Chapter Twenty Five

Start from the beginning
                                    

'' bye! '' sigaw nito at kumaway.

Nang hina ako sa sinabi ni dominik. Ano bang nakain nito ngayon at may pagtatapat pang nalalaman.

Alam ko naman na may gusto siya sakin, alam din yun ng mga kaibigan ko maging si marcus. Kahit noon pa sinasabi niya na ang feelings niya for me, pero may kakaiba ngayon. For the first time naramdaman ko yung bawat sinasabi niya. Hay ano ba ito.

Napatingin ako sa wall clock, it reads 5:30 pm may kailangan akong puntahan eh pero saan nga ba? nakalimutan ko tuloy si dominik kasi ginulo utak ko.

dandan!

'' Oh shit si dandan malamang naghihintay na yun sa akin, matext nga.. wait asan ang phone ko??? '' kinapa kapa ko ang phone ko pero wala sa bulsa ko at sa bag ko.

Pero sure ako na dala ko yun dito pagpasok kaninang umaga, lagot nawala na naman ata!!!

'' meg ang tanga mo talaga! '' sinabunutan ko ang sarili ko.

Mapuntahan na nga ang baby ko sa gym ng mawala na ang inis ko sa sarili ko.

- DANIELA -

Kanina ko pa tinitext at tinatawagan si megmeg pero wala ni isang reply, hindi naman siya ganito. Ano kayang nangyari dun? hay. Isinilid ko ulit ang phone ko sa bag ko. Kakatapos lang ng praktis namin ng volleyball malapit na kasi ang laban namin vs. Maharlika highschool. Balita ko magaling din sila so puspusan ang paglalaro namin everyday after class or madalas mas maaga pang time.

'' daniela! ''

Wait may tumatawag ata sa akin, lumingon ako, si stacy. Papalapit na ito sa akin. Ano kayang ginagawa nito rito?

'' h..hi good to see you stacy, what are you doing here? '' tanong ko ng makalapit na siya sa akin.

'' ahm wala naman naisip ko lang dumaan dito para manuod sana ng laro niyo but unfortunately tapos na pala '' napakunot ito ng noo at umarteng nakasimangot pero ngumiti rin naman afterwards.

'' aaahhhh sorry mas maaga kasi naging praktis namin ngayon '' ngumiti rin ako.

A while later dumating na sa likod ko si serena nakapagbihis na rin siya. Kasama niya iba pa naming friends pwera kay marcus na nauna ng umuwi.

'' hi guys '' bati ni stacy sakanila.

'' hello stacy '' balik sagot ni serena. Kumaway lang naman yung iba.

'' anong ginagawa mo rito, nakadikit ka na naman kay danie mamaya makita ka ni meghan niyan '' saad ni angela na mukhang nag aalala na ang tono ng boses.

'' wala naman akong ginagawang masama diba daniela? '' ngumuso ito at biglang hinawakan ang braso ko, eksakto na naman sa pagdating ni meghan.

'' DAAANNNIIIELA!!!!!! '' sumigaw ito, napa face palm naman ang kambal at si serena.

'' I told you '' mahinang sambit ni angela sa likuran namin.

Parang toro na naglakad papalapit sa pwesto namin si meghan. Nakayukom na dalawang kamay nito at galit na galit na talaga.

'' h...hi megmeg '' kabado kong pagbati.

'' huwag mo akong ma hi hi dyan daniela! '' she pointed her index finger at me. Ginalaw niya mga mata niya at napako ito sa kamay ni stacy na nakahawak pa rin sa akin.

Tiningnan niya si stacy.

'' Marimar tatanggalin mo ba ng kusa ang kamay mo sa braso ng girlfriend ko o ako ang puputol diyan? '' galit si megmeg, namumula rin siya pero natawa ako sa name niyang marimar for stacy. Pati mga friends namin sumimple ng mahinang pagtawa sa likod.

'' excuse me barbara, stacy po hindi marimar ''

hay naku natatawa na talaga ako!

'' I don't care whatever your name is, basta alisin mo ang kamay mo sakanya at huwag na huwag ka na ulit lalapit kay daniela ''

Nagbuntong hininga si Stacy at tinanggal na niya pagkakahawak niya sa akin.

'' here tinanggal ko na po madam '' pang aasar pa nito, sabay taas ng dalawa nyang kamay.

'' anyway I have to go, pumunta lang talaga ako rito to see you daniela at hindi ang makipag away sa isa rito '' umismid ito kay meghan na kung masusukat lang ang taas ng kilay niya ay siguro umabot na sa tuktok ng mt. everest. Wala na atang mas tataray pa sa babaeng ito.

'' sige na umalis ka na ngayon na! '' pagtataboy na nito kay stacy.

She waved at us and left.

'' love '' yayakapin ko na sana siya pero tinapik nito ang kamay ko at umatras. Sa akin na naman siya galit.

'' huwag na huwag mo akong yayakapin daniela, sinabi ko na sayo na huwag kang lalapit sa haliparot na yun pero everytime na nakikita ko kayo palagi na lang siyang nakahawak sa braso mo! ano ba gusto mo ba palaging ganun?? '' galit talaga ito sa akin. Hay life wala naman po akong ginagawang masama. Ang selosa talaga nitong masyado.

'' siya naman humahawak hindi ko lang agad agad matanggal at baka iba isipin nong tao ''

'' Ahh so mas naisip mo pa ang iisipin ng bruhang yun kesa sa mararamdaman ko, ganun ba yun??? ''

syete napamali pa ako ng sinabi.Ang talino lang rin talaga nitong baby ko.

'' hindi naman love ''

'' EH ANO PALA??? '' mas tumaas ang boses nito. Natahimik na lang muna ako. Mabuti na lang sumabat si angela.

'' meghan nagtext si alexa sa akin, kanina ka pa raw niya tinatawagan hindi ka daw niya macontact ''

Nag iba bigla ang aura ng mukha nito.

'' nawawala kasi yung phone ko hindi ko alam kung san na napunta, pakisabi na lang please ''

Nag please na siya so baka pwede na akong magsalita ulit.

'' love sorry na '' pagmamakaawa ko rito.

'' mag sorry ka sa mukha mo, aalis na ako at next time kapag pupunta ako rito siguraduhin mong hindi kami mag kakaabutan ng haliparot na yun at baka kung anong magawa ko sakanya '' sabay talikod nito at lumakad ng mabilis palayo.

Napakamot na lang ako sa ulo.

'' sorry friend ngayon lang din namin nalaman na grabe palang magselos yan si meghan '' ani ni anabel na tinatapik tapik ang balikat ko.

'' hay ilang phone na kaya nawala niyan ni meghan? nakakaloka na siguro sa dami '' sabi naman ni angela na umiiling iling pa.

Hay naku papano ko matetext mamaya ang baby ko wala nga pala siyang phone.
Lalo akong nalungkot hindi pa nga kami magkabati tapos ganito pa walang komunikasyon.

Ano ba naman ang araw na ito, namimiss ko pa naman talaga siya.

'' anong plano mo danie? '' napalingon ako kay mark, nakalimutan ko nandito nga rin pala siya ang tahimik niya kasi.

'' h..hindi ko alam '' napabuntong hininga ako.

Natawa naman yung tatlo.

'' bakit? '' tanong ko na may pagkataka.

'' wala naman, naisip kasi namin kung gaano ka kamahal ng loka loka naming kaibigan. Never pa namin yan nakitang magselos danie, as in never in our entire life '' oa na pakasabi ni mark with matching hand gesture pa.

'' korek and never pa yan nainlove aft...... '' biglang hindi na itinuloy ni anabel ang sasabihin niya, bigla rin naman nagbago ang mukha nung dalawa.

'' aft... ??? ano yun? '' napataas ako ng kilay sa pagkataka.

'' aaaaa...eeee w...wala kalimutan mo na yun, sige alis na kami '' sabay paalam nung tatlo.

Ano kaya yun?? nakakainis naman ang araw na ito... hmmmm naiiyak na tuloy ako. megmeg naman eh. Sorry na talaga.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now