PROLOUGE

48 1 0
                                    

Prologue

Papadilim ang kalangitan nagbabadya na may paparating na malakas na ulan naisip ni  Aling Elena kailangan na nilang umuwi kaya agad na nyang tinawag si Mang Gusting.

Aling Elena

Gusting....mahal...kailangan na nating umuwi aba eh..mukhang may malakas na ulang darating..Ano may bagyo ba? Tanong ni Aling Elena kay Mang Gusting na abala sa pagliligpit ng kanilang mga paninda tuwing hapon sila nagtitinda ng mga barbecue sa tapat ng Foxford University at naubos ang mga paninda nila ng mga alas Nueve ng gabi kaya nga lang ngayon kunti lang ang kanilang tinda kaya maaga itong naubos papagabi na rin nga naman tapos mukhang timing na konti lang ang paninda nila Kasi nga uulan din pala ng malakas..Natapos din sa pagliligpit si Mang Gusting agad nyang inilagay sa likod ng dyep ang mga kagamitan sa pagtitinda kaya bago pa man buhos ang malakas na ulan ay naikarga na nya sa sasakyan ang lahat ng mga kailangan nila.Nangingiti naman si Aling Elena na pinagmamasdan ang Asawa

,Hay naku? Buti na lang itong si Gusting ko laging nandito sa tabi ko aba eh 30 taon na kaming nag sasama di man lang kami biniyayaan ng anak.Ito pa rin sya patuloy na nagmamahal sa akin kahit na hindi ko sya nabigyan ng anak.habang pinagmamasdan nya Ito ng buong pagmamahal

.Mang Gusting

Tila naman nararamdaman ni Mang Gusting na may nagmamasid sa kanya at agad na nilingon ang asawang titig na titig  sa kanya alam nya napa paisip na man ito at alam nya kong ano yon Tumayo na lang sya at agad na sumakay sa dyep at umupo sa Harap ng manibela bago pinaandar ang lumang luma nilang sasakyan.

Hmmm...inlove ka nanaman sa akin ano Elena?..ang punong puno ng damdaming pagbibiro nito sabay kindat sa asawang nakatingin lang sa kanya ngumuso at inirapan sya..aliw na Aliw na man si Mang Gusting kay Aling Elena ..

Mamaya sa bahay ibibigay ko ang gusto mo..pinandilatan  ni Aling Elena at ma lambing na hinampas Ito sa balikat si Mang Gusting..mas lalong naningkit ang mga mata ni Mang Gusting sa ginawang pag ngiti  na amuse syang tingnan Ito lalo na pag namu mula ang mga pisngi nito sa mga sundot ng yang biro dito.

How joyfull he feels when he see's his wife blushing at 48 years old nag bablush pa ang kanyang si Elena  nilingon nya Ito ng tingin at agad sya nitong tinitgan ng may paglalambing. Patuloy syang nagmamaneho ng kanyang lumang jeep bigay Ito ng kanyang Amo na si Don Ricardo Monforte bilang pasasalamat sa kanyang matagal na pagseserbisyo dito bilang private driver ng kanyang anak na bunso na si Makiling .

Nag iisang babaeng anak ni Don Ricardo Monforte Mula ng Mamatay ang Asawang si Donya Nina Rica Despy Ay Ipinadala ni Don Ricardo si Makiling sa Europa ang anak na babae para doon mag aral kaya nawalan na sya ng trabaho ganon din si Aling Elena na Yaya naman ni Makiling kaya nag negosyo na lang silang dalawa mag asawa kesa mangamuhan pa ng iba total wala din naman silang mga anak.

Lalong lumakas ang ulan May halo na itong malakas na pagkulog at pagkidlat kailangan na nilang maka uwi madilim na ang makipot na daan patungo sa kanilang uuwian pero di sya makapag drive ng mabilis gawa ng konti na lang ang naaaninag nya sa daan kailangan nyang mag ingat sa pagmamaneho.

Nang mula sa di kalayuan may naaninag syang anino ng isang babae na naka hawak sa gilid ng pader naka yuko Ito at sapo ang tyan na para bang nasasaktan mabagal nyang pinausad ang jeep dahan dahan nag aatubili sya huminto Baka pati bong ito ng mga holdaper alam nyang delikado ang huminto pero may kung anong usig naman sa kanyang kunsensya  Baka naman nangangailangan talaga Ito ng Tulong.

Sa pag usad nya nalubak ang kanilang jeep nagising naman si Aling Elena na kanina ay nakaidlip ng konti agad itong napatingin sa Harap ng jeep tamang tamang lumingon ang babaeng kanina lang ay naka yuko at tumabad ang mukha nito sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa jeep nila Mang Gusting.  Si Aling Elena ay napamulagat at napa awang ang bibig ng napagsino ang namilipit sa sakit na nakatayo sa harapan nila habang sinusuportahan nito ang sarili sa pagkakasandal   sa pader nasa gilid ng kalsada.

Natutop nito ang kanyang bibig na kanina lang ay nakakanga sa pagkagulat nang napagsino ang nakatayo ..nasambit nya sa pagkagulat ang pangalan ng babae..Makiling! Gusting si Makiling agad namang tiningnan ni Mang Gusting ang babae ng makilala nya Ito ay agad na bumaba sa jeep at nilapitan Ito at hinila na nito ang Dalaga at agad na inalalayan sa pag akyat sa jeep ano ang nangyari? Ma'am anong nangyari sayo? Kailan ka pa dumating ? Ang sunod sunod na tanong ni Aling Elena.


Authors  Note

To my readers this is my first story my baby and I'm hoping that you will enjoy reading this I enjoy writing love stories it inspires me to fall in love everyday. I believed that there are different faces of love. A love that really make you feel alive, and give you a reason to wake up everyday..so for now enjoy reading.

Iron Flower Series  Luke Rose BustamanteWhere stories live. Discover now