Sa totoo lang lihim ako umiiyak sa tuwing umuuwi syang ganun. Pero pinapaintindi ko naman sa kanya na mahal sya ng papa nya. Na busy lang talaga papa nya kaya hindi pa sya umuuwi. Na nag-iipon ng pera papa nya para sa kanya.

Hinaplos ko ang pisngi ni Kayllan at saka ko sya nginitian. Magsasalita na sana ako ng bigla may sumabat sa amin.

"Payagan mo na nga si Kayllan ibili ang gusto nya. Balang araw hindi mo din maitatago sa bata ang lahat." si--

"Raymar.." pinandilatan ko sya ng mata.

"Daddy Raymar!" natutuwang tawag ni Kayllan sa kanya.

"Paanu ka nakarating dito? Akala ko ba nasa hospital ka?" nakakunot noo kong tanung sa kanya..

"Malamang sumakay ako ng Ferarri ko." yabang nyang sagot.

"Lols.. Yabang ah hehe..!" ingos ko sa kanya. At lumuhod sya

para magkapantay sila ni Kayllan.

"Musta na ang maganda kong princess?" paglalambing nya sa anak ko at napangiti ako sa nakikita ko sa kanila.

"I'm fine daddy. Look oh may star na naman po ako." sagot ni Kayllan.

"That's my girl baby. So what do you want baby, ibibigay namin ni mama sayo." si Raymar.

"I want guitar daddy please please daddy!!!" pagpapacute ng anak ko sabay pinagdaop ang palad nya na parang nagmamakaawa.

"Sure baby." pagpayag ni Raymar.

"Kaya lumalaking spoiled yan sayo kasi kinukosinte mo eh." sabi ko sabay iling.

Sasagot na sana si Raymar ng may bigla naman dumating.

"Hi babe! Hi mare! Ohh hi baby Kayllan." si Rukia ang asawa ni Raymar. Yup! Tama naman kayo ng nabasa.

"Hi mommy Rukia, i miss you po." lambing ng anak ko kay mare Rukia sabay halik at nagpakarga sya kay mare.

"Ohhh I miss you more baby.." paglalambing din ni mare.

"Isa ka pa mare ah." saway ko sa kanya.

"What? Anu naman ako?" pagtataka nyang tanung.

"Na pareho kayo ng asawa mo, kinukunsinte yang anak ko. Ibaba mo na nga yan, hindi mo na kaya yan pilit mo parin kinakarga." sabi ko.

"Eh hayaan mo na nga ako mare, alam mo naman nanggigil ako sa anak mo." say nya sabay pinanggigilan nga si Kayllan at eto naman anak ko napapahagikhik na. Sarap sa pakiramdam marinig sa anak ko ang kanyang matinis na hagikhik.

"Musta na nga pala check-up mo mare?" tanung ko. Nagkatitigan sila ni Raymar at kita ko sa mga mata nila ang kislap na saya.

"Ayun, im 2 months preggy mareeee..." tili nya, hahaha gaga talaga tong si mare..

"Really?! Mare congrats hehe.." masaya kong sabi sabay akap sa kanya pero aaminin ko medyo masakit lang kasi buti pa sya andito si Raymar nakikita sa hitsura ang saya.

"Panu, tara na at ng maicelebrate natin to." pag-iiba ni Raymar ng usapan alam nya kasi nasasaktan parin ako.

Nasa mall na kami habang magkahawak kamay kami ni Kayllan. Sina Raymar at Rukia ayun PDA lang naman.

.........

Ayun after ilang oras na pagliliwaliw sa mall kasama anak ko at ang mag-asawa. Nakauwi na din kami ng matiwasay. Hinatid kami ng mag-asawa pauwi ng bahay. Nakatulog na nga si Kayllan habang hawak ang gitara.

Napapangiti ako pag tinititigan ko anak ko. Hindi ko akalain lalaki syang malambing at mabait.

"Bye mare, see you in monday ah. Remember hindi ka pwede ma-late." sabi ni Rukia. May meeting kasi ako sa isang Enginer na makakasama ko sa project na gagawin naming building.

"Ah oo, sige ingat lang kayo ah. Kaw Raymar careful sa pag-drive alam mo naman kalagayan ni mare." paalala ko kay sa kanila. At nginitian lang ako ng Raymar na to. Saka na sila umalis. Sabay na din pumasok ako ng bahay.

Pagpasok ko, sinalubong kami ng Aling Bebe.

"Gabing gabi na ah. Hinatid ba kayo ng mag-asawa?" salubong nya sa akin para kunin si Kayllan.

"Akin na ang bata. Nahihirapan ka na eh." sabi nya.

"Huwag na po Nana Bebe, ako na lang po. Yong gitara na lang po ang kunin nyo para ipasok sa kwarto nya." tanggi ko sya saka ako nauna pumasok ng kwarto ni Kayllan.

Kalalapag ko lang kay Kayllan nung pumasok na si Nana Bebe.

"Akala ko ba anak ayaw mo na humawak ng gamit na yan?" tanung nya habang sinabit ang gitara sa may tabi ng pintuan ng kwarto ni Kayllan. Kaya nakwento ko sa kanya ang nangyari kung bakit ko nabili ang gitara.

"Anak, hindi mo maitatago sa bata ang lahat. Lalo na ngayon lumalaki syang matalino. Handa ka na ba pag dumating ang panahon hanapin nya ang papa nya. At tsaka huwag kana magtaka sa anak mo, nagmana lang sya sa papa nya kaya mahilig din sya sa mga kanta." sabi nya.

"Nana Bebe natatakot po ako. Pano kung magkita sila, pano kung kukunin sya sa akin ni-- ng tatay nya. Hindi ko po kakayanin yun." malungkot kong sabi. At niyakap nya ako.

Kinabukasan. Araw ng sabado, nasa bahay lang kami dahil sa restday namin mag-ina. Kasama na din general cleaning kami ni Nana Bebe. Pag nasa bahay lang ako tumutulong ako kay Nana Bebe..

Nagluluto ako ng tanghalian namin ng may bigla ako tawagin at lapitan ni Kayllan.

"Mama! Mama! Si Mommy po." sabi nya sabay abot sa akin ng phone ko.

"Thanks baby." pagkakuha ko. "oh mare napatawag ka?"

"Mare be ready, mamaya gabi bar hoping tayo ni babe." masaya nyang sabi ni mare Rukia sa kabilang linya.

"Hey teka teka? Anong bar hopping pinagsasabi mo dyan? Baka nakakalimutan mong buntis ka para pumunta sa ganung lugar?" pagtataka ko.

"Mare naman, syempre hindi naman ako iinom ng alak noh. Sige na mare please.. Sama ka na ha? Selebresyon lang naman natin to mare eh." pagmamakaawa nya.

"Pero mare kasi diba alam mo--"

"Yah i know mare, pero imposible naman magkikita kayo sa ganung lugar eh hindi naman siguro nagagawi dito yun. Tsaka mare face your fears. Hindi habang buhay maitatago mo yang takot sa puso mo." sabi nya kaya napakunot noo ako sa sinabi nya. Teka lang ah may napapansin na ako eh.

"Teka lang mare ah, ako ba'y linawin nyo mag-asawa ah. Kanina ko pa napapansin para bang mas gusto nyo makita kami ni-- ni--" shet! Kahit pangalan nya hirap ako banggitin. "n-ni Callan." bulong ko sa pangalan nya. Hindi ko lang alam kung narinig ba ni Rukia.

Basta simula wala na kami, ni paghawak ng gitara at pagpunta ng bar. Hindi ko na ginagawa. Sya lahat naaalala ko. At kahit anung bagay o anu pa man ang makakapag-alala sa akin iniiwasan ko.

Natatakot ako mag-krus ang landas namin ni Callan.....

Itutuloy...

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن