chapter 6

4.3K 141 0
                                    

Lucas's POV

Pagpasok ko sa room nila Maxine ay nagmamadaling nagsibalikan sila sa upuan nila.

"Good morning" bati ko

"Good morning sir" magkapanabay na balik bati nila

"Bring out 1 whole sheet of paper and explain this. Ang kamaharlikaan ng gresya, ang kadakilaan ng Roma" saad ko.

Isinulat ko pa ang kasabihan sa board, nagpoprotestang umungol sila kaya tinap ko ang board.

"Kung mag poprotesta kayo lang kayo ay lumabas kayo. Pero hwag niyong aasahan na makakapasa kayo dahil ibabagsak ko kayong lahat" masungit na bigkas ko

Tumahimik naman sila at nagsimulang mag labas ng papel. Hindi pa man nagsisimulang magsulat ang iba ay pabalandarang bumukas ang pinto at may humagis na ulo sa loob ng room. Naghiyawan at natatakot na sumiksik ang lahat sa likod ng room. Nakita ko ang namumutlang si Maxine na parang binadbaran ng suka at naninigas na nakaupo sa upuan niya, mabilis ko siyang nilapitan at hinila patayo

Mahina akong umangil at naitulak ko siya sa likod at mabilis ang reflexes na isinangga ko ang kamay ko sa lumipad na upuan palapit saakin. Dumilim ang anyo ko ng makita si arnel na prenteng nakasandal sa frame ng pinto at nakangising nakatingin saakin.

Bumungad naman si Diego sa labas ng room na halata ang pagpipigil sa sariling sakmalin at dambahin si arnel. Nilingon ko ang mga styudante na nanginginig sa takot. Nag igting ang kalamnan ko nang makita ko si Maxine na nahimatay na sa takot at pinapaypayan ni lance na halatang takot na takot din.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay arnel, at nang nakakapit ako ay mahigpit ko siyang sinakal sa leeg, lumabas ang ugat sa mukha niya at leeg. I growled softly and glared at him.

"G—go o—on," napapa gibik na hamon niya

"Pri— Lucas" pigil ni Diego saakin at hinawakan ako sa braso at pilit inalis ang pagkakapilit ko sa leeg ni arnel

Pabalibag na binitawan ko ang leeg ni arnel na naubo at ginalawgalaw ang ulo. Nagsigawan uli ang styudante ko.

"Dinala ko lang dito ang mensahe ni lord Felix" nakangisi at mahinang saad niya. Kumaway pa siya sa mukha ko bago nilisan ang building. Kumuyom ang kamao ko, nang tumingin ako sa labas ay nandun ang ibang styudante at guro na nakiki usyuso sa kung anong nangyayari dito. Nilingon ko si Maxine at mabilis na nilapitan siya, binuhat ko siya ng pa bridal style.

"Diego, ikaw na ang magligpit ng kalat na yan, kids. You can rest first" baling ko sa mga styudante ko na nakasiksik pa rin sa likod.

Buhat buhat si Maxine ay umalis ako doon at dinala siya sa clinic. Hindi pa umaabot ang balita sa nurse na nandito kaya nagtaka siya ng ilapag ko sa kama si Maxine na walang malay at halos wala ng kulay ang mukha.

"Ikaw na ang bahala sakanya miss" wika ko at lumabas ng clinic. Sinalubong ako ni Diego na nakabadya sa mukha ang pagkabahala.

"Nagsimula ng maghasik ng lagim si Felix, Prince Lucas, at dahil nandito tayo sa mundo ng mga tao ay sinundan niya tayo dito." Seryosong saad niya

I growled!!!!

Mariing nakakuyom din ang kamao ko.
-----------------------------

Diego's POV

Seryosong nakatanaw ako dito sa veranda ng bahay ni Prince Lucas. Nakaupo naman siya sa isang bakal na silya.

"Hindi ko alam na darating ang araw na may isang mortal kang poprotektahan." Wika ko

"I didn't even dreamed this coming before. Malaya akong nagtuturo pero dahil sa lentik na Felix na yun magugulo ang tahimik na buhay ko, Diego sigurado ka ba sa vision mo?" Tanong niya

"After mong dalhin si Maxine sa clinic at kinuha ko ang kalat ni arnel. Parang eksenang nagplay sa ulo ko ang susunod na mangyayari. Nasa peligro ang buhay ni Maxine. Ramdam ni Felix na iniingatan mo siya kaya siya ang gagawin niyang bait para ipasa mo ang trono mo sakanya bilang susunod na hari ng Havilland" tugon ko

"Nababaliw na ba siya, pinalayas ako ni ama sa Havilland dahil sa hindi ko pagsunod sa utos niya" galit na turan niya. Nilingon ko siya

"Yon na nga eh. Pero saka mo na muna problemahin yan. Isipin mo muna kung paano mo mapo protektahan si Maxine" saad ko

Hindi siya umimik at nilaro laro lang ang mga daliri niya. Malalim din siyang nag iisip kung ano ang gagawin niya kay Maxine.

"May naisip na akong paraan Diego. Pero kailangan mo akong tulungan" seryosong saad niya

"Paano??"

Inalis niya ang royal ring sa kamay niya na tinatawag naming mag asawang ahas. Isa iyong pagkakakilanlan niya bilang isang prinsipe ng Havilland. Isa akong royal blood pero wala akong ganun. Sila lang ni Moira ang may palantandaan na sila ang prensisa at prinsipe. Kwentas naman kay Moira na hugis diwata ang pendant.

Kumislap ang kulay gintong singsing niya at umalis sa pagkakapulopot sa isat isa ang dalawang ahas. Nahati na yun sa dalawa at naging maliliit na ahas.

"You can't!!!" Agad na bulalas ko.

"Ito lang ang paraang alam ko kung paano ko siya mapo protektahan at malalaman kung nasa panganib siya." Wika niya at pinagdikit ang dalawang ahas na agad nagbalik sa dati at naging singsing uli.

"Prince Lucas"

"Babawiin ko to pag natapos ko ang problema kay Felix at ang Havilland" agap na putol niya sa sinasabi ko.

"Paano kita matutulungan??" Tanong ko

"Dalhin mo siya bukas sa bakanteng room, yung hindi nakikita ng mga tao. Ilalagay ko lang to sa may bandang balikat niya" turan niya.

Napangiwi ako

"Baka Hindi niya kayanin ang sakit, pag ang dalawang yan ang isasaksak mo sa likod niya" saad ko

"Ang ahas na babae lang ang ilalagay ko sa likod niya Diego. Maiiwan saakin ang lalaking ahas" tugon niya

"Sigurado ka, Hindi kaya siya mapahamak? May halong dugo mo ang singsing na yan eh" nag aalangan na tanong ko

"Hindi ko nakakalimutan na may halong dugo ko ang singsing na to. At Hindi siya mapapahamak dahil hindi naman siya katulad natin" tugon niya

Bumuntong hininga ako, masasaway ko ba siya kung halatang desidido talaga siya sa Plano niya.

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon