Internship Feels

1.5K 50 19
                                    

Internship Feels

     Magandang araw po, Ginoong Empanada.

     May nais lang po akong isangguni. Meron po kasi akong kakilala, itago na lang po natin siya sa pangalang Rambo Rambutan. Si Pareng Rambo po ay may gelpren na itago na lang din po natin sa pangalang Petty Petchay. Matagal-tagal na din po sila. Sa katunayan sa tagal nila ilang beses na po silang nagkwan ng wild at hardcore to the max.

     Anyways, dumating po ang time na kinailangang lumayo ni Petty Petchay upang gampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang internship. Noong una ay hindi pumayag si Pareng Rambo kasi nga malayo ang lugar na nais pag-internship-an ni Petty. Pero wala na ring nagawa sa huli ang lalaki dahil iyon ang pangarap ng kanyang pinakamamahal na gelpren.

     So eto na nga po. Dahil sa layo nila sa isa't isa, nangamba itong si Pareng Rambo na baka hindi ma-overcome ng relationship nila ang LDR. Long Distance Relationship po ang ibig sabihin niyan at hindi po Libog-Driven Relationship. Sinasabi ko lang po to avoid confusion or anything.

     Bagamat may reservations, agad din itong isinantabi ni Pareng Rambo Rambutan dahil sa mga unang araw at linggo ng kanilang bagong sitwasyon ng gelpren na si Petty Petchay ay naging okay naman sa olrayt ang lahat.

     Until one day po.

     Napansin na lang ni Pareng Rambo ang unti-unting panlalamig ni Petty sa kanya. Madalang na lang ang text, bihirang sagutin ang tawag at minsanan na lang din ang gelpren sa pag-reply sa chat o kung minsan pa nga e hanggang "seen" na lang.

     Dahil doon, nagkaroon ng suspetsya si Pareng Rambo. Hindi naging maganda ang nararamdaman niya, parang may kakaiba sa kaibuturan ng kanyang stomach na nagsasabing something is very very wrong... hindi po siya natatae. 'Yun lang po talaga ang nararamdaman niya. Pramis.

     Hanggang isang gabi, naabutang online ni Pareng Rambo Rambutan si Petty Petchay kaya naman agad niya itong nai-chat at kinompronta tungkol sa kanilang relasyon at sa nararamdaman ng lalaki...

    To make the story short kasi ang haba na ng kwento ko papunta ng nobela, umamin din si Petty na hindi na nga niya mahal si Pareng Rambo. And worst, may iba na pa lang karelasyon ang babae. And waaay worst po, ang bago lang naman niya ay ang co-intern niya na ubod ng kapal ng mukha na putangina hindi pa pinatay nung bata akala mo kung sinong kupal kung maka-galawang breezy sa gelpren ng may gelpren!

     Hay...

    Anyways, ang nais ko lang pong ihingi ng payo ay ito:

     Sapat na po bang dahilan o rason ang pagtataksil na ito para manapak sabay flying kick sa mukha o kaya'y pumatay sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo gamit ang itak?

     Salamat po, Ginoong Empanadang Malibog. Nawa'y mabigyang pansin n'yo po ang aking este ang dinadalang kapakshitan ng kakilala kong si Pareng Rambo Rambutan. Hindi na po kasi siya makausap ng matino. Kung minsan nga po ay kinakausap na niya ang mga walang malay na lamok at nakikipagchikahan sa alikabok.

     Salamat po ulit. More powers, Amor Powers.

     --Sin Sinuguelas... hindi po ako si Rambo. Swear.

***

     Hello, Sin Sineguelas! Maraming salamat dahil pinagod mo ang mga mambabasa ko sa pagkahaba-haba mong sulat, kaya hindi na ako mag-eeffort na gumawa ng diversion. Medyo nakahinga ang aking inner Korina Sanchez. For the first time in forever ay 'di na 'ko mapapa-kwento ng kung ano-anong random kababalaghan na wala namang kinalaman sa problema mo. Isa kang henyo, Sin! Gusto kitang tampalin ng isang mamasa-masa at malusog na pechay ng mga three times in a row.

     Salamat ulit Sin Sineguelas sa disclaimer na hindi ikaw si Rambo Rambutan. Pramis hindi ko talaga nahalata. As in. 'Yong parang kapag pinagtabi mo si Pekto at Suzi Abrera ay hindi mo iisiping kambal sila. Mas lalo kong hindi nahalata na iisa kayo do'n sa parteng 'ubod ng kapal ng mukha na putangina hindi pa pinatay nung bata akala mo kung sinong kupal kung maka-galawang breezy sa gelpren ng may gelpren!'. Parang wala ka namang ka-emo-emosyon do'n. Muntik lang namang kumawala 'yong kaliwa kong bayag sa intensity. Gravity, anes kong malaki.

     Una, bigyan natin ng dog-style ovation sina Rambo at Petty dahil gaya ng nasabi sa itaas, ilang beses na silang nag-kantutan at hardcore pa. Taray. Tapos magugulat na lang ako na parehas lang silang 15 years old.

     Seriously, dapat nating bigyan ng due respect si Rambo dahil isa siyang halimbawa ng lalaking may tunay na low-hanging balls. May bayag siyang panindigan ang pagmamahal kay Petty kahit na medyo malayo pa ito due to some internship shits.

     Ganyan naman talaga sa relasyon, 'di ba? May mga bagay na nagyayari na hindi kayang kontrolin ng limitadong kakayahan natin. Ayoko namang i-assume na malanding tunay si Petty Petchay dahil lang naghanap siya ng init sa piling ng ibang lalaki kahit na obvious naman na.

     Hindi rin naman kasi ako sigurado kung ang relasyon ba nila ni Rambo ay gaya ng mga napapanood ko sa movies ay may loopholes na. Paano pala kung may issues din si Petty kay Rambo? Paano pala kung isa itong nobela at mamamatay na ang co-intern ni Petty at bilang kahilingan bago ito mag-ba-bye sa mundo ay gusto nitong tikman siya and Petty is just being generous? Maraming sides sa isang kwento - nakadepende lang sa kung saang anggulo mo gustong tingnan.

     Para naman sagutin 'yong tanong mo kung sapat na nga bang dahilan ang pagtataksil para gumawa ng mga bagay na alam mo namang mali - oo, Sin, putanginang deserve nila ang i-flying kick sa mukha at pugutan ng ulo via mapurol na itak dahil sila ay mga shits of the world na hindi dapat binibigyan ng pagkakataong huminga at enjoy-in ang buhay!!!

     Biro lang. Ayoko talagang nagpo-promote ng violence dahil walang naidudulot na maganda 'yon. War begets war. Mother begets a child. Talong begets a talong. Isipin mo na lang na balang araw mararanasan din ni Petty Petchay ang pinagdaanan mong ka-paksyetan sa kanya. Ang dapat lang gawin ni Rambo Rambutan ngayon ay galingan ang pag-cope up sa stress na kasama ng break-up nila ng ngayo'y ex-girlfriend na niyang si Petty.

     Hindi madali. Putangina, hindi talaga. Pero itatak niya kamo sa isip niya na when karma hits someone back, may kasama na siyang resbak. Oo, gangbang na ito. Dapat ipakita ni Rambo na he is better off without Petty. Ipakita niya kung ano'ng nawala sa kanya. Show her what she lost in the process and what she can never win back no matter what.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon