Chapter 1

996 24 2
                                    

HI READERS! I SUGGEST NA BAGO NYO BASAHIN ITO BASAHIN NYO MUNA YUNG STORY OF THE NERD GANGSTER PRINCESS, PARA MAGETS NYO YUNG IBA. STORY YUN NG MGA MAGULANG NILA HAHA. KUNG GUSTO NYO LANG NAMAN, HINDI KO KAYO PINIPILIT. YUN LANG. LOVEYOU :* -K.

THIRD PERSON's POV

Masayang nagtatawanan ang pamilya Monteverde. Nandun din kasama nila ang pamilya Cruz, Han, Dela Paz, David at Ylvis. Napagpasyahan kasi nilang magkaroon ng salo salo kasi ngayon lang ulit sila nagkita kita ng buo matapos ang 1 buwan.

Nasa isang kumpulan ang mga matatanda at may sarili namang kumpulan ang mga anak nila. Sobrang close sila sa isa't isa dahil simula bata ay sila na ang magkakasama

"Malapit na ang bakasyon natin" ani ni Lorenz ang bunsong anak nina Motz at Mariejoy

"Kaya nga eh tapos incoming 5th year college na kami nina Nikko, Ayisha at Renz" sabi naman ni Carlo

"Gragraduate na ang mga kuya natin pati na rin si Ate Ayisha!! Ewww mga gurang na" mapang asar na sabi ni Ayela

"Psh. hiyang hiya sayo! kasunod ka na babae, incoming 4th year college ka na. Isa ka pang gurang" mataray na sambit ni Nikko. Simula pagkabata ay aso't pusa na ang dalawang yan. Yun nga lang matagal nang may gusto si Nikko sa dalaga hindi nya lang masabi rito

"Mas gurang ka pa din mas matanda kaya ikaw sa akin!" sigaw naman ni Ayela

"Ang ingay mo pa din! sakit sa tenga ng boses mo!" irritadong sabi ni Nikko. Lumapit si Ayela sa binata at nilapit ang mukha nito sa tenga ni Nikko. Nagulat naman ang binata dahil sa inasal ng babae. Medyo namula pa ito

"WALA KANG PAKI KUNG MAINGAY AKO!" pero nagulat ito ng sigawan siya ng babae sa mismong tenga niya

"Ouch! you're so annoying!" inis na sambit ni Nikko

"Oh tama na yan mag aaway nanaman kayong dalawa" awat ni Ayisha sa dalawa at hinigit ang braso ni Nikko na akmang susugudin na si Ayela. Si Ayisha o Renzello ang laging tagawat sa dalawang yan pag mag aaway na

"Blehh" sadyang makulit si Ayela dinilaan pa nya ang masungit na lalake

"Ates Kuyas be matured mahiya kayo sa aming mga young forever" sumingit sa usapan si Anjelie nakakabatang kapatid ni Carlo. Natigilan naman ang mga nakakatanda at napatingin sa mga nakababata na tahimik lang na pinapanuod ang mga ito

Ganto kasi yan incoming 2nd year college sina Dale,Lorenz at Anjelie

Incoming  3rd year college naman sina Riekko,Reisha, Kylie, Kynna, Kyler at Nikoleigh

Incoming 4th year college si Ayela sya lang mag isa na mag 3rd year college

At incoming 5th year students naman sina Renzello, Ayisha, Carlo at Nikkolo sa kursong Engineering

"Sorry na ha? ang late nyo kasing ipinanganak" halos pairap na sabi ni Ayela, napatawa naman silang lahat

"So Ates Kuyas anong plano natin sa bakasyon? " tanong nina Riekko sa mga ito

"Kami kasi ni Anjelie magbabakasyon sa US, dadalawin namin si Mamila" pagpapaliwanag ni Carlo

"Aww. Sayang naman" pagkadismaya ni Leigh

" I want to go to a vacation. Why don't we travel around asia? it's sounds fun right?" suggest ni Kylie

"No it's too expensive" seryosong saad ni Renzello

"Oh para hindi mahal dito nalang tayo sa Philippines mag explore, punta tayong Batanes, Cebu, Siargao, Palawan?" sabi naman ni Kyanna

"Ohh sounds exciting" masayang sambit ni Riesha

The Other Self  (STNGP Sequel)Where stories live. Discover now