si... si maine ba classmate mo?

"opo kuya"

nasan siya?

"huh? si maine po?"

oo si nicomaine capili

"ahh yung singer. umalis na po"

HAH?  gulat na tanong ni rj

"galit ka ba kuya? may utang ba sayo?"

h-hindi. sorry. ahm anong umalis na?

"ah kasi po yung first three na mananalo sa chess match exempted po sa class. ayun nanalo po siya eh"

mga anong oras?

tumingin naman si lester sa relo

"mga fifteen minutes lang po yung laro nung naipanalo nya eh. so mga isang oras na po siguro"

ANO?! ISANG ORAS?!

"uulitin ko pa po ba yung sinigaw nyo na?"

ahm... s-sorry lester. ah sige salamat.

infairness rj, mas matinik yung nililigawan mo. iling nito sa sarili.

nag-isip ang binata kung san pa pupunta ang dalaga. naalala niya na may gig ito mamaya kaya malamang uuwi pa ito sa bahay at kukunin ang gitara at damit nito.

dali-dali siyang umuwi.

^^^^^^

"friend sasali ba tayo ng marathon at ganyan kabilis dapat ang lakad?"  reklamo ni bella

pwede ba bella bilisan mo na lang. sinabi ko kasi sayo hintayin mo na lang ako dun likod ng humaties building eh, sumama ka pa rin tapos ngayon magrereklamo ka!

"eh di shatap na ko."   irap nito sa kaibigan   "ako na nga nagmamalasakit sayo para may kasama kang magbuhat ako pa itong reklamadora ngayon"

friend mamaya na tayo magtalo. ang haba ng biyas nun oh baka mamaya abutan tayo

"eh bakit ba kasi iniiwasan mo? yan hirap sayo eh. bakit ba kasi di mo muna tinanong? nagpaka-praning ka na naman!"  sabay kamot nito sa ulo

ssshhhh!!!! sabi mo shatap ka na di ba? daming sinasabi eh

"bakit nga di mo tinanong?"

para ano? friend ang linaw nung baby at i love you. gusto mo ba talagang ipahiya ko pa yung sarili ko?

"eh bakit mo kasi tinuka agad? tapos ngayon aarte-arte ka!"

wag mo na ngang ipaalala yung temporary loss of sanity moment ko!

"ok lang naka-kiss ka pa rin!"

ewan ko nga sayo! isipin mo na lang kung saan ako pwede makitulog mamaya

"friend gusto mo taxi ka na lang pauwi sa min."

sayang ang pera ko pantaxi. sige na magjeep na lang ako.

"delikado yun"

mas delikado yung puso ko kung hindi ako makikitulog sa inyo

"aahhh... ang witty mo dun friend!"

ewan ko sayo dali na. hintayin mo ako dito kukunin ko lang mga gamit ko.

"ay hindi ako pwedeng umakyat?"

nakakahiya kay rj. baka masabi pa ni kuya edwin na nagpapasok ako ng kaibigan. promise mabilis lang ako

"mabilis na the flash, road runner o speedy gonzalez?"

photgraph revisitedWhere stories live. Discover now