Kaya ang ginawa nya,hinila nya ako at bahagya ako nakaupo. Nakatayo pa kasi ako sa harap nya. Nakapwesto kame sa may gilid malapit sa bintana.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Malamang nakaupo!" pilosopo nyang sagot.

"Huwag ka ngang pilosopo? Bakit andito ka? Diba dapat dun ka sa classroom mo?" pagtataray ko.

"Relax! Ang init naman ng ulo ng honeybunch ko. Dito din classroom ko. Kaya relax ka lang dyan okay." sabi hawak nya sa dalawang pisngi ko kaya hindi ko na lang kinontra.

Tapos naririnig ko yong bulong-bulungan nila.

"Homaygad! Sya pala boyfriend ni Kayzee. Ang pogi nya. Grabe eksena kanina sa may hallway blah blah blah blah..." si Classmate 1.

"Oo nga,ganyan pala blah blah blah blah.." si Classmate 2.

Anaksyuta! Bulong pa ba yon? Kulang na lang megaphone sa lakas ng pagbubulungan nila.

"Huwag mo na sila pansinin." sabi ni Callan. "importante I Love You." ~_~.

Shettt! Kinilig ako dun ah. Takte! Hindi ko napaghandaan yon hehe!

Tapos dumating na sina Jenn at Sam.

"OMG! Andito lang pala kayong dalawa. Akala na namin kung saan-saan na kayo nagsususuot." si Sam.

Isa pa tong Sam na to. Sa sinabi nya akala mo naman may ginawa na kameng kalokohan ni Callan kaya hindi nila kame makita. At tumabi na yong dalawa sa amin.

"Kayzee,ayos ka lang?" bulong ni Jenn,tinutukoy nya yong nangyari kanina.

"Yah,im okay." ngiti kong sagot.

"Pakshet Kayzee,nakaya mo gawin yon." bulong nya ulit.

"Tseh! Manahimik ka na nga dyan? Hiyang-hiya na nga ako sa ginawa ko eh. Buti na lang andyan si Callan?" bulong ko din,oo nga buti pinaparamdam sa akin ni Callan na andito lang sya sa tabi ko. Na wala ako dapat ikahiya dahil mahal nya ako at ramdam ko yon.

Subrang saya ko at kilig na nararamdaman ko ngayon..

"Panu naman kasi Jenn,hindi makapaghintay isolo si Kuya Callan." sabat ni Sam.

"Salamat ha! Tinutulungan nyo talaga ako. Hiyang-hiya naman ako sa inyo." sarkastik kong bulong. At bumungisngis lang tong mababait kong kaibigan.

"Infairness Kayzee ah,astig ng ginawa mo hahahaha." si Jenn.

At nagtawanan sila. Langyang dalawang to pinagtatawanan lang ako kaya inirapan ko sila.

"Inggit lang mga yan kaya pabayaan mo na sila." sabi ni Callan sabay hawak sa aking kamay.

Maya-maya sabay dumating ang grupo ng Mean Girls nakalimutan ko sabihin magkaklase kame sa unang subject namin.

Kasama ng Mean Girls si Kell kaya si Jenn ayon natahimik sa pang-aasar sa akin.

Ilang minuto ang lumipas sina Raymar at ang prof namin ang dumating. Ngingitian ko sana si Raymar pero hindi sya sa akin nakatingin. Anyare??

< Raymar's POV >

Bigla bumilis tibok ng puso ko nung tinawag ako ni Kayzee para mg-thank you.

Umalis ako ng Music Room dahil aminado ako na nasaktan talaga ako. Sila na nga talaga ng lalaki na yon.

Paglabas ko Music Room punta sana ako library pero nadaanan ko ang Bulletin Board. May magaganap na Battle Of The Band. Pati ibang school pwede sumali. At sa notice na yon,nakita ko sa may gilid ng Bulletin Board ang poster ng Bachelor Girls. Medyo lumapit mukha ko sa poster na yon dahil namumukhaan ko ang tatlong babae. Nung nakalapit na ako,sina Kayzee,Jenn at Sam pala.

Ang gaganda nila tingnan. Si Sam naka-keyboard sya,si Jenn sya naman ang nagda-drum. At c Kayzee ang vocalist nila na may hawak na gitara.

Kaya pala nasa Music Room sya kanina. Actually nakita ko pagpasok nya Music Room,pagpasok nya sumunod ako. Pero nasa pintuan lang ako nung marinig ko syang tumugtog ng gitara at sya'y kumanta.

...

Subrang nakita ko ang nangyari sa hallway. Wala na talaga ako pag-asa sa kanya.

Kaya ako nag-transfer sa school na to dahil sa kanya.

Tama iniisip nyo? Yes! Isang taon ko ng kilala si Kayzee! Si Ate Aiko boyfriend nya kasi si Kuya Chris na brother ni Kayzee!

Yong kinukuwento ni Kayzee about kuya nya alam ko na yon.

1year ago minahal ko na si Kayzee. Picture pa lang nya nakita ko dun kay Kuya Chris..

Ngayon alam nyo na lihim ko kung bakit sinundan ko si Kayzee dito na halos nagpalipat ako ng school dahil sa kanya. Kaya silent muna kayo ha..

Magtatapat din ako sa kanya pag bibigyan ako ng pagkakataon.

Nagkasabay kame ni Sir Magbanua ngayon papasok ng classroom. Magkaklase kame ni Kayzee. Inalam ko talaga schedule kaya heto kahit papanu masisilayan ko sya..

Pero teng ene! Kaklase din pala namin Callan na to!

Pagkapasok ko sa baba ako nakatingin. Ayoko kasi tingnan si Kayzee. Ayoko makita nya sa mga mata ko ang sakit.

Oo nasasaktan ako dahil mahal ko din sya.. :(

Itutuloy.....

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon