chapter 34

3.2K 76 0
                                    

Maxine's POV

Namamanghang tinignan ko ang paligid ng ineptan falls. Marami ngang ligaw na bulaklak sa paligid na nagbibigay kagandahan sa talon.

Mga naglalakihang bato rin ang nakapaligid sa falls kaya lalong madilim ang talon. Ni hindi yata nasisikatan ng araw ang falls dahil natatabunan ng matatayog na puno at mga bato.

"Welcome to ineptan falls, my lady" masuyong saad ni Lucas.

"Ang ganda" bulalas ko at pumitas ng bulaklak. Inagaw ni Lucas ang bulaklak at iniipit sa taynga ko.

"Your beautiful" sambit niya.

Namula ako sa tinuran niya, naiilang na nagyuko ako ng ulo pero itinaas lang uli niya ang mukha ko gamit ang hintuturo niya.

"Lucas" naiilang na sambit ko sa pangalan niya ng pilit niyang hinuhuli ang mata ko.

"Nahihiya ka ba saakin?" Tanong niya

"Akala ko ba kaya mong basahin ang saloobin ko" maang na wika ko

"Like I've told yo, kinokontrol ni ama ang isip ko kaya di ko magamit ng maayos ang kakayahan ko" tugon niya

"Ama mo lang pala ang makakatalo sayo" komento ko

Lumayo siya saakin, parang ungoy na umakyat siya sa puno at umupo sa malaking sanga. Tiningala ko siya at namaywang.

"Bumaba ka kaya diyan, masakit sa batok ang nakatingala sayo diyan sa taas" nakasimangot na sita ko sakanya.

Nagulat ako ng tumalon siya sa kabilang puno at umakyat sa pinakamataas na bahagi ng puno.

Ilang saglit lang ay tumalon siya at ipinakita ang hawak niya. Is iyong wild orchids na kulay violet ang bulaklak.

Ginawa niyang pabilog iyon at inilagay sa ulo ko.

"My queen!" Pabirong yumukod siya kaya natawa ako.

"Ang ganda naman nito. Kaya pala sabi bi Moira paborito daw ito ng ina ninyo" wika ko.

Dumilim ang mukha niya pagkabanggit ko sa kanyang ina. Napakagat labi ako at hindi mapakaling tumingin ako sa kanya.

"Ano pa ang sinabi sayo ni moira tungkol kay ina?" Paangil na bigkas niya. Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa bangis ng anyo niya.

"W—wala na siyang binanggit Lucas, yun lang" nanginginig na tugon ko

Naalarma ako ng makitang gumawi ang mata niya sa likod ko. Nakarinig din ako ng kaluskos sa likod ko.

Sabisang kurap lang ay nasa likod na ako ni Lucas.

"Don't be afraid, my love" bulong niya bago sumugod sa limang half blood na nasa di kalayuan namin.
--------------------------------

Lucas's POV

Binigyan ko ng malakas na sila ang isa at hinaklit ko naman sa leeg ang isa at inihagis palayo na tumama sa sang puno.

Nang sumigaw si Maxine ay agad ko siyang nilingon. Hawak siya ng dalawang half blood at nakangisi habang nakatutok ang mata saakin.

Nanlisik ang mata ko at umangil ng malakas. Dinaluhong ako ng isa sakanila at nagpambuno kaming dalawa.

Sumugod din ang isa saakin at sinakal ako. Nanlilisik ang matang binaon ko ang kamay ko sa katawan ng nasa harap ko at mariing pinisil ang puso niya na agad nawasak.

"Lucas!!!" Tili ni Maxine,

Hinawakan ko ang kamay ng sumasakal saakin at umiikot. Kinagat ko siya sa leeg,naramdaman kong may bumaon sa tagiliran ko,

Na palayo ako sa kanila ng wala sa oras ng parang hinahalukay ang sikmura ko, tumulo na rin ang dugo sa bibig ko. Napahawak ako sa tagiliran ko at niyuko yun. Isang malaking heringilya ang nakatusok sa tagiliran ko.

"Lucas no!!!" Sigaw ni Maxine, pilit siyang kumakawala sa mga nakahawak sakanya.

Naramdaman ko ang papapikit na mata ko. Dammit! Dugo ni Felix ang itinusok nila saakin para siguro patulugin ako.

Pilit kong inayos ang sarili ko ng makitang tatangayin na nila si Maxine.

"im'm Maxine, Er galadrim. Heir o- halea." Matalim na bigkas ni Maxine at isang nakakangilong sigaw ang pinakawalan niya.

Isang nakakasilaw na liwanag ang sumabog sa paligid namin ng sumigaw siya. Isinangga ko ang kamay ko para di masilaw sa liwanag. Nang mawala ang liwanag ay nakalutang na sa ere si Maxine at may mga apoy na nakapalibot sa kanya. Malayang tinatangay din ang kulay puting buhok niya.

Humagis na rin sa malayo ang dalawang nakahawak sakanya kanina. Umatras naman ang isa na nagtusok ng heringilya sa tagiliran ko.

Nagliliyab ang mata niya sa galit habang nakatotok ang mata niya saamin.

"Maxine"Bulong ko pero Hindi siya tuminag at nanlilisik pa rin ang matang nakatingin siya saamin

Itinaas niya ang kamay at bumuo siya ng pabilog na apoy. Isa isa niyang pinatama ang apoy sa mga half blood na sinubukan pa yatang tumakas. Agad sumiklab ang apoy sa katawan nila at unti unting naging abo.

Marahas na lumingon si Maxine saakin, umatras ako ng nanlisik ang mata niya sa pagkakatingin saakin.

Tumaas ang sulok ng labi niya at nagpakawala ng nakakarimarim na sigaw bago ako pinaulanan ng mga nagliliyab na apoy. Pilit kong iniwasan ang mga apoy na ibinabato niya saakin

'Maxine, come to your senses' kausap ko sa isipan niya

Saktong natamaan ako ng pinakawalan niyang apoy ay bumagsak siya sa lupa na walang malay.

Nanghihinang tumalon ako sa tubig para mapuksa ang apoy sa katawan ko. Pagapang na umahon ako at nilapitan si Maxine na nakahandusay sa lupa.

"Hír Lucas, Maxine" prantikong tawag nina Moira at Diego saamin.

Humiga ako sa lupa at tuluyang ipinikit ang mata ko.

………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon