Chapter 55

1 0 0
                                    

Responsibilidad

Sa pulong di ko na alintana ang karangyaang nakikita ko sa paligid Ni hindi ko kilala ang mga taong kaharap ko sa isang napakahabang mesa na may dalawangput anim na mga di ko kilalang mga tao babae man at mga lalaki basi sa suot nila makikita mo ang nag uumapaw na karangyaan sa kanilang pamumuhay. Nandoon na rin ang Pamilya nila Ali. Sa aming companya ay tanging si mommy lang at ako at ang pamilya nila Ali ang nandoon sinuyod ng mga mata ko ang paligid pero di ko nakita ang aking hinahanap Hindi sya kasali sa pulong Luke Rose. bulong ni mommy sa akin.
Hindi na ako kumibo. Pero naninibago ako sa aking ina tila sya ibang tao kung kumilos ibang iba sya pag kami lang dalawa ang nag uusap dito tila sya ibang tao nakakapanibago ikinumpas nya ang kanyang kamay sa bakanteng upuang katabi nya di agad ako kumilos sa halip ay tinitigan ako ni Ali at pinaglipat ang tingin sa akin at sa upuang katabi ni mommy. pinauupo nya rin ako huminga ako ng malalim bago humakbang palapit sa upuan pabagsak kong umupo saka pa lang bahagyang ngumiti si Ali tiningnan ko sya ng matalim warning dahil sa kabila ng seryosong paligid nagagawa pa rin nya akong asarin kahit na sa pamamagitan lang ng tingin at ngiti kilala ko si Ali kahit na sa pinaka maselang panahon di pa nagyaring naging seryoso sa akin ang kumag na ito kahit na topnocher na abogado na sya ang boyish at mapagbirong Ali ay nandodoon pa rin.
kabaliktaran ko naman ang pagkamainitin ng ulo at pagkabarumbada ay di nawawala sa akin although na suppress ko lang gawa ng mga  therapy na isinasagawa ng aking shink.
Magsisimula na ang pulong nag umpisa sa isang ritwal ang tea drinking ceremony where it means acceptance and unity and friendship for good health and prosperity ito ang ibig sabihin ng tea ceremony sa kanilang grupo. Isinasagawa ito ng isang pinakamataas na lider ng grupo nakahilera ang lahat ng tea cups ng lahat ng kasapi sa groupo bubuhusan ito ng lider ng tea pero kailangan walang masasayang at dapat ang lahat ng laman ay pantay pantay. Ngayon lalo ng lumiliwanag sa akin ng kinuha ng pinaka lider ang teapot at ibinuhos sa lahat ng tasang nakahelira sa malapit sa kanya. Perfect ang pagkakagawa namangha man ako ay di ko na ipinahahalata pero ngayon ako kinabahan dahil matagal na akong tinuturuan ni mommy na gawin ang pouring of tea sa mga teacups. Ang aking trainor sa kickboxing na si Seige Matsumiya ay ito ang isa sa mga exercises na ipinapagawa nya sa akin para lang daw tumatag ang aking pulso. Ayaw tanggapin ng aking utak na baka may kinalaman ang lahat ng mga exercises ko na yon sa aking kasalukuyan ngayon. Bihasa ako sa pouring of tea sa tea cup. ngayon pa lang dumadagundong na ang aking dibdib sa sobrang kaba sa outcome ng pulong na ito pagkatapos ng tea ceremony ay naglahad na ang mga taong dapat na magreport sa meeting. Napagalaman ko rin na isa pala itong secret society Samahan ng mga Matataas na at malalaking negosyante bale ang samahang ito ay taga balanse or Equalizer ng mga underworld businesses. at kasali ang ang aking ina dito hindi ako makapaniwala nagulat ako sa katotohanan ito ba ang tunay na dahilan kong bakit madami ang gustong pumatay sa amin dahil sa mga illegal na mga negosyo? kung ganon isang masaman tao ang aking ina? muling umusbong ang katanungan ngayon mas lalo akong nalito .
tiningnan ko sya ng masama at akmang tatayo at aalis pero pinigilan nya ako at hinilang paupo.

Tapusin mo ang pulong Luke Rose wag mo akong husgahan dahil lang dito ang matigas na sabi ni mommy.
Haaahh..! napabuga ako ng hangin sa sobrang pagpipigil alam ko ano mang sandali sasabog na ako.
nakita kong tumayo na ang matanda pagkatapos mag report ng kanya kanyang Agenda ang lahat ng kalahok ngayon naman ay ang pagbubutohan ng bagong mamumuno. ang bawat meyembro ay mag susulat ng pangalan ng kanilang kasamahan para iboto bilang papalit sa kanilang lider Matanda na ang pinakalider isang 80 anyos na lalaki ang pinaka lider si Masang Zuji Ford isang mistisong hapon filipino american ang kanyang lahi.
ang lahat ay sumulat na sa kanilang mga mamahaling laptop mamaya lang ay makikita na ang kanilang mga boto kung sino ang hihiranging bagong lider. Patuloy akong nagmasid at pilit na kinakalma ang ang aking sarili hindi ako kasali sa botuhan tanging si mommy lang. pagkatapos ng botuhan ay tinawag isa isa ang mga anak ng mga member nila kabilang kami ni Ali sa mga tinawag ipinakilala nila kami sa lahat ng kanya kanya naming mga magulang. nanatili kaming nakatayo sa harap kahit na malamig at presko sa paligid ay pakiramdam ko ay sinisilaban ako , samantalang kampante namang nakatayo si Ali sa tabi ko pangiti ngiti relax na relax na tila ba model sa fashion show na may pakaway kaway pa. Bwisit talaga naiinis akong tingnan sya na kalmado. Di na ako nakatiis sinadya ko syang tapakan. agad naman syang napa aray.

Ano ba! bakit ka ba nanankit sita nya sa akin. Inismiran ko lang sya mamya lang ay nakangiti na naman, Putcha ! nagpapacute na naman asar talo talaga 'ko sa lalaking ito.! Hindi ko na lang sya pinansin parang hindi abogado.hmp?

Maya maya lang ay siniko ako ni Ali pabulong yumuko sya sa akin.
Ali: Ready ka na ba?
Ako: Sa ano? Ano ibig mong sabihin?
Ali: Sa lahat ng mangyayari ngayong gabi.
Napabuntunghininga ako sabay iling ko sa kanya naramdaman ko na lang ang pag akbay nya sa akin at pagtapik nya sa balikat ko na tila pinapakalma nya ako. Tiningala ko na lang sya at tiningnan ang ekspresyon nya habang napapatiim bagang sya mahigpit na magkadikit ang kanyang labi na tila ba nasasabing kumalma ako at nandito lang si Ali sa tabi ko sa lahat ng panahon nag bibigay ng assurance ang simpleng gesture ni Ali na yon sa akin.

ilang minuto pa ang lumipas ay tinanggal na ng isang lider ang nakatakip sa projector lumabas na ang mga pangalan naming mga nakatayo sa harap pati mga pictures namin tulad ng inaasahan nagulat na lang ako sa mga lumalabas sa screen mga boto ng mga meyembro at halos himatayin ako ng sunodsunod na tumataas ang bilang ng mga numerong nasa tabi ng pangalan ko. 3 seconds tapos ang bilangan at botohan. namangha ako sa bilis ng botohan na ito dyata't kung ganito ang eleksyon ng pilipinas ay naku hassle free talaga habang pumipindot ka sa pangalan ng iboboto mo pumapasok kaagad sa bilang. wala ng mga teachers na mapapagod.

Pero kung namangha man ako sa paraan ng botohan naghina naman ako sa resulta unanimous ang lahat ng boto sa akin napunta ang ibang mga nakatayo sa gitna ay tuwang tuwa na hindi sila ang nanalo. tulad na lang ng isang kikay na babae napunong puno ng mga dekorasyon ang suot na damit at makulay na mga hikaw at iba pang palamuti sa katawan naalala ko sa kanya si Tessa Rupino Prieto Valdez ang isang fashion stylist ng Pilipinas. Ang isa namang lalaki na nagpapapungay ng mata na kanina ko pang napapansin na nakatingin kay Ali ay biglang pasimpleng napatalon sa gilid ko na tila sinilihan sabay tikwas ng mga daliri. Samantalang ako parang pinagsakluban ng langit at lupa ako lang yata ang nanalo na tila bitay ang napanalunang premyo. kitangkita ko sa board 98% sa akin ang boto ang 2 percent ay nasa iba pang kalahok na tila sinadyang lagyan lang ng boto para lang wag ma zero.

Napatingin ako kay mommy umiwas sya ng tingin sa akin. ayaw nya akong tingnan.
muling umalingawngaw ang malakas na boses sa mikropono.
Deneklara na ako bilang bagong lider o pinuno ng organisasyong ito.

Sa nalalapit na tagsibol ang susunod na tea ceremony isa itong malaking pagtitipon na dapat paghandaan dahil iaanunsyo na sa lahat ang bagong hinirang na papalit sa ating butihing pinuno  na si Masang.
kasabay na rin sa kanyang pag baba sa puesto.

lumapit na ako kay Pinunong Masang at yumuko sa harap nya bilang pag galang ibinigay nya sa akin ang isang makapal na laman ng isang enveloped.

Masang Ford:
You are now the new leader of this secret society you need to be tough and wise to balance the organization to maintain the peace and order in the outside world your job is to equalize the system of the businesses of every member of this organization no matter how close to you emotion is not a reason to give a real justice in every offender. This is the second chance of your clan and i hope you wont do the same mistake as your mother does. ang mahabang litanya ni Masang Ford sa akin.

Ako: Sir my apology honestly I dont understand any of this My mother never bother to let me understand any of this and I know that this is a big responsibility I know nothing about what is inside in this organization I wasnt ready for this I only want a simple life .

Masang Ford : You are ready for all of this and besides this chair is yours by birth. I only sit Because your mother was binded and hopelessly in love to your father which is a threat to the organization even until now. We dont like to be handled by filthy hands and to run a dirty businesses. We are also a peace loving people. Now it is your responsibility to liquidate a trash in this society to maintain the balance, you have our blessings in every decisions you made  including cutting of life.

Hindi ako makahuma sa gulat na aking naramdaman ano ito? binibigyan nila ako ng karapatan na maging huwes ng buhay?
Hindi na ako naka kibo pa kahit isang salita sa aking bibig ay wala akong nasambit hindi pa na proseso ng aking utak ang biglaang pangyayari sa aking buhay.. Natapos ang lahat ng pulong at pag uusap na wala akong kibo lahat ng mga taong lumapit sa akin para e shake hands ako at batiin ay tanging ngiti at tango lang aking naging sukli.

nag si alisan na ang halos lahat ng kalahok ako at sina mommy, at Ali ang naiwan sa building. hapo akong napa upo sa inuupuan ko kanina.

Iron Flower Series  Luke Rose BustamanteWhere stories live. Discover now