SPECIAL ENTRY 3 - Entities Spirits and The Security Guard

7K 182 35
                                    

\\Special Entry 3 //

Guys promise! Kinilabutan ako dito. Tsktsk.

Post mula kay Kuya Prince ulit! ;).

------------------------------------------------------------------------ xoxo

"Another true to life horror experience ko ulit sa loob ng piyuu..

November din.. mga 3rd week ito.. around 9pm.. Habang naglalakad kami ng friend ko sa hallway ng Nursing Building.. nasa 6th floor kami.. naghahanap kc kami ng cr na bukas.. then suddenly i felt na parang ang dami naming naglalakad.. which is dalawa lang naman kmi ng friend ko.. then i stoped.. sabi ko sa friend ko.. bro parang may mga kasama tayo.. bat ang ingay.. pero habang sinasabi ko un.. nakatalikod ako sakanya.. natawa lang siya then tinapik ako sa balikat ng tatlong beses.. then maya maya.. parangtumahimik.. then sabi ko sa friend ko bro bat parang sobrang tahimik naman ata.. nakatalikod pa din ako sakanya.. naglalakad kc kami at nauuna ako sa friend ko.. di na ko humaharap sa likod.. then aun na.. tumawa lang ulit siya then tinapik ulit ako ng tatlong beses.. nung pababa na kami pag dating sa 5th floor.. medyo madilim sa floor na un.. then ayan nanaman ang ingay.. so ako nairita kc anong oras na nun tapos ang ingay ingay.. so humarap na ko sa likod.. pag harap ko sa likod wala akong kasama... mag isa lang ako.. akala ko nung una pinagtritripan lang ako ng friend ko.. nakita ko kasi na may tao dun sa dulong side ng hallway.. nakatayolang.. nung paghablot ko ng phone nagriring ung phone ko.. tapos ung friend ko tumatawag so sinagot ko.. sbi ko bro wag ka magbiro.. halika na at uuwi na tayo.. hinihintay na tayo ng iba nating friends.. tapos ang sagot skin ng friend ko.. hala anjan kpa sa piyuu.?? Umuwi n kmi kc kala namin umuwi kna.. tapos ung tao na tinitignan ko papalapit ng papalapit skin.. then i ran pababa ng hagdan.. then i saw someone na paakyat.. and i know hindi siya tao.. or kagaya natin.. so umakyat ako... hanggang makarating ako sa 6th floor.. pero mas dumadami ung mga nararamdaman kong entities.. pabigat ng pabigat.. then i closedmy eyes.. nag pray ako.. maya maya tumahimik.. so chance ko na un para bumaba.. then i thought tapos na.. nung nakarating ako sa 5th floor bumaba ako pero napapansin ko parang paulit ulit lang ung floor na napupuntahan ko.. kung hindi 5th ay 6th.. then i checked my clock.. 10:15pm na.. so nag pray ako.. matagal.. then maya maya may humawak sakin.. napasaigaw ako ng "in jesus name" then pag open ko ng eyes.. isang security guard ang nakita ko.. sbi ko thank God... then sinamahan nya na ako pababa.. naguusap pa kami then pag dating ko ng 2nd floor may nakita akong isang janitor at isang security guard.. pag tingin ko salikod ko wala na ung security na naghatid sakin pababa.. ndi na ko umimik.. sumabay nalang ako sa janitor at secu palabas ng building..

Hehe.. isa po yan sa mga naranasan ko sa piyuu.. ^.^."

Guys walang imposible sa diyos! Amen! :)

Book of Horror (Based on True Stories)Where stories live. Discover now