"All right." Hinalikan niya muli ang noo ko. "'You take care here."

"Oo..."

"Kapag kailangan mo ako, I'm just a call away, okay? Kapag ginulo ka ulit ng lalaking iyon, tawagan mo lang ako at dadating agad ako. Basta kahit ano man ang maging problema mo rito, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin at—"

Pinisil ko ang kamay niya. "Salamat."

Ngumiti muli siya. "You're always welcome, Ingrid."

"Kaya ko na ang sarili ko, Abraham."

Tumayo na siya ngunit ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Parang ayaw niya pang bumitaw at panay ang sulyap niya sa akin. Ayaw niya pa akong iwan dahil nag-aalala siya. Pero ayaw ko nang masyado pa siyang abalahin.

"Sige na, Abraham," taboy ko sa kanya.

Muli niya pa akong niyakap at hinalikan sa noo bago siya tuluyang magpaalam. Nang wala na siya ay balik na naman ako sa dati. Nabibingi na naman ako sa sobrang katahimikan at nalulunod na naman sa labis na kalungkutan.

Dagdag pa na ginugulo ni Alamid ang sistema ko. Bakit ba kasi kailangan niya pang magpakita ulit? Talaga bang dumarating siya sa mga panahong nagiging okay na ako? Ayaw niya siguro na maging masaya ako. Mapait akong napangiti.

He can never love me right.

Papasok na ako sa bahay ng makita ko si Ate Helen na nakatayo sa pinto nila at matamang nakatingin sa akin. "Ingrid, alam kong naguguluhan at nasasaktan ka pa."

"Ate..."

"Pero sana," malungkot siyang umiling sa akin. "Wag mong hayaang itulak ka ng kalungkutan sa taong hindi mo naman mahal." 

...

Ten days. Ten freaking ten days.

Habang tulala ako, ang dami na palang nangyari kay Alamid. He got hospitalized for seven days. The first hospitalization was because of a car accident, and the second one was drug overdosed.

Namuti na siguro ang lahat ng buhok sa katawan ni Acid dahil sa konsumisyon sa kaibigan.

Ang sabi ni Ate Helen noong isang araw ay nakabalik na sa condo niya si Alamid. And he's okay now. May kumakausap na naman sa kanyang bagong psychiatrist. 

At hindi na siya muling nagparamdam sa akin.

...  

"PWEDE BANG MAKIRAMAY?"

Walang lakas na tumingala ako. Pumasok na nang kusa ang matandang babae sa pinto. Nasa harapan ko na siya ngunit hindi ko pa rin magawang magsalita. Pinagmamasdan ko lamang siya. May bitbit siyang basket na puno ng ibat-ibang prutas at may malungkot siyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Pasensiya ka na, hija, dahil ngayon lang ako." Naupo siya sa katapat kong silya. "Hindi ko na tatanungin kung kumusta ka." Inilibot niya ang paningin sa paligid, at bakas sa mga mata niya ang lungkot dahil sa kaguluhang kanyang nakikita.

Huminto ang mga mata ni Manang Tess sa urn na nakalagay sa aparador. Sa palibot ng urn ay may maliliit na laruan na paborito ni Aki.

"Ingrid..." Kinuha niya ang mga palad ko at marahang pinisil.

Bigla na lamang humagulhol si Manang Tess. Hinayaan ko siyang umiyak ng ilang minuto. Nang matapos siya ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Patawarin mo ako kasi wala akong nagawa..."

Hinagod ko ang likuran ng matanda. "Ako ho ang patawarin niyo dahil hindi ako nakinig sa inyo..."

Kumalas siya at tinitigan ako. "Hindi ito kasalanan ni Alamid."

He Doesn't ShareWhere stories live. Discover now