Sign na tapos na ang laban ng dalawang grupo. Nanalo si Thea pero Dark Prince pa rin ang itinanghal na panalo.
Nang makalabas na sila sa loob ng battle ring, lumapit na si Mike na leader ng Dark Prince sa bilog na roleta/ round set. At sinimulang iikot ’yon.
Tumigil ang bilog at tumapat ang arrow sa Queen of Hearts na pagmamay ari ng Evil Queen Gang na pinamumunuan ni Cathrina Sarmiento, apo ni Master JM.
Hinamon ng Evil Queen Gang ang grupo ng Red King Warrior na pinamumunuan ni Cydell, my cousin.
Pumasok na ang dalawang grupo sa loob ng battle ring at ni-locked na sila doon.
Kita ng lahat ang bawat galaw nila at naririnig din ng lahat ang mga sinasabi nila kung sakaling magsalita sila.
Kaya dapat talaga ay alam at limitado mo ang lalabas na mga salita mula sa bibig mo kapag nasa loob ka ng battle ring, dahil maririnig ng lahat. Meron kasing nakapasak na earpiece sa tenga nila at may maliit na mic sa bibig ( mouthpiece ) nila na konektado sa malaking speaker.
Naglakad na si Jona at Phil papunta sa center ng battle ring. Halos sabay silang sumugod pero parehas din silang nakaiwas.
Mukhang magandang laban ito. Parehas kasing hindi nagpapatalo ang dalawang grupong ’yan lalo na si Cathrina at si Cydell.
Desperado ang Red King Warrior na maagaw ang pwesto ng Evil Queen sa rank 2.
***
Cath's POVNapag usapan namin na si Jona ang unang lalaban.
Habang naglalaban si Jona at Phil nahagip ng paningin ko si Cydell na nasa kabilang side. Nakangisi siya habang nakatitig sa akin.
Akala naman niya makukuha niya ang pwesto namin. No way, hindi niya kami matatalo ’no. Inirapan ko na lang si Cydell.
Konting oras na lang at ipapakilala na sina Amira as a new group of gangsters.
Nakakaexcite. Ano kayang magiging reaction ng lahat? Lalo na sina Kevin.Ang sino mang manalo sa grupo namin ni Cydell, ang siyang makakalaban ng Demonic Eye.
And after that, ipapakilala na nga sina Amira. Then, pipili sila ng grupong hahamunin nila. Naniniwala ako na kaya ’yon nina Amira. Si Amira pa.
Madalas kaming magkababag pero mahal ko ang babaitang ’yon.Nabalik ako sa sarili ko ng magsigawan ang mga tao, pati itong mga babaeng katabi ko ngayon.
Sa maraming beses na paglalaban ni Jona at Phil. Palaging napapabagsak ni Jona si Phil. Like now.
Bumalik na si Jona sa pwesto namin dito.
"Good job!" sabi ko sabay tango kay Jona, at ngumisi naman siya.
***
Third Person's POVNapuno ng ingay at sigawan ang loob ng Underground.
Habang nasa loob ng battle ring ang grupo ng Evil Queen at Red King Warrior. Tahimik na nakaupo naman ang grupo ng Demonic Eye sa isang tabi, habang pinagmamasdan ang dalawang grupong naglalaban. Habang si Kevin naman? May bumabagabag sa kanyang isipan.
Simula nang mag umpisa ang laban kanina, hindi mawala wala wala sa isip niya kung sino ba talaga ang mga bagong grupo ng gangsters. Hindi na siya makapaghintay na makilala ang mga new gangsters. Atat na atat na siyang makalaban ang mga ito.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Подростковая литератураJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any trouble. And now, she want to live with a normal life. Without fighting with others, without a mess. She wanna be a normal teen now. But how i...
CHAPTER 25: Underground Battle
Начните с самого начала