CHAPTER 28: Boyfriend

Start from the beginning
                                    

"PROMISE?"

"PROMISE!" Sigaw ko kasabay ng pagsara ng pinto ng kotse nila habang si Rylie ay nasa backseat na kumakaway hanggang sa unti unti nang umandar ang sasakyan papalayo sa ’kin

"NOOO!" I cried.

"RYLIE!" Sigaw ko at napaupo mula sa pagkakahiga ko.

"Oh Mirs, are you okay?"

"What happened?"

May pag aalalang tanong nung dalawa.

Panaginip lang pala, pero hindi lang ’yon basta panaginip.

"Here."

Binigyan ako ni Sandy ng tubig na siyang tinanggap ko at ininom habang pinupunasan naman ni Zils ’yong pawis ko sa noo tsaka ’yong luha ko. Totoo pa lang umiiyak ako?

"Nightmare?" Tanong ni Sandy.

"Rylie? Iniisip mo na naman siguro siya ’no?" Pang aasar ni Zils.

Napanaginipan ko na naman siya. Bakit sa lahat ng panaginip, ’yon pa? Pwede naman ’yong masaya. Bakit ’yon pa? Bakit siya pa?

"Nope. Hindi ko nga alam kung bakit napapanaginipan ko siya eh. Sige na, tulog na ulit kayo. Oks na ako."

"You sure?" Tanong ni Sandy kaya tumango naman ako.

Bumalik na sa pagkakahiga ’yong dalawa at natulog na ulit. Nawala tuloy ’yong antok ko.

Anong oras na ba?

2:30am ?

Napatingin ako sa gilid ko kung saan naroroon ang lamp shade na nakapatong sa maliit na aparador.

Kinuha ko ’yong susi at ni-unlock ’yong maliit na aparador. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang kulay black with pink na box. Katamtaman lang ang size nito. Parang kasing laki ng normal na notebook.

Unti-unti kong binuksan ang box at napangiti na lang ako. Dito nakalagay ang mga bagay na may sentimental value sa akin.

Mayroon pang maliit na box sa loob nito. Kinuha ko ito at binuksan. Sa pangalawang pagkakataon ay napangiti muli ako.

Ito... Ito ang necklace na ibinigay sa akin ni Rylie.

Letter 'J' ito, J for Jaine. Then, sa mismong letter na ito ay may nakaukit na 'Rylie' dun sa gilid.

May ganito rin si Rylie. Letter 'R' then may nakasulat din sa gilid na 'Jaine'.

This is one of the most important thing that my boy bestfriend gave to me. That's why I am taking care of this.

Ang sabi niya noong gabing ’yon, hahanapin niya ako. Hinintay ko siya. Until now, I’m still waiting for him.

Nasaan na kaya siya? Is he okay? Is he happy? Hinahanap niya kaya ako? Is he’s still remember me? Alam pa kaya niya na may bestfriend siyang naghihintay sa kaniya? Na hinahanap siya?

Yeah! I tried to find him but I don’t know how. I don’t know where. Kasi bata pa lang ako noon. At noong oras na magkahiwalay kami mabilis din kaming nawalan ng communication. Hindi na siya sumasagot sa mga tawag ko sa telepono. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero wala eh. Sabi ni yaya hindi na din daw natawag si Rylie. Kaya nagsawa din ako. Napagod din ako. Bata pa kami noon at wala pa akong gaanong alam tungkol sa kaniya.

Mabilis kaming naging magkaibigan at mabilis din namang natapos iyon.

Hindi ko na rin masyadong tanda ang itsura niya. For sure nagbago na ang itsura niya kumpara noong mga bata pa kami. Even in my dream, habang tumatagal nagiging blurred ang mukha niya.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now