Entry 16: Dave

2.2K 48 3
                                    

//Entry 16//

Hi, galing po sa aking sender na si PrincessLegiaj2002, ayon sakanya ito ay kanyang karanasan at ng kaniyang kuya. Bali 2 separate stories. Okay? Copy and paste ko lang ito galing sa sender. Gusto ko kasi sila mismo ang nagsulat at nagkwento sakin. Yun.

------------------------------------------------------------------------------------------------ xoxo 

III. "KASAMA AKO"

Iniwan muna kami nila mama. Kakain lang daw sa labas pag takeout na lang daw nila kami. Sayang kasi yung benta. Kung sasama pa kami.Nag stay muna kami dito sa tindahan. Pero dahil grounded lahat kami sa mga gadget nakatunganga lang kami.Nung mga oras na yun mga 12 na pero sanay naman kaming gising sa mga ganitong oras. Wala pa sila mama. Hindi naman kami natatakot na mapasukan kasi harap lang ng bahay namin yung baranggay. Marami pang tao sa labas lalo na sa kapitbahay namin kasi may namatay.Pinapatulog ko na si Dave kaso ang kulit ayaw pang matulog may pasok pa ng umaga to ako kasi pang hapon.Sa huli napilit ko din siya pero sumusunod din siya sa akin pag pupuntang tindahan inaasar ako pero dahil napuno ako napasigaw ako sa knya sanay na siya kaya tinatawanan niya pa ako na lalo kong kinainisan.Asa kwarto na siya at papunta na ako sa tindahan pero nararamdam kong may sumusunod sa akin sigurado akong si Dave to. Tumingin ako sa likod ko pero tumakbo siya at nagtago sa liko ng pader kung saan yung mga tambakan ng mga karton. Kasabay ng pagtakbo niya papunta sa likod ng pader ay narinig ko ang pagtalon na kung sino sa kwarto. Pero hindi ko alam kung sino sa kanila si Dave yung asa kwarto ba o yung nagtago sa likod ng pader. Naglakas loob ako na pumunta sa kwarto. At laking gulat ko si Dave ay nasa loob.  

Sino yung sumunod sa akin at nagtago sa likod ng pader?

Hindi man siguro nakakatakot pero nung naexperience ko to. Hindi ko talaga alam gagawin ko nung nangyari sa amin to."Walang ulo"Maaga akong nagising dahil pagluluto ko ng pagkain yung kapatid ko. Tulog din sila mama. Kawawa naman kapatid ko lagi na lang umaalis ng hindi kumakain. "Dave, maligo ka muna habang ginagawa ko to para hindi sayang yung oras." Sabi ko, sinunod niya naman. Pagkatpos ko ay tapos na rin siya. Natapos lahat at paalis na lang siya.Ewan ko ba pero ang lungkot niya wala siya sa sarili niya. Nasa malayo ako at nakita ko siyang may kinakalkal sa bag niyang nakapatong sa pakabayo. Nakayuko siya that time pero nung papalapit ako napapansin ko -WALA SIYANG ULO- napakurap kurap ako.Napakurap ako. Tumakbo ako papunta sa kanya para sampalin sabi kasi nila kahit na hindi mo makita yung ulo kailan mo nga sampalin. Nung una natawa ako pero nung mangyari sakin >.<Narinig niya yung pagtakbo kaya medyo tumayo siya. Dun nakita ko na siya ng buo. Pero bago yun sabi ko ay"Gawin mo nga yung pwesto tulad ng kanina habang nag may kinakalkal ka sa bag." Sinunod niya yung sinabi ko kahit na sobrang layo ko kitang kitang ko yung ulo niya.

----*

II. "Kuya"

Si kuya allain ko naka experience nito.Pumunta ako dito sa kusina nila. Para puntahan si dave. Naghanap hanap muna ako baka kasi andito lang siya. Balak ko kasing hingin yung password ng wifi nila. Aalis na ako pero narinig ko siyang tinawag niya ako."Kuya toy." Tumingin ako sa likod pero hindi ko siya nakita. Nagsimulang nagtaasan yung balahibo ko. Napatakbo ako papunta sa mga kasama ko.Yung nanay ko at tatay nila magkapatid kaya close kami. At dun mismo sa kusina na yun ay andun dati yung kwarto ng nanay ko na ngayon ay PUMANAW NA."Napano ka? Hahaha." Tanong ng isa sa mga pinsan ko"Akala ko andun si Dave. Tinawag niya pa kasi yung pangalan ko.""Eh?"Hindi nalang ako umimik. Napatingin ako sa bandang kusina. Bigla nanaman akong nangilabot. 

----*  

Book of Horror (Based on True Stories)Where stories live. Discover now