Entry 15: TRIO Stories, Ang kanyang pangatlong mata

3.6K 54 4
                                    

//Entry 15//

Hi! Eto na po. Bali ang ginawa ng ating next sender ay by part.

Different experience din. Different title. Siya mismo nagkwento nito, so bali copy and paste ko na din. :)

PS: Kaya po hindi ko man lang ineedit mga grammar, typo errors etc. Kasi gusto ko po kasi na maipakita na totoo po 'yung flow ng story ng bawat sender na nagsesend sakin. Kaya po respect na din sa isa't-isa.

------------------------------------------------------------------------------------------------ xoxo

-Unang Mata: Ang Duwende-

Sabi nila, lahat ng nangyayari may pinagmulan. Parang Law of Cause and Effect lang. Lahat may simula. At ito ang simula ng aking 6th senses.

Bandang alas sais na ng gabi inutusan ako ng mama ko na umigib ng tubig sa poso sa dati naming bahay.. ( Opoh.poso negro pa ang uso noon..Malinis naman kasi ang tubig galing dun kya dun na rin kami nag-iigib ng inumin..) Bumaba na ako nun dala- dala ang timba..

"hmmm..hmmm..hmmm." (kumakanta ako nyan..hehe.)

Madilim na ang paligid nun dahil takipsilim na, kaya para di ako matakot, kumakanta-kanta ako. Palingon-lingon na rin xempre..Nakakalahating timba na yata ako ng tubig nang bigla akong mapalingon sa bandang likuran ng bahay namin kung saan may mga puno ng saging..Mahilig kasi magtanim yung loloko ko nun kaya madaming tanim sa paligid.

Paglingon ko, nagulat ako sa nakita ko..isang duwendeng puti na nakaupo sa isang puno ng putol na saging. Mahaba ang balbas nya at nakapangalumbaba habang nakatingin sa akin..

Hindi ako nakagalaw agad dahil na rin sa kaibigan.. Noong nag.sink in na sa akin kung ano nakita ko, dun pa lang ako nakatakbo paakyat ng bahay..

Sinabi ko kina Mama ang nakita ko..Nagulat sila pero hindi ang lola ko..Dahil noon pa man, may nakikita na syang duwende sa bakuran namin.. Sa dinami-nami namin sa bahay, kung bakit sa akin xa nagpakita ay hindi ko alam.. Hindi ko na xa ulit nakita pa.. Pero pagpapakita nia sa akin ang naging simula ng pagbubukas ng 6th sense ko..

-wakas-

-Pangalawang Mata: Mga Pulang Mata-

Makalipas ang ilang linggo matapos ang Duwende incident ng masundan ito ng isa pang di pangkaraniwang pangyayari..

Grade Five ako noon..Sa probinsya namin, di pa uso cellphone noon..bagamat my tv at cbale na, uso pa rin noon laruin ang mga larong tulad ng jackstone, habol habulan at taguan..

Dahil pagabi na noon at hindi na kami pinayagan ni mama na lumabas ng bahay, naglaro na lamang kami ng mga kapatid ko ng jackstone sa loob..

Nagkakasarapan na noon sa laro dahil nahuhuli na ang kapatid ko na si Jun sa level (yep, may level yun..) nang biglang mahulod ang bola sa silong ng bahay namin..yung bahay kasi namin ay yung nakapatong lamang sa bato kya may silong kami.(wag na kayo magtanong kung paanong hindi nahuhulog ang bahay namin kahit nakapatong sa bato o kung bakit di natutumba dahil hindi ko rin alam).

"Ate, pakuha nga ako nung bola tutal malapit ka na naman jan sa pintuan.", sabi ni Jun.

"nu ba yan..ako pa talaga..tsk..ang dilim na kaya sa labas..kaw nalang kasi.", sagot ko..

"Ei, kaw malapit kasi..kunin mo na..tatalunin ko pa kayo, oh..bilis na.." sabi ng demanding kong kapatid.

"Oo na..heto na.."

Umalis ako sa pag-iindian seat ko at bumaba na ng bahay..

"haist..asan na kaya yun?..kasi naman.."

Book of Horror (Based on True Stories)Where stories live. Discover now