Chapter Thirty Nine

Start from the beginning
                                    

Ayokong masira ang gabi nila, lalo na ang gabi ni Mr. Suarez. Mukha naman wala siyang alam sa nakaraan ng babaeng mapapang-asawa niya.

Inabot ko ang kamay ko kay Mama. "Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ma'am"

Mangiyak ngiyak niyang tinignan ang kamay ko, pansin ko rin ang pag-titig ng mag-ama kay Mama.

Hindi niya tinanggap ang kamay ko pero laking gulat ko ng niyakap niya ako.

Panginoon ko, bakit ganito? Ang laki ng galit ko sa kanya, pero bakit parang unti-unti akong lumalambot sa bisig niya.

Mahigpit niya akong niyakap, at alam kong hindi lang ako ang nagulat sa ginawa niya. "Darling, is everything okay?" Tanong ni Mr. Suarez.

Kumalas sa pagkayakap si Mama, saka ngumiti kay sir. "Oo naman, I've been wanting to meet Clay since sinabi ni Camilla na magpapakasal siya dito" natatawang sabi nito.

"Ah, tita" nahihiyang tugon ni Camilla saka tumingin sa 'kin.




Nasa sasakyan na kami ni Camilla ngayon, hindi ko alam anong paalam niya sa mag-asawa at pinayagan siyang umalis dun. Pagkatapos nung niyakap ako ni Mama, hindi na ako ulit nagpakita pa sa kanila at inantay na lang si Camilla sa labas ng bahay nila.

"Love" tawag nito sa 'kin.

Hindi ako kumibo. "Clay" muli niyang tawag sa 'kin.

Hininto niya ang sasakyan kaya napalingon ako dito. "Kausapin mo naman ako, Clay" pagmamakaawa nito.

Anong gusto mong sabihin ko, Camilla?

"Tell me, anong nangyari dun kanina?"

Hindi parin ako kumikibo.

"Pucha naman, Clay!" Pagtaas ng boses niya sabay hampas sa manibela ng kotse niya. "Paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa 'kin?"

"Hindi ko hiningi ang tulong mo" malamig kong tugon dito habang nakakatitig sa mata nito.

Hurt is all I can see in her eyes.

She smiled bitterly, saka tumango na parang she agreed on what I just said.















"Anong ginagawa mo?" Tanong nito sa 'kin habang pilit na kinukuha sa 'kin ang bag na hawak ko.

"Let go" utos ko dito.

"Teka nga! Bakit pati ako damay sa kung anong meron kayo ni tita?!" Nanggagalaiting saad nito.

"I said, let go" sabi ko habang nakatingin sa bag.

"No!!!!" Galit na protesta nito. "Clay naman, wag mo naman ako ipagtabuyan" lumapit ito saka hinawakan ang mukha ko.

Iniwasan ko ang kamay niya, she was disappointed. "Walang aalis dito." Mariing bilin nito.

"Uuwi na 'ko sa 'min" sabi ko.

Umiling ito saka sumandal sa aparador niya. "You're not going anywhere, love"

"Hayaan mo na ako, Camilla" pakiusap ko dito.

Hindi ko narin napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko, kailangan kong lumayo. Sayo, sa inyo.

Umiiyak narin si Camilla. "Anong kasalanan ko, Clay? Bakit pati ako?"

Magiging pamilya mo na ang taong sumira sa buhay namin, Mio. Hindi ko kayang makitang masaya kayo, habang nabubulok ang kapatid ko sa kulungan.

"Love, please" she begged. "Tinawag mo siyang, Mama. You said, you said patay na Mama mo?" She mastered her words habang pinipigilan ang iyak nito.

"Patay na siya, sa 'kin" malungkot na sabi ko dito.

Pinatay ko na siya sa buhay ko nung iniwan niya kami.

Napaupo ako sa sahig ng maalala ko ang nangyari. "Ang sakit, Camilla" sambit ko saka humagulgol.

Lumuhod siya sa harapan ko saka ako niyakap. "Love, please tell me"

Mas lalo akong umiyak nung naramdaman ko ang yakap ni Camilla. "N-nagmakaawa a-ako sa kanya, Camilla" I whispered, pakiramdam ko mauubusan na 'ko ng hangin sa katawan.

"I'm here, love. Makikinig ako, wag mo lang ako ipagtabuyan" saad nito habang umiiyak.

Umilig ako. "I can't be with you anymore" bulong ko dito.

Dahan-dahan siyang bumitaw, nanatili naman itong nakaluhod.

Tinignan ko siya, she was staring at me too. "Bakit nga naging kasalanan ko, Clay?" She asked habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha nito.

"Wala kang kasalanan" sagot ko.

"Then bakit mo ako tinutulak palayo sayo? Bakit mo 'ko iiwan?" Nakayukong saad niya.

"Gusto kong lang lumayo dito" sagot ko.

"Lalayo tayo" puno ng diterminasyong saad nito.

Umiling ako. "Gusto kong lumayo, mag-isa"

"Hindi pwede, love." Iling nitong sinabi. "Ayoko ng maulit ang nangyari dati, kaya kong wala ka Clay pero hindi ako masaya" nagsimula na siyang humagulgol kaya naman naiyak ulit ako.

"Hindi ako masaya ng wala ka, love. Please naman" she begged.

I'm so sorry, Mio

Hindi ko na kayang tignan pa si Camilla, tumayo na ako.

Natarantang napatayo din si Camilla. "Love!" Iyak nito.

Naglakad na ako palabas ng kwarto niya, mabilis naman niya ako nasundan at hinarang ang pintuan ng unit niya. "Camilla" I called her. "Please" I begged.

"Gusto mong umalis?" Tanong nito. "Hahayaan kitang lumabas ng bahay natin, pero ipaintindi mo muna sa 'kin kung bakit ganyan na lang ang galit mo" she demanded.

"Camilla, please" I begged once again.

"No" sagot nito saka umupo sa sahig.

She was determined to know the truth, telling her the truth was my only way to get out of here. Kahit nakakatakot, kahit nakakasuka.


"Sige."

--------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now