chapter 29

3.3K 82 0
                                    

Lucas's POV

May ngiti sa labing pinanood ko kung paano ilibot ni Maxine ang loob ng palasyo. Kung Hindi aawang ang labi ay mamimilog ang mata niya.

Sa katunayan ay pagkapasok pa lang nila sa Inadjan forest ay naamoy at naramdaman ko na ang pagdating nila Maxine. Lalo at nasa kanya ang golden snake.

"Lucas" tawag ni ama saakin kaya napatingin ako sakanya. Lumapit siya saakin at ngumiti bago tinignan si Maxine na hinaplos bawat bagay na makita niya.

"Siya na ba ang napili mo na maging kabiyak? She's beautiful" komento niya.

"Yeah, she is! Nagpapasalamat akong suot niya ang golden snake kung hindi kanina pa naglaway ang lahat sa bango ng dugo niya" wika ko

"Paano mo siya nakita at nahanap?" Tanong ni ama

"Sa skwelahang pinag tuturuan ko ama." Tipid na tugon ko

Nakangiting lumapit si Maxine saamin, pero tumabingi ang ngiti niya at kinabahan ng makita ang kasama ko.

"Hello po" kiming bati niya

"Kumusta ka magandang binibini" wika ni ama

"Ah!!" Naiilang na nagyuko siya ng ulo.

"Maxine," tawag ko at hinila siya palapit saakin "ipinapakilala ko sayo ang aking butihing ama, ang kasalukuyang hari ng Havilland" bigkas ko .

Napasinghap siya at gulat na napamata saakin at kay ama.

"P—papa mo? Bakit parang magkaedad lang kayo?" Pabulong na komento niya.

Nginitian ko siya. Lumunok naman siya bago yumukod sa harap ni ama.

"Kumusta po kayo kama—"

"Tawagin mo akong ama, o kaya Lucio" putol ni ama sa sinasabi ni Maxine.

"Eh!!" Tumingin saakin si Maxine kaya tinanguan ko siya.

"Maiwan ko na kayo dito, bukas ipapakilala natin sa lahat na dumating na ang asawa mo" saad ni ama at iniwan kami

"Sinong asawa mo?" Nanlilisik na tanong ni Maxine saakin nang mawala sa paningin namin si ama.

"Ikaw" kaswal na tugon ko.

Itinuro niya ang sarili at namilog ang bibig niya.

"Paano mo ako naging asawa?" Nahihindik na saad niya

"Dahil diyan" tinuro ko ang kamay niya

"Sa tattoo? Imposibli naman yata ang sinasabi mo?" Di makapaniwalang bigkas niya

"Dahil ang tattoo na nasa kamay mong yan ay asawa ng nasa kamay ko" naamuse na tugon ko

"M—mag asawa ang dalawang ahas na to?" Nauutal na wika

"Parang ganun na nga" tumango ako

"Dahil lang sa tattoo na to? Asawa mo na ako?" Namumulang saad niya

"Yup"

"Eh lahat ba kayo may ganito?" Tanong niya.

"Hindi, kami lang ni moira. Tanging ang prinsisa at prinsipe lang ang may ganito" sagot ko

"P—prinsipe ka" nawalan ng kulay ang mukha niya

"Bakit? May problema ba kung prinsipe ako?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at yumuko lang.

"Silly, ako pa rin naman si Lucas na kilala mo. Halika na, hatid na kita sa silid ko. Hwag kangmag alala ikaw lang matutulog dun mayang gabi m" wika ko at inakay na siya papunta sa kwarto ko.
-----------------------------

Maxine's POV

Humahangang inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto ni Lucas. Puno ng karangyaan ang lahat ng sulok ng silid.

May malaking kama sa gitna na king size,malaking wardrobe sa sulok, mahaba at single sofa aturte isang mesa sa bandang kanan.

Lumapit ako sa tinatakpan ng malaking lurtina at sumilip doon. Isa pala iyong open na pinto na may may kalakihang veranda sa labas.

"Yun ang bathroom" narinig Kong saad niya kaya nilingon ko siya. Itinuro niya ang isang pinto.

"OK" tipid na wika ko.

Para kasing wala akong mahanap na sasabihin dahil sa pagkamangha ko sa lahat ng nakikita ko sa paligid namin.

"Puno ng karangyaan ang mundong ginagalawan mo Lucas. Hindi ba ako out place dito.?" Sa wakas ay nahanap ko ang dila ko na lumilipad yata sa kung saan

"Don't say that, Hindi mapanghamak ang angkan ko. May royal family na nakapag asawa ng half blood pero hindi na sila sa Royal family kabilang kundi nasa middle class Na sila. But pwede pa rin silang Mali socialize sa mga Royal blood." Bigkas niya

"Pero bakit sabi ni moira may mga nagrebelde pa ring half blood at nagtayo ng sarili nilang grupo?" Tanong ko

"Dahil ang gusto nila ay ang mas mataas na kapangyarihan. Katulad ng sa mundo ninyo ay marami ding sakim sa mundo namin. Maraming naghahangad ng kapangyarihan, karangyaan, na sa katunayan ay Hindi namin lubos na inaalipin ang mga half blood. Tinuring namin silang isang kaibigan at hinayaan sa gusto nilang gawin. Pero hindi namin inaasahan na biglang nag alsa balutan ang karamihan sa kanila at tuluyang kinalaban kaming mga taga Havilland" kaswal na kwento niya

Inalis ko ang cloak na suot ko at umupo sa gilid ng kama.

"Maiwan muna kita dito, Maya lang ay darating dito ang inutusan ni ama na magpapaligo at magbibihis sayo" turan niya.

Napatayo ako ng wala sa oras.
"Anong magpapaligo at magbibihis saakin" gulat na bulalas ko

Ngumiti lang siya at lumabas ng silid. Ilang saglit nga ay may tatlong babae ang kumatok at pumasok sa kwarto.

"Magandang hapon po hiríel Maxine. Oras na po ng iyong paliligo" wika ng isa.

Nakaramdam ako ng pagkailang ng lumapit ang isa saakin at inalis ang pagkakatali ng buhok ko. Napaurong ako ng sinubukan niyang alisin ang damit ko.

"Hwag ka na pong mahiya lady Maxine. Kailangan ka po naming paliguan dahil naghihintay napo sayo si lady moira sa ibaba" wika ng babae at ngumiti.

Yung dalawa naman ay pumasok sa bathroom at Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa loob.

Pagkatapos Kong maghubad ay Inakay na ako ng babae na pumasok sa bathroom. Nakatayo na ang dalawang babae doon at nakangiti pang pinagmasdan ako.

"Lumusong kana po diyan lady Maxine" Saad ng isa.

Atubling tumalima naman ako at naupo ako sa bathtub.

Habang pinaliliguan nila ako ay Hindi ko maiwasang mailang at mahiya. Buong buhay ko ay ako lang ang nakaka kita sa hubad Kong katawan pero ngayon???

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong pinaliguan ng tatlong babae, matagal kase akong nakaupo lang sa bathtub.

Pagkatapos kong maligo ay tumayo ako, isinuot naman nila saakin ang isang roba at inalalayan akong palabas ng bathroom para bihisan. Pakiramdam ko ay isa na talaga akong prensisa sa ginagawa nila saakin.

…………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon