ng stress mula sa kanila (kaya bukas ka na lang magpapalatigo ng sinturon, ikaw na anak ng mga magulang mo!).

     At bilang pagtupad sa kagustuhan ni Hwehwehwe ay gusto kong ipagsigawan sa lahat ng kabataan na, "KINGINA GALAW-GALAW DIN MGA BATA! 'DI BA KAYO NAAAWA KAY HWEHWEHWE AT SA SANGKATAUHANG TAMOD AY POTA SORRY TAMAD PALA?! MAGLARO NAMAN KAYO NG LARONG KALYE OH! 'WAG SUMIPSIP NG ILAW NG SELPON! 'WAG PURO PORNO, MANOOD KAYO NG ANIME NANG MAY NAPAPAGKEKWENTUHAN NAMAN KAYO NG MGA KAIBIGAN MO! PURO KA TINDER, WALA KA NG TOTOONG SOCIAL LIFE!"

     P.S. Iwagayway ang kamay ng mga batang katulad ko na hindi pa rin maka-move on sa impact ng Space Impact sa buhay nila. Mahal tayo ni Lord. Hihihi <3

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon