Author's Special Entry 19: Young Girl

475 8 2
                                    

So!!! After the scenario ng He's Here. Syempre bida bida nanaman ako. Di yata ako nawawalan ng ganitong pangyayari sa life as in. Sobrang ikli lang nito.

Every single day palagi ako nakakaexperienced ng Sleep Paralysis. So this time ng nagkaroon ako ng episode sleep paralysis attack, alam ko na talaga na ayan na. Pero this time iba siya, nanaginip pa din ako. A young girl, around 6-8 years old with long black hair and white dress. Di niyo magugustuhan kung itatanong niyo kung ano istura niya. Sobra niyang creepy. Ang hirap iexplain. Basta nakakatakot. Hindi siya normal.

Oo, may mukha siya unlike sa dati kong napapaginipan palaging blurred. So ayun, She wants to play with me. Sobrang ligalig niya. Takbo dito takbo doon. Hindi ko alam bakit ako sunod ng sunod sakanya hanggang sa naiba na yung place ng scenario, napunta kami sa bahay namin sa kusina.

Until she said "kukunin namin siya". I regret asking her who. Why? Kasi sa abardor namin may isang picture frame don na kanina di ko napansin, until sa pinakita niya kung sino.... IT WAS ME WHEN I WAS 4 YEARS OLD NUNG NAGING FLOWER GIRL AKO NG PINSAN KO. Juskooo doon na ako hindi makahinga hanggang sa nagzoom mukha niya sakin while laughing. Tapos umuungol na ako kasi aware na ako, dilat na mata ko ang problema patay katawan ko. Hindi ko maigalaw. Hanggang sa ginising ako ni mame. Sobra akong takot na takot ang creepy kasi jusko. Paano napunta picture frame ko dun tsaka as far as i know, ang gusto kumuha sakin at palaging nagpapakita sa dream ko is lalaking anino. Pero ewaaan huhuhu jusko di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi kasi diba baka sooner or later ito pa magcause ng death ko *knock on wood* wag naman sana 

Book of Horror (Based on True Stories)Where stories live. Discover now