chapter 9

4.2K 114 0
                                    

Maxine's POV

Hindi ako mapakali dito habang nakaupo sa sofa, nandito kase ako sa bahay ni sir Lucas.

Ayaw niya kase akong pauwiin kanina nung muntik na kaming mapahamak ni ma'am Moira.

Lumabas si sir Lucas na mukhang problemado dahil sa magkasalubong na kilay niya. Tinignan niya ako at kinuha ang smart phone niya sa bulsa.

Nakamata lang ako sakanya at pinag aaralan ang mga kilos niya.

"Hello, lady— ah moira nasaan ka?"

Narinig Kong tanong niya sa tinawagan niya.

"What? I have a favor… no, maybe" saglit lang tumahimik
"No, don't worry I won't hurt her OK?? Ako ang nagdala sakanya dito. But the problem is I don't have any stock of food here" nakinig siya sa kung anong sinasabi ni Moira "Diego?? Pa-Deliver ako sa ng pagkain dito sa bahay" sumenyas siya sa akin na lumapit ako sakanya.

Tumayo ako at naglakad palapit sakanya. He hand me the cellphone. Hanep ang cellphone niya Mamahalin.

"Moira wants to talk to you" wika niya.

Nagtataka man ay kinuha ko ang cellphone at itinapat sa taynga ko.

"Hello po ma'am moira" bati ko

["Hai there kiddo. Wala bang ginagawa sayo ang magaling Kong kuya?"] Tanong niya.

Kuya??

Mag kapatid sila ni sir Lucas? Bakit mag kaiba apelyedo nilang dalawa.

"Ah eh. W—wala naman po. Bakit po" bigkas ko.

Humalukipkip si sir Lucas at tumaas ang sulok ng labi niya. Eratikong kumabog ang dibdib ko. Kahit ngisi lang yun ay parang ngiti na rin saakin yun. Once in a blue moon kase kung ngumiti siya.

["Hey are you still there? Kinain ka na ba ni kuya"]

Namula ang pisngi ko sa word na sinabi niya.

"Kinain po? Hindi naman po ma'am" nahihiyang wika ko

["Ok! We'll be there in 10 minutes —"]

Narinig kang boses ni sir Diego sa background niya

["30 minutes pala"]

Ibinalik ko kay sir Lucas ang cellphone niya pero Hindi niya kinuha yon.

"Use it. Tawagan mo na ang ate mo" balewalang saad niya.

Paano niya nalaman na may ate ako??

"Ah…sige po sir—"

"Lucas" pagtatama at putol niya sa sinasabi ko

"Sir?" Naguguluhang bigkas ko

"You can call me Lucas, if were alone like this" wika niya.

Pilit akong ngumiti. "Sige po si— l—lucas" atubling pagpayag ko.

Bahagya akong lumayo at nagdial sa cellphone ni sir Lucas.

Makailang ulit na nag ring ang linya bago sinagot ni ate ang cellphone niya.

["Hello, who is this?"] Mataray at aburidong sikmat niya sa kabilang linya

"Hello ate, si Maxine po ito" wika ko.

["Jusko naman Maxine, mapapalo talaga kita sa pwet pag uwi mo. Nasaan ka ba?"] Galit at nag aalalang tanong niya

"Eh—"

Inagaw ni sir Lucas ang cellphone at itinapat sa taynga ang gadget.

"Hello good evening, this is Lucas Sebastiano, teacher ng kapatid mo… no, no, don't the wrong idea. Muntik na siyang mapahamak kaninang pauwi siya so I decided to bring her at my house" tumahimik siya at sumulyap saakin.

"She's safe and very much okay ma'am,… sure. Ihahatid ko siya sa inyo first thing tomorrow."

Pinatay niya ang cellphone at ibinalik saakin ang cellphone. Takang tinignan ko siya

"You can have it" wika niya.

"Pero—"

Inilagay niya ang cellphone sa kamay ko at tumalikod para buksan ang pinto.

Pumasok doon sina sir Diego at ma'am moira na may mga bitbit na groceries. At dalawang shopping bag.

"Thank god your alive" parang nakahinga ng malalim na saad ni ma'am Moira

Ngumiti lang ako.

"We're going to cook for your dinner, marunong ka bang magluto?" Tanong ni Moira saakin

"Opo ma'am" magalang na wika ko

"Moira na lang. Wala naman tayo sa school. Diego dalhin mo ang mga groceries sa kusina" utos niya kay sir Diego na tahimik namang tumalima.  Hinila ako ni ma'am moira papunta sa kusina.
-----------------------------

Lucas's POV

Nakahalukipkip ako dito sa may porch ng bahay ko at nakaupo naman si Diego sa silya at matiim na nakatingin saakin.

"What?" Angil ko

"Sigurado ka bang dito siya titira sa bahay mo?" Tanong niya

"I have to protect her. Diego you know that its my fault na nasa panganib ang buhay ng batang yun" tugon ko

"Lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon kung dito pa siya titira" seryosong saad niya.

"Hindi ba okay na yun at mapo protektahan ko na siya ng maigi?" Salubong ang kilay na bigkas ko

"The kid is in love with you prince Lucas. And I know that you are aware of it" madiing turan niya.

"I know that," bagot na bigkas ko

"Naman pala! And yet, gusto mo siyang patirahin dito sa bahay mo? Handa ka bang harapin ang consequences ng gagawin mo? Pag uusapan kayo ng mga tao. At I swear, Hindi papayag ang kapatid niya" litanya niya

"I can assure to her sister that she's safe with me. Sasabihin kong magiging maid ko siya at ako ang magbabayad sa tuition niya" kaswal na turan ko

Napailing si Diego

"You're crazy" sambit niya

"Tuso si Felix Diego, he can kill and transform someone like him. And Maxine is not an exemption" tumanaw ako sa makulimlim na langit, parang nagbabadyang umulan ng malakas.

"Nung lindol na yun, Hindi naman masyadong malakas, nakita ko ang isa sa tauhan ni Felix na tumulak sa shelves. Kung Hindi ko nakita si Maxine ng araw na yun. sigurado ako na pinaglalamayan na siya" matalim na huminga ako ng malalim.

"Hír Lucas, you're going to join us for dinner" wika ni Moira na bumungad sa pinto

"What?? Kakain tayo?" Napa pantastikuhang sambit ni Diego

"Of coarse, baka magtaka siya kung hindi natin siya sasaluhan" taas kilay na saad ni Moira

Umungol ako ng mahina

"I told you" bigkas ni Diego at sumunod kay moira sa loob. Lulugo lugong sumunod ako sa kanila.

Hindi nga talaga magandang patirahin ko siya dito sa bahay ko.

………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon