chapter 22

3.4K 87 0
                                    

Maxine's POV

Nakanganga lahat ang kaklase ko ng ngumiti si Lucas at nagsulat sa board. Napasimangot ako at inirapan siya. Napansin naman agad niya yun.

'Hwag kang sumimangot, pwede nang sabitan yang haba ng nguso mo' napahawak ako sa ulo ko ng umalingawngaw ang boses niya sa utak ko. Totoo pala ang sinabi ni moira na masakit sa ulo pag ginawa niya yun.

'Sorry' inirapan ko lang siya at matalim na tinignan.

I told him not to smile at someone, na ako lang ang nginitian niya.

'Wala akong maalalang sinabi mo yan' kausap uli niya sa isip ko

"Sir hwag na po kayong mag discuss ngayon, please po! Sa next day naman po ay foundation natin" ungot ng isa sa kaklase ko

He grinned!!

Pinaikot ko ang mata ko ng kinikilig na nag sibulungan ang mga kaklase ko. Nakakainis talaga siya, bakit ngayon pa niya naisipang ngumiti?

'Saakin lang dapat yung ngiti niya eh' nagmamaktol na bigkas ng maliit na tinig sa isipan ko

"Sir ang ganda naman po ng ngiti niyo ah. Bakit po lagi kayong nakasimangot noon?" Tanong ni Mia.

"Lagi ba akong nakasimangot noon?" Painosente pang nag isip niya bago mahinang tumawa.

Nalaglag tuloy ang panga nang mga babaeng kaklase ko sa malambing na tawa niya. Umusok ang ilong ko sa pag kairita. Pangako, pag uwi ko mamaya titirisin ko siya sa mata.

Mahigpit na nilakumos ko ang papel na hawak ko habang naniningkit ang matang naka mata ako kay Lucas.

Pasempling kumindat siya saakin, parang kandilang nasindihan naman ang puso ko at nakaramdam ako ng init sa inakto niya.

Nilingon ko si Lance nang kalabitin niya ako sa balikat.

"Did sir Lucas just wink on you?" Mahinang bulong niya

"Namalikmata ka lang!" Nakangiting tugon ko

Ipinilig niya ang ulo "sa tingin ko hindi ako namamalikmata kanina. Ngayon kase nakasimangot na si sir habang pasulyap sulyap saatin" wika niya

"Sinasabi mo diyan?" Kunwaring wika ko at nagsulat sa notebook.

"Promise di ako nagbibiro. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako bumulugta dito. Ang sama ng tingin niya saakin eh" bulong uli niya

Pagkarinig sa sinabi niya ay agad akong napatingin kay Lucas. Umasim ang mukha ko ng makitang nakatalikod naman siya sa amin at nagsusulat sa board.

Sinamaan ko ng tingin si lance na napakalawak ang pagkakangiti niya.

Lumapit siya saakin at itinapat ang bibig sa taynga ko

"Bisto na kita besh! Aminin mo saakin may secret relationship kayo noh!!" Bulong niya

Itinulak ko ang mukha niya at binatukan. Ngumuso naman siya kaya benelatan ko siya at binalik ang mata sa harap.
-------------------------------

Lucas's POV

Lihim akong napapangiti dito habang tinitignan ang mga records ng styudante ko. Sinadya ko talagang inisin si Maxine na todo irap naman saakin.

"Mister Sebastiano" tawag ni miss Liza saakin. Isa sa teacher din dito.

Nag angat ako ng tingin at tinignan siya.

"Hindi ka na ba busy ngayon? Siguro naman eh matutuloy na yung plano nating mag coffee sa canteen" nakangiting wika niya

Saglit akong natigilan at matiim na nakatitig ako sakanya.

"Sige" tipid na pagpayag ko.

Napa mura ako sa isip ng makita ko si Maxine na patakbong umalis ng faculty room. Kausap kase siya ni Moira tungkol sa isang subject niya.

"Talaga? Buti naman at pumayag ka na ngayon. Ilang buwan na ring kinukulit kita tungkol sa coffee na yun" masayang wika niya

"Yeah" wika ko at tumango.

Wrong timing naman kase itong si Liza eh.
^^^^^^^^^^^^^^^

Kanina pa salita ng salita si Liza pero Hindi ko na iniintindi yun. Na kay Maxine kase ang isipan ko. Sigurado akong galit na galit o kaya ay umiiyak yun sa narinig niya kanina.

"Lucas?" Agaw pansin niya saakin

"Ahm yes!"blangkong tinignan ko siya.

" may problema ba? Kanina ka pa kase parang tulala" pilit ang ngiting turan niya.

Tumikhim ako, nakaramdam ako ng guilty dahil sa sinabi niya. Dapat na ako pumayag kanina nung inungkat niya ang tungkol sa coffee na to

"I'm sorry, I just… ah"

Bumuntong hininga siya at humigop sa kape niya. "Ni hindi mo ginagalawa ang kape mo" puna niya

"Hindi ako mahilig sa kape" palusot ko.

Napapahiya namang yumuko siya at inayos ang buhok niya.

"Sorry din. Hindi rin ako nakaramdam na ayaw mo talagang pumayag na mag coffee tayo." Pilit ang ngiting turan niya.

"Hindi naman sa ganun. May iniisip lang talaga ako" kaila ko para Hindi siya lalong mapahiya.

"Ang ganda naman ng tattoo mo. Hindi ka ba nag aalalang makita yan sa school. Bawal ang teacher na may tattoo" wika niya at nakatingin sa kamay ko

"Ah, inalis ko ang wristwatch ko kanina na ginagamit ko para itago ko to" saad ko

Tumango tango siya. "Bakit naman ahas ang napili mong ipatattoo sa kamay mo?"

"Wala lang" tipid na tugon ko

Tumahimik na siya at Hindi na uli nagsalita. Gusto ko na siyang iwan dito pero napaka bastos ko naman yata kung gagawin ko yun.

Inilapag niya ang mug at nakangiting tumingin saakin.

"Thank you at pinag bigyan mo ako kahit ngayon lang. Tara na, gumagabi na rin" kiming wika niya

"Yeah, pasensya na" saad ko na lang. Nag iwan na ako ng pera sa table para sa bayad ng inorder namin.

"Sige good night" paalam niya at naglakad na palayo.

Sinundan  ko naman siya ng tingin, ang sama ko talaga. Ni hindi ko siya inalok na ihatid sa bahay niya.

'Maxine' bulong ng puso ko.

Agad akong pumunta sa kinapaparadahan ng kotse ko. Kailangan Ko nga palang mag paliwanag kay Maxine.

………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon