Chapter Forty Four

Start from the beginning
                                    

"Clay! Buksan mo nga 'to" kanina pa 'ko kumakatok, hindi ako pinapansin. "Ano ba?!" Di parin siya sumasagot. "Ang bastos mong bata ka, nag-antay ako dun. Inaral ko pa kung anong posisyon ang ibubungad sayo tapos iindianin mo lang ako?!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Biglang lumabot ang puso ko sa tawa ng bata, ngayon ko na lang ulit narinig ang tawa nito. Mapang-asar, pero nakakatuwang pakinggan.

I smiled, widely. "Lutong ng tawa ah, pero okay na kahit walang sex marinig ko lang tawa mo safat na. I'll sleep na, love" umalis na 'ko sa kinatatayuan ko.

Papasok na sana ako ng room ko ng maisipan kong bumalik sa room niya. "Uy, Clay. Joke lang yun ha? Mas okay parin ang sex kaysa sa tawa" hirit ko sabay takbo pabalik ng room ko.

Jusko, Camilla. Dinaig mo pa ang isang teenager!













Bandang hapon na 'ko nagising, napahaba ata tulog ko. Mag-aalas sinko ng hapon, nakauwi na kaya yung isa from school?

Dali-dali akong pumasok ng banyo para maligo, as always matatagalan na naman ako dito.



"Sino yun?" Nakangusong tanong ko sa isang kasambahay.

"Ay, si sir Theo po. Kaklase ni ma'am Clay" sagot niya tila kinikilig.

Tinignan ko ito ng masama kaya natarantang tumingin sa malayo. "Kain na kayo, ma'am"

I shook my head."Pakidalhan na lang ako ng juice dun" turo ko sa direksyon nila Clay na nasa pool area, tumango naman ito saka naglakad papuntang kusina.



"Eeeehhhhhmmmm" pagpaparamdam ko sa dalawa na kulang na lang magpalit ang mga mukha sa sobrang dikit. "Maluwag ang upuan oh, nagsisiksikan kayo dyan" pagtataray ko sa dalawa saka umupo sa harapan nila.

Biglang tumayo 'tong takure at inabot ang kamay sa 'kin. "Theo po, ma'am"

What? Ma'am? Mukha na ba 'kong matanda? Booset na lalake 'to ah, feeling gwapo ampota. Hindi ko inabot ang nakalahad niyang kamay, kaya naman ang sama ng tingin ng isa sa 'kin. Inirapan ko ang bata, may kasalanan pa siya sa 'kin kaninang umaga tapos ngayon magdadala siya ng lalake? Girlfriend lang ang peg!

Akin lang si Clay.

"Umupo ka na, tinatayo-tayo mo dyan" iritang sabi ko sa lalake.

"Cam--"

"Ma'am, eto na po juice niyo" hihirit na sana ang bata, buti na lang dumating si ate. "Thank you po" malambing na sabi ko dito, gusto ko ipamukha sa lalake na mabait ako sa iba.

Sa kanya lang hindi.

"Uhm, piggy ali--"

"Piggy?" Putol ko sa lalakeng bintilador habang nakataas ang kilay dito.

"A-alis na po ako" nauutal na sabi ng lalake, umalis ka na. Wag na wag ka ng babalik pa.

"Hatid na kita sa labas" sabi nung isa, landi mo.

"Bakit?" Nagsukatan kami ng titig ni Clay. "Alam mo naman na palabas ng bahay diba?" Binaling ko sa lalake ang tingin ko.

"O-opo" halatang ninenerbyos ang dikya.

"Ano pa hinihintay mo?" Muli kong tanong dito.

"Camilla" tawag ni Clay sa 'kin na may halong pagbabanta sa boses.

Di na 'ko umimik pa, baka kami ni Clay magsabong dito.

"Sige babs, sa ibang araw na lang natin 'to tapusin" mahinhin na sabi ng isa.

I waited for the guy to die, joke. I mean to disappear on our sight. "Psh! Babs daw" I mumbled.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni bata na halatang naiinis.

"Ikaw problema ko" tinignan ko 'to ng masama.

"Problema sayo na andito ako? Sige, aalis na 'ko" saad niya saka naglakad palayo.

"Clay! That's not what I meant!" Habol ko dito na papasok ng bahay. "Clay ano ba?!" Hila ko sa braso niya.

"We really can't live in one roof" malamig na tugon niya.

"No love, that's not what I meant. Nagseselos lang ako, please wag kang umalis" I begged her.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, saka yumuko.

Namumula ba siya?

Namumula nga!! Ayeeee!!! "Love, are you blushing?" Tukso ko rito habang pinipilit silipin ang mukha nito.

"Of course not!" Pagsusungit niya saka umakyat at tinungo ang kwarto niya.

Bago pa man siya makapasok ng kwarto, sumigaw ako dito. "Nakita ko yun, love! I love you!!"

Nang makapasok ang bata sa kwarto, nagsimula akong sumayaw kahit walang tugtog.

"Kinilig siya, kinilig siya" pakantang saad ko. "Ay paa! Ate naman, wag kang tatayo sa likod ko jusko!" Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.

"Gusto mo music, ma'am?" Nakangiting offer ni ate na halatang nang aasar.

Inirapan ko ito, saka umakyat papuntang kwarto.

Humanda ka, Clay. Paghandaan mo ang pagbabalik ko sa puso mo.

Sheeeeeet!

Landi!

-------------------------------

Stay true, stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now