Chapter 46

10 0 0
                                    

Declaration

Hindi..! Hindi maari ! Paanong nangyari na sya na ang bagong CEO ang galit na sigaw ni Donya Angelina Monforte.  Nangibabaw na ang sari saring opinion ng myembro ng Corporasyon kanya kanya ng sapantaha at mga kuro-kuro nag simula ng mag ingay ang lahat ng nasa konseho ng board ang iba ay may alam samantalang ang iba naman ay nabigla sa ediyang inihain sa kanila. Itinaas ni Madam Makiling ang kanyang kanang  kamay bilang hudyat na tumahimik ang lahat.

Natahimik naman sila at muling nagsalita si Madam Makiling  samantalang ako ay nanatili lang sa kinauupuan ko naghihintay ng sandaling para sa akin.

Gusto kong sagutin ang lahat ng mga katanungan ninyo para maliwanag sa lahat kung bakit sya na ang bagong CEO ng kumpanyang ito. Sa malumanay na pahayag ni Madam Makiling.

Sige paanong Nangyari na sya ang CEO sabad naman ni Donya Angelina Monforte. Ni hindi namin alam na may ganitong pangyayari.! ang gigil na pahayag ng Donya.

Lumen..Maari mo bang ilahad sa kanila ang mga minutes at letters ng pagpapatawag ng Meeting at pakibasa na rin ng lahat ng Responce ng mga hindi dumalo sa napakahalagang Meeting na ito. ani Madam Makiling sa sekretarya nya. Agad naman itong tumayo at pumunta sa gitna.

Binasa ang lahat ng mga rason ng ibang mga board na hindi dumalo sa meeting Out of 30 ay #3 lang ang hindi dumalo.walang iba kundi sina Don Herman Monforte at Donya Angelina Monforte, At si Gonzalo Alvarez.dahil kong hindi man nakadalo ang iba ay ne request naman nila na magkaroon ng online na pag uusap para dinggin ang  ano mang dapat na pagtuunan ng pansin.

Majority ay nag agree na sa bagong investor  papapatuloy ni Lumen At sa huling letter na ipinadala po ninyo sa akin ay nag agree din po kayo sa bagong investor Email po ninyo dated Oct..

Okay sige ! biglang tayo ni Donya Angelina sa pagputol sa Pagsasalita ni Miss Lumen. We agree to our new investor but  as far as i know I am the next person in line to become a CEO I owned Almost of the 50 percent of this company. Dapat ako ang Susunod na CEO. Ang galit na pahayag ng Donya.

Oh my dear Angelina! kaya nga almost lang kasi hindi 50% exacly hindi ba? nakalimutan mu na yata na nandito pa ako alam naman natin na pareho tayong mga co owner ng Company na ito. kaya bago ikaw ako muna dapat ang susunod na CEO. Hindi ba ? Makiling? sabad naman ni Herman Monforte sa nag sasalitang si Angelina Monforte. At ibinaling kay Madam Makiling ang nanlilisik na mga mata halatang nagpipigil ng galit na sa ilang sandali ay sasabog na tila bomba gumigiti na ang pawis sa noo ni Don Herman Monforte.

Sumenyas pa si Madam Makiling kay Lumen na ipagpatuloy ang pagbabasa at parereport  sa Board.nag flash sa screen ang Huling letter at announcement ni Madam Makiling kung saan nag sasaad na ibenebenta nya ang kanyang share of stocks this is an open biddings sa lahat ng gustong bumilli ng buo sa share nya. sariling share nya sa companya hindi ang pagmamayari nito kaya kahit na benenta nya ang personal share of stocks nya as investor ay sya pa rin ang nagmamayari ng company.

Well tama ka Makiling Personal share mo ang ibenenta mo pero hindi pa rin dapat na si Galo Vandevousit  ang automatic na maging CEO ang marahas na sigaw ni Donya Angelina !

Bakit hindi? Donya Angelina Monforte? Ito pa ang karagdagang impormasyon! Lumen magpatuloy ka ng matapos na ito! agad namang nagpatuloy ang nagsisimula ng mangatog na si Lumen nararamdaman na ng lahat ang tensyon sa loob ng Board room. Na aalerto na ang lahat kung ano ang kahihinatnan ng meeting na ito at kung ano ang mangyayari sa companya pagkatapos nito.

Pumindot si Lumen sa kanyang laptop nag appear sa screen ang isa pang Announcement na Ginawa ni Madam Makiling  noong nakarang 2 Taon pagkatapos ng pagkamatay ng mag asawang Bustamante ang mga taong tumayong mga magulang nina Aris at Luke Rose na ni isa sa mga taong concern ay hindi nakahuma. 

Wala ni isa sa inyo ang nagkainteres sa Announcement ko na yan.kung meron man malalapit na kaibigan na nagbigay ng payo. si Madam Makiling ang nagsasalita habang sumesenyas kay Lumen na umupo na muna na agad namang tumalima at naupo sa silyang para sa dalaga. May matinding pangyayari sa pamilya ng mga panahon na ito? Bakit hindi ninyo ito napansin Herman at Angelina ? marahil sobrang abala kayo sa inyong mga gawain kaya hindi ninyo nakita ang napakalaking balita na ito na kasabay ng pagkamatay ng mga importanteng tao sa buhay ko.

Ngayon Nais kong edeklara ang bagong may ari ng Monforte Multi Million Company. Walang iba kundi ang Bago nating investor si Mr Galo Vandevousit..! The Owner and The investor. ang sya na lamang naipahayag ni Madam Makiling Monforte.

Ang napagbilhan ay hinati hati ko na sa lahat ng dapat makinabang  ito lang ang tanging paraan na naisip ko para matahimik ang buhay naming mag ina siguro ngayon na wala na akong kompanya ay matitigil na ang pagkaubos ng mga taong importante at mga mahal ko sa buhay, Nasa mga kamay na ng bagong may ari ang kinabukasan ng kompanyang ito maraming salamat po sa inyong lahat!

Agad ng nagkislapan ang mga camera ng mga journalist at reporter na inimbitahan para sa declaration na ito. Samantalang ako na nahirang na bagong CEO ay hindi na nakahuma sa mga pangyayari tinotoo ni Madam Makiling ang gusto nyang mangyari na ideclara na nya na ako si Mr. Galo Vandevousit ang bagong may ari ng nasabing Companya na ito.

Lumapit naman sa akin ang mga natuwa sa pahayag na ito at kinamayan nila ako. nagpaunlak naman ako pero di ako mapakali hinahanap ko ang magiina ko na kanina lang ay magkatabing nakaupo sila ni Aris gusto ko ng makalabas sa board room na ito nais kong ako ang maghatid sa mag ina ko. Subalit di ko na sila nakita pa. wala na akong nagawa pa kundi harapin ang lahat ng mga dapat gawin sa araw na ito. Hangang sa naubos na rin ang lahat ng taong gustong bumati sa akin. naiwan akong nag iisa na lang sa board room. Trying to digest everything that happened in this day ang bilis ng pangyayari.ngayon ako na ang may pinakamalaking stocks sa companyang ito at iisa lang ang rason ng dahil lang sa isang babae. Na kahit anong pilit kong isaksak sa utak ko na hayaan na lang sya pero di magawa ng puso ko sobrang tagal na ng paghihintay at pagtitiis ko  sana lang ang lahat ng paraan na ito ay magkaroon na ng kapayaan sa buhay naming lahat.Sana lang matahimik na ang lahat ng mga nagtatangka na pabagsakin sila ngayon na wala na sa mga kamay nila ang kapangyarihan na hawakan ang companyang ito ano ba talaga ang nasa loob ng companyang ito at halos ang lahat ng meyembro ng pamilyang ito ay nagpapatayan sa posisyon.

Iron Flower Series  Luke Rose BustamanteWhere stories live. Discover now