Entry 12 - Katulong

6.8K 102 1
                                    

// Entry 12 \\

Sorry guys. Busy talaga ako eh :( Btw, eto na po hinihiling mo kuya/ate na update :")))

Bali po ang next story natin ay galing sa kaklase ko nung highschool. Oy eto na. :D. Hahahahahaha. POV niya ito ah

---------------------------------------------------------------------------------------- xoxo

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Tawagin niyo nalang akong Lexi. Nag-aaral ako sa Adamson University, at may bahay kami sa Pancho Villa dito sa Manila. Hindi ako dito tumitira, kaso mejo malayo ito sa university ko.

Gusto ko muna i-demonstrate ang itsura ng kabahayan namin dito. Up and down ito. In short, may stairing.

Sa bandang baba or ground floor ay iyon ang kwarto nila Kuya at nung maid's room.
Malapit sa salas ang room nila at katabi din nito ang dalawang office.

Sa bandang itaas naman 'yung kwarto ko at tsaka 'yung kwarto ng tita ko.

So eto na, minsan kakauwi ko pa lamang galing sa probinsya namin. Pagpasok ko sa loob ng gate, parang may kakaiba na akong nararamdaman. Pero binaliwala ko iyon.

Hindi ko intindi iyon at naglakad na papunta sa loob, pero napansin kong wala 'yung dalawang kotse dun sa garahe namin. 'Wala pa siguro sila Tita' sabi ko sarili ko. At ina-assume kong 'yung maid lang namin andito.

Pagpasok ko sa loob ang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi ko ulit iyon alintana at nagpunta na sa itaas kasi andon yung kwarto ko. Hindi ko ba nasabi sa inyo na 'yung hagdanan dito ay paikot? Oo, paikot siya. Pag tumingin ako sa ibaba makikita ko agad doon ang kwarto nila Tina which is kwarto nila Kuya. Mejo nagulat ako. Di ko inintindi iyon at nagpunta ako sa maid's room. Kaya bumaba ako ng hagdanan. May nakita akong babaeng mahaba 'yung buhok sa may tapat ng pinto nila Tina. So hindi pala guni-guni ko na andito si tina.

Pumasok na ako sa maid's room at nakita ko si Manang. Tinanong ko ito 'Manang, bakit si tina lang andito sa bahay?'

Nagulat ako sa sinabi ni Manang. 'ay naku anak, kasama nila tita mo si tina sa greenhills, bakit mo natanong yan?'

Namutla ako sa sinabi ni manang. Hindi ako makagalaw as in. Hindi ako makaalis sa kwarto ni Manang. Naisip ko, day-off pala nung isang maid. Bali dalawa lang kami ni manang dito.

Hindi ako makaakyat sa kwarto para ilagay yung gamit ko kasi dun sa nakita ko. Kaya nagpasama nalang ako kay Manang. Natatakot na talaga ako that time. Pagkatapos ay nailagay ang gamit ko parang may napansin akong kakaiba.

Yung posisyon ng salamin sa kwarto......

Naiba ng posisyon. Imposibleng magalaw 'yun kasi nakapakat ito sa pader.

Tinanong ko ang maid about don sa salamin kung nagalaw niya. Ang sagot sakin 'Si Ma'am naman, nagpapatawa ata. Kahit po galawin ko iyang salamin, hindi magagalaw kasi po nakapakat na po iyan dba? Tsaka sabi sakin ng Tita mo, matagal na iyang di naalis.'

Kaya sinabi ko sa sarili ko 'Baka naninibago lang ako' . Pinipilit kong pakalmahin sarili ko.
Pero imposible talaga kasi e.
Habang nagiisip ako about doon sa salamin bigla nagsalita si Manang na mauna na muna daw siya sa ibaba at ipaghahanda ako ng pagkain.

Sumunod nalang ako sakanya, kasi natakot na talaga ako.
Nung pababa na kami, diba sabi ko sa inyo 'yung hagdanan paikot siya na katamtaman ang taas nito.

Pagkababa na pagkababa namin,

Nakita ko nananaman 'yung babae sa may malaking salamin sa tapat nung dining area namin na...

walang mukha.

Mahaba ang buhok hanggang bewang at nakabestidang puti na may lace.

Napahiyaw ako ng sobrang pagkalakas-lakas sa sobrang takot as in. Napaupo ako sa hagdanan ng dahil sa takot. Nagulat si Manang sakin kasi magkasunod lang kami, inalalayan ako na makatayo. Wala sa wisyo ko agad natanong kay Manang na kung may namatay na ba dito.

Ang sagot sakin ni Manang 'Ma'am, wala pong mismong namatay dito. Pero 'yung dating yaya nila Kuya Boden, Kuya Lance, Kuya Joseph mo eh maagang namatay'

Nagulat ako kasi wala akong alam dito.

Pinagpatuloy niya ang kwento.

'10 years ago nang mamatay 'yung yaya ng mga pinsan mo. Kadahilanang naaksidente sa van na sinasakyan, nabanga at namatay. Pauwi siya noon sa iloilo kung saan doon ang probinsya niya. Magpapasko ng mangyari iyon. Ang bata pa niya nung mamatay. 30's siguro siya Ma'am. Alam mo ba ma'am masyadong close yung yaya niya kila boden. Kaya siguro nagpapakita dito kasi binabantayan pa din mga alaga niya kahit wala na siya. Mary Grace ang pangalan ng yaya nila boden.Parang iniisip siguro ni Mary Grace na hindi pa tapos yung pag-aalaga niya sa mga bata, sa gayong nasa tamang edad na sila'

Nakakatakot na nakakatouch, kasi kahit wala na siya. Binabantayan niya pa rin sila Kuya.

Last April 13, 2014 lang nangyari sakin to. :)

Book of Horror (Based on True Stories)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu