Entry 8 - Reincarnation Spirit (Doopelganger)

8.5K 161 27
                                    

// Entry 8\\

At dahil sa buwan na ng Feb-ibig ngayon, Ito po ay handog ko sa inyo =). Nakwento lang sakin ito ng Tita ko na kinwento sakanya ng kapitbahay niya. It means, yung kapitbahay nila Tita ang nakaranas nito. Kuha? *wink*

---------------------------------------------------------------------------------------- xoxo

3rd Person's POV

Katanghaliang tapat ng mangyari ang insidente na iyon.
Naghanda na ng tanghalian si Aling Linda sa kanilang kusina. Tatlo ang anak ni Aling Linda.
Si Jake ang panganay (21 years old), Si Liezel ang pangalawa (18 years old) at si Cess ang bunso (16 years old).

"Mga anak, kakain na! Adobong baka ang ulam natin ngayon! Paborito niyo ito!" masayang sigaw ni Aling Linda.

Agad namang lumabas si Jake na galing sa banyo, at sabay na lumabas si Liezel at Cess sa kwarto.

"Nak, maghusas ka ng kamay. Galing ka sa banyo" sabi ni Aling Linda na ikinagulat ni Cess.

Nakayuko lang si Jake na naglalakad paalis ng bahay at hindi ito napansin ng mag-anak.

"Ano ho ma? Saan galing si Kuya Jake?"  paninigurado ni Cess.

"Ano ba yan Cess, pati pag-CR ni Kuya Jake, ginagawa mong big deal" sabi ni Liezel. Wala ng nagawa si Cess kundi umupo nalang at kumain.

Pamaya-maya ay  may masiglang tao na bumati sakanila.

"I'm home!!! May pasalubong ako sa inyoo!!" sigaw ni Jake.

Nanlaki ang mga mata ng mag-iina at halatang nagulat.

"Nak, saan ka galing? Pinaghuhugas lang kita ng kamay dahil galing ka sa banyo, tapos naka-panlakad ka na ngayon at may inuwing pasalubong?" takang tanong ni Aling Linda.

"Yung totoo kuya? Nagjojoke ka? Kanina lang all black ka na nakapambahay tapos bihis na bihis ka ngayon? Nantitrip ka noh?" sabi pa ni Liezel.

Mstulang naguluhan si Jake sa sinasabi ng pamilya niya.

"Ako? Sa banyo?"

"Oo!" sigaw ni Liezel. Magsasalita sana si Cess kaso bigla nagsalita si Jake na nakatingin sakanya.

"E, sinabi ko nga kay Cess kaninang umaga na aalis ako at bibili ako sa bayan, dahil lunes ngayon. Madaming tinda" paliwanag nito.

"Mama, yan yung gusto kong sabihin kanina. Nagulat ako sa inyo na galing si Kuya Jake sa banyo e nagpaalam siya sakin kanina na aalis siya kasi tulog pa kayo kanina" sabi ni Cess.

Nagulat sila Liezel at Aling Linda.

Hindi na nagdalawang isip pa ang mga ito at nagtanong sa Spiritista para sa kasiguraduhan. At ang sabi nito...

ISA ITONG MASAMANG PAHIWATIG NA KAPAG MAY NAKITA KANG DOOPELGANGER NA KAMAG-ANAK MO AY MAARI ITONG MAMATAY.

At nangyari nga iyon, makalipas ng ilang buwan.... namatay si Kuya Jake at ang ikinamatay.....

AKALA NIYA NANAGINIP SIYA NA NAKITA NIYA MISMO ANG SARILI NIYANG TUMATAWID SA ISANG BANGIN.

-------------------------------------------------- x

Guys, hindti totoong namatay si Jake, nananiginip talaga siya noon. Actually, minalas lang siya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral hindi na nakahanap ng trabaho. Isa na siyang tambay sa kanilang lugar. Iyon lang po ang paglilinaw. :)

Book of Horror (Based on True Stories)Where stories live. Discover now