Humiga na ito, nakaharap si ate sa pader. "Ate?" Tawag ko.

"Tulog na, Clay." Sabi nito ng hindi lumilingon sa 'kin.

"Hindi kita isusumbong, hindi kita ipapahamak ate." Sabi ko sa kanya.

Nakangiting humarap sa 'kin si ate. "Alam ko, Clay."

Ngumiti ako bilang ganti, wala na 'kong ibang mahihilingin pa. Ang babait ng magulang ko, mabait din ang ate ko kahit lagi kaming nag-aasaran alam kong mahal niya ako.

Mahimbing akong nakatulog.








"Mama?" Tawag pansin ko dito ng makita ko siyang nagmamadaling ilagay ang mga damit nito sa bag niya.

"Mama? Saan ka pupunta?" Muli kong tawag dito, pero hindi niya ako pinapansin.

"Ma" pangungulit ko saka hinihila ang laylayan ng damit niya.

Saan ba siya pupunta? Pupuntahan niya ba si Papa? O magtatrabaho narin siya sa construction? Yun lang naman ang maaring dahilan diba?

"Mama" mangiyak ngiyak na tawag ko dito pero tulad kanina, hindi ito kumibo.

Naglakad na siya palabas ng bahay, hinabol ko naman ito. "Mama!" Iyak ko. "Saan ka ba pupunta? Sama ako sayo" niyakap ko ito mula likod habang umiiyak.

Napahinto siya sa ginawa ko, akala ko hindi na siya tutuloy. Huminto lang pala ito para tanggalin ang kamay ko na nakakapit sa kanya, walang imik at walang lingon nagpatuloy sa paglalakad si Mama.

"Mama!!!!!!" Hagulgol kong tinawag si Mama na kulang na lang magpagulong gulong ako sa lupa.

Pagsakay niya ng tricycle, lumingon ito sa 'kin.

Sa murang edad ko, hindi ko maintindihan ang pahiwatig ng mga tingin nito. "Mama" muli kong sambit hanggang sa mawala siya paningin ko.
















"Walang hiya siya!!!!" Pagwawala ni Papa sa bahay, halos basag na ata lahat ng gamit sa bahay.

Kahit tinatakpan ni ate ang tenga ko, dinig ko parin ang pagmumura ni Papa kay Mama. Ramdam ko ang galit ni Papa sa mga nagbabasagang gamit. "Ang kapal ng mukha mo!! Tangina mo!!!"

Pareho kaming nanginginig ni ate, ngayon lang namin nakitang nagalit si Papa. "Ssshhh" alo sa 'kin ni ate. "Andito si ate, Clay" sabi niya habang tumutulo ang mga luha nito.

"Ate? Kaya ba umalis si Mama kasi makulit ako?" Tanong ko dito.

Pinunasan ni ate ang pisngi ko. "Wag na wag mong iisipin na kasalanan mo yun, wala kang kasalanan"

"Bakit siya umalis? Bakit di niya ako sinama?" Hikbi ko kay ate.

Niyakap ako ni ate. "Hindi ko alam, bunso. Hindi ko alam anong rason ni Mama, isa lang ang nakakasiguro ko." Inangat niya mukha ko. "Hindi mo kasalanan yun"




Simula nung umalis si Mama, araw-araw ng naglalasing si Papa. Madalang narin itong pumasok sa trabaho niya, gabi-gabing nagwawala kaya lagi din kaming puyat ni ate. Dahil dito, hindi narin kami nakakapasok sa eskwelahan.











"Mga anak, si auntie Juliet niyo" masayang pinakilala sa 'min ni Papa ang babaeng kasama nito na parang hindi nalalayo sa edad ni ate. "Simula ngayon, dito na siya titira sa 'tin."

"Papa" protesta ni ate.

Bakit parang ayaw ni ate kay auntie Juliet? Makikitira lang naman siya sa bahay ah, kawawa nga ito kasi walang bahay.

"Pasok ka na dun sa kwarto" utos ni Papa kay auntie saka tinuro ang kwarto nila ni Mama.

"Bakit dun Papa?" Takang tanong ko.

abCWhere stories live. Discover now