Chapter 22

4 1 0
                                    

Maraming salamat sa mga nagbabasa ng kuwento ko naka 103 reads na po ako at happy ako kayo na patuloy na nagbabasa ng "Iron Flower" maraming salamat inspirasyon ko kayo sa paggawa ng Kuwento. Matagal na akong huminto sa pagsusulat kinalawang na nga ang skills ko akala ko di na ako mag susulat pa muli ng mga Kuwento sobrang frustrating Kasi ang panahon ko sa pagsusulat nong hindi pa uso ang wattpad masyadong mahigpit ang mga editor in chief ng mga publications at saka may mahigpit na Deadlines....! Oh my gosh...! nakakaloka so I got married and stop writing.. Anyways...heto ulit ako pursuing my dreams...para sa inyo my loving readers just continue reading and enjoy po..at please votes po and share..parang awa nyo na...ganern..! Hahaha..love you..!

Pasensya sa napaka habang chapter 21 dapat dalawang chapter na yan napaghalo sa pag update..hahaha...at sa part na may SPG please read at your own risk..! Ibang mga names sa kuwento ay names po ng mga gusto mapasama sa Kuwento ko. Like Kenjie Matsumiya name po yan ng ex ko I'm too lucky that no.1 fan ko pa rin sya hanggang ngayon hahaha...opppssss wag kayong ano dyan..super friends ko talaga sya.yay!

Tribulation

Mabilis na kaming nakalabas ng coliseum bitbit namin ang injured na si Meiya masyadong Malabo ang lahat sa akin bakit pinabayaan sya ng mga promoter nya at sina Kenjie ano kaya ang kina laman nila sa Laban na Ito.naawa ako kay Meiya pero wala naman akong magawa kung mahina ang mga buto nya at kung malakas talaga ang pagsangga ko ganoon ang training ko eh sangga pa lang pilay na ang kalaban..hanggang ngayon matalim pa ring ang mga titig ni Meiya sa akin kahit na tinulungan pa namin sya nagkagulo na ang mga sindikato involved sa lokohang at pandaraya. Di nila sukat akalain matalo si Meiya.

Alam ko may may matinding rason at dahilan sina Kenjie ayaw ko munang mag conclude sa mga nangyayari . Nandito na kami sa airport konting minuto na lang ang natitira ay lilipad na ang eroplano sasakyan namin pauwi private plane pa Ito. May logo na MMM Enterprise agad namang nagbaba ng stretcher ang mga FA ng naturang sasakyan isinakay dito si Meiya at agad na dinala na sa itaas ng eroplano nangingitim na ang pilay  nya sa binti at ako naman maga na rin ang mukha kong tinamaan ni Meiya kanina agad naman ako Nilagyan ng cold compress aba bongga ang loob ng eroplano na to May mini hospital pa yata sa loob. Nagtataka ako wala si Galo wala din syang txt at tawag..hala..? Ano na kaya nangyayari sa kanya.?

Ti ni text ko sya pero wala syang reply ang dami ko ng txt na nagawa at na send pero wala talaga.. Napabuntunghininga na lang ako. Di  naman din ako makapagtanong kay coach  Carlo gawa ng umiiwas akong may mahalata sya sa Amin ni Galo .

Maya maya lang ay nag simula ng umusad ang eroplanong sinasakyan namin. Subalit hindi pa rin nawawala ang pag alala ko bakit kaya wala man lang kahit isang text message galing sa kanya nag pabalik balik na lang ang tanong na Ito sa Isip ko. Hindi ko rin maintindihan bakit SOBRANG kaba ang nararamdaman ko. Pinipilit ko na lang na pakalmahin ang aking sarili minabuti ko na lang na ipikit ang aking mga mata pero Nanatili akong nakikiramdam sa paligid ko bukas ang teynga at Isip ko nagbabasa sakali na may marinig o masagap na akong balita sa iba ko pang kasama.

Sa Harap ng kinauupuan ko ay si coach Carlo nanood ng palabas sa monitor na nasa harap nya tingin ko balita ang pinapanood nya news flash sa TV sa paborito nitong local station na naka base sa pilipinas.
Patuloy lang ako sa pag mamasid gamit ang pan dinig ko.pero wala tahimik lang ang lahat. Hanggang sa naka tulugan ko na lang pag hihintay sa kung ano man. Mamaya pay naramdaman ko na lang na ginigising ako ni coach Carlo..agad naman akong napatingin sa kanya isang malungkot at punong puno ng simpatyang mga mata ang nakatingin sa akin..
Nagtataka man di na ako nag tanong pa..ganon din ang ginagawi ng iba ko pang kasamahan may tumapik pa sa balikat ko habang naghahanda na sa pagbaba sa eroplano nginingitian ko lang sila..ng may pagtataka bakit bigla yata sila naging sweet sa akin di ako sanay sa mga kini kilos nila.

Luke..be strong sabi pa sa akin nong isang staff ng school namin na kasama namin sa team. Nagulat pa ako ng bigla na lang sya tinawag ni coach .... Mr. Arevalo ! Please kindly assist Miss Lu sa pagbaba kay Meiya....agad naman akong napatingin kay coach Carlo bakit tila tensyonado sya? Nagsimula na akong ma curious tila may itinatago sila..ano kaya yon? Huminga na lang ako ng malalim at di na lang nakibo pero dinukot ko sa bulsa ng jacket ko ang cellphone ko nagbaba kasali na may message akong matamggap mula kay Galo..pero muli akong nabigo. Nagpatuloy pa ako sa pag type ng mensahe para sa kanya at agad na Ipinadala.ito sa kanya.pero wala pa rin kaya nag hinay hinay na lang ako sa pag kuha ng bag ko..

Bustamante sumabay ka sa akin sabi pa ni coach Carlo sa akin. Coach drop mo na lang ako sa school nandoon ang motorsiklo ko. Sabi ko pa sa kanya .... Hindi Luke sumabay ka na sa akin Kasi pina kuha ko na kay Aris ang motor mo.kaya ihahatid kita. Hey coach may problema ba? Tanong ko pa sa kanya. Luke ipangako mo muna na magpakahinahon ka may sasabihin ako sayo importante to... Tumingin pa si coach Carlo sa akin na tila nanantya. Mas lalo pang lumakas ang pag kabog ng puso ko..naginginig na ang laman ko sa kaba..
Ano po yan sir sabihin nyo na po sa akin..Luke I'm so sorry..pero may nangyari s tatang at nanang mo..

Huh..!? Ano po ba ang ibig nyong sabihin ? Luke...agad akong inakbayan ni coach at niyakap ng mahigpit..Luke wala na ang nanang at tatang mo.... Ha..? Coach anong wala na sila? P..p..p..patay na sila Luke ang garalgal na pag balita ni coach Carlo . Anong patay....?! Wag ka magbiro ng ganyan coach..! Di MAGANDANG biro yan..! Totoo Luke Rose patay na sila kanina lang madaling araw na hit ng isang trailer van ang jeep ng tatang mo at napa balita Ito sa pinapanood kong balita kanina.!

Hindi...! Hindi...! Hindi totoo yang pinagsasabi mo ! Bawiin mo yan! naghihisteryang sigaw ko sa kanya.biglang sumikip ang pag hinga ko nanlamig ang Buo kong katawan tila ako naparalisa..hindi ko na mai kilos ang katawan ko hinang hina ako....nasusuka pa ako..na nandidilim ang paningin ko gusto kong manapak! Pero wala akong lakas..! Bakit ..? Bakit...? Sila nanang at tatang pa..! Paano na ako ngayon ! Sila ang dahilan ng lahat ng pagsisikap ko.! Sino pa ang alalayan ko ng aking mga tagumpay..?! Tila akong isang nauupos na kandila umiiyak ng walang boses pero sa utak ko lahat ng gusto kong sabihin nasabi ko na...

Ano ang nangyari ? Bakit nagkaganon?

Iron Flower Series  Luke Rose BustamanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon